I just stared at him. I didn't move; I remained standing not far from him. I wanted to ask him something but I lost my courage. So, I just swallowed and looked away.
Even though I was so hesitant, I mustered the strength to walk to the other side of the table. The surroundings were too quiet, it was deafening and I was restless.
Alam kong nakasunod ang mga titig nito sa susunod kong mga galaw kaya naman ingat na ingat ako sa kinikilos ko.
"S-sir, para saan po ba ito?" sabi ko rito.
Umayos ako ng tingin, at kita ko ang pagkunot ng noo nito. Parang hindi ito makapaniwala na wala akong alam sa mga nangyayari.
"Just nothing..." ang tono nito may pagkadismayado pero seryoso. Kaya naman natahimik ako bigla para isipin. Wala kahit anong pumapasok sa utak ko kung anong meron. "Stop thinking... Just eat." Utos nito.
Kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. The different smells of food were overwhelming me, making my stomach growl. But the thought of eating with him again, just the two of us, felt surreal.
I don't know what this is all about, but I don't want to create scenarios in my head. Maybe an investor was supposed to come, and it got canceled again. Because who am I for him to invite me to this expensive restaurant for nothing?
"Don't you like the food?" usal nito sa'kin.
Mabilis akong umiling rito. Hindi ko namalayan na pinaglalaruan ko ang pagkain sa plato. Kahit nagugutom na ako, hindi ko magawang lunukin dahil sa kaba ko.
"H-hindi naman po... Actually, masarap po silang lahat." Usal ko rito.
I need to eat it. Kaya huminga ako ng malalim para kainin lahat na nasa pinggan ko. Muli kaming natahimik. Anong mangyayari matapos nito? Malamang, babalik na kayo ng company. Hindi naman pwedeng isayaw ka niya. Saad ko sarili ko. Malapit na talaga akong mawala sa katinuan.
Hanggang sa matapos kaming dalawa. Wala itong kibo— naghihintay pa naman ako ng sasabihin niya pero hindi na ako umasa. Nanatili lang akong nakayuko rito, dahil nakakaramdam ako ng pagkahiya.
It was just the two of us inside, and it was dimly lit and quiet. I felt intimidated by his presence, making me uncomfortable. But a little more patience, and we'll be leaving soon.
Sinusulyupan ko siya kung may pagkakataon, pero nahuhuli niya ako. Kaya mabilis akong bumabaling sa kung saan.
"Do you want something?" sabi nito sa'kin. Bakit tinatanong niya? O-order kaya siya? Parang hindi naman makakatotohanan iyong ganoon.
"B-busog na po ako.." sambit ko rito.
He stared at me as if observing me, as if he didn't believe what I said.
"You only ate a little, but you're already full... Tell me, didn't you like your food?" Sir River seriously asked me.
Tumikhim naman ako sa sinabi niya. It is strange.
Totoo naman para akong biglang nabusog sa kinain ko. Kahit kunti lang iyon. Ang hirap naman kasi kumain kung siya ang kasama dahil sa kaba.
Mabuti na nga lang kumalma kahit pa-paano ang puso ko.
"Okay na po ako.." sabi ko rito. I slowly curved my lips at him. Pero nanatiling seryoso lang siya.
We're not going home yet. But it bothered me that there was so much food left uneaten. I kind of want to have it packed so I can bring it home and donate it to the church. There's just so much food prepared. I wonder if there's some occasion I don't know about. I can't remember any. It's not my birthday or his, and it's impossible that he'd celebrate my birthday with me.
I'm really confused. But should I dare to say what's on my mind? So many children would be happy if I did that. It would be such a waste to throw it away. Pero iniisip ko baka magalit siya o hindi niya magustuhan iyong ideya ko.
Desidido ako sa gusto kong gawin. Iniisip ko ako na lang magbayad ng mga ito. Kahit alam kong mahal.
"Earth to Miah." Deep voice. Natauhan naman ako dahil doon.
"P-pasensya na po.. May sinasabi po ba kayo?" usal ko rito.
"You are spacing out.. I'm just asking you if you are done.." sabi niya.
Mabilis naman akong tumango rito. Huminga ako ng malalim para sabihin sa kanya.
"S-sir, pwede ko po bang i-take out iyong natira?" matapang kong usal rito.
Bahagyang napataas naman ang kilay nito sa'kin.
"Why would you do that?" seryosong usal nito.
"Kasi sayang naman po.. Gusto ko po sanang idala doon sa simbahan iyan para sa mga bata. Kasi ang dami pong hindi nagalaw pagkain.." lakas loob kong paliwanag rito.
I heard his smirks. "Tinatanong kasi kita kanina kung ayaw mo ba o hindi.. You are really hardheaded and undefined." Bumubulong ito. Napakunot naman ang noo ko, at nagtataka sa sa sinabi niya. Hi di ko masyadong maunawaan.
"Ano po iyon?" sabi ko rito.
"Nothing.. We packed it." Sabi niya sa'kin.
Hindi ko maiwasan mapangiti rito. "Madaming salamat po.. Magbibigay na lang po ako sa bayad ng lahat ng ito." Masayang usal ko rito. Kahit alam kong mamumulubi ako matapos nito. Pero ang mahalaga may mapasaya ako.
"I already paid everything.." sabi nito sa'kin. Huwag niyang sabihin, bago pa kami magpunta dito nakabayad na siya. Grabe! Iba talaga kung may kakayahan ka sa buhay.
"Salamat, Sir." Sabi ko rito. Pero hindi niya ako nilingon. Busy siya sa pagtitipa sa phone niya. Kaya hindi na ako muli g kumibo.
Tumawag siya ng isang waiter para asikasuhin iyong i-take out. Ilang minuto din bagong natapos. Lumundag ang puso ko ng i-abot na sa'min. Parang hindi ko mapigilan na ngumiti ng malawak.
Nagthank you naman ako doob sa waiter at parang namula ito. Napangiti na lamang ako sa reaksyon niya. Napalingon naman ako sa bigla tumikhim si Sir River. Mabilis naman umalis ang waiter.
"Stop smiling.. Don't let your smile be available for everyone.." seryosong usal nito.
Kinuha niya ang mga paperbag na may laman ng i-take out namin. I find it confusing. Bakit masama bang ngumiti?
Mabilis akong sumunod sa kanya. Hindi ko talaga alam. Kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Kanina mukha siyang okay, ngayon naman badtrip niya.
Okay pa ba iyong boss ko? Sana okay pa siya.
Naabutan ko siya sa labas habang pinapasok sa loob ng kotse ang mga paper bag.
"S-sir, huwag niyo na pong ipasok dyan." Pigil ko rito. Pero patuloy lang siya sa pag-aayos nito.
"Why?" sabi nito. Natapos na din ayusin.
"K-kasi po magpaalam po sana ako kung pwede akong dumaan sa simbahan.. Pero babalik po agad ako sa may company." Usal ko rito.
Humarang naman ito sa'kin. "Ihahatid kita doon... Kaya halika na." seryosong usal nito sa'kin.
Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi agad ako nakakilos. Totoo ba ito? Nagulat ako ng bigla itong bumusina.
"Miah, sakay na.." sabi niya. Mabilis naman akong kumilos at sumakay.
Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang nakasakay sa sasakyan niya. Bagkus tinuon ko na lang muli ang atensyon ko sa dinadanaan namin. Tinuro ko naman sa kanya kung saan kaming simbahan na pupunta.
Hindi naman kalakihang simbahan ito. Mabilis lang din kaming nakarating dito lalo na at walang traffic.
"Saglit lang po ito, Sir.." sabi ko rito.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko, at gayundin siya. Nagtataka naman ako. Sasabay ba siya? Mukhang oo nga.
Siya na ang nag-asikaso ng makababa ako. Pero hindi ito kumikibo. Tuloy tuloy lang kami sa pagpasok. Sa gawing gilid kami dumaan ni Sir River. Hindi niya ako pinaghawak kahit isa. Sabagay, parang wala lang sa kanya ang buhat niya ngayon.
"Miah.." saad ni Mother Nesa ng makita ako.
Mabilis itong lumapit sa'kin at niyakap ako. Gayundin ako.
"Napadalaw ka ulit.." mabilis itong humiwalay sa'kin.
Kasunod ko naman pumasok si Sir River. Bahagyang nagulat naman si Mother Nesa dahil dun.
"Good afternoon, Sister.." malumanay niyong saad.
"Magandang tanghali naman sayo, Iho.." sabi nito.
"Siya nga pala, Mother Nesa.. Si Sir River po boss ko.. Nagdala kami ng pagkain po ng mga bata." Pakilala ko rito.
Alam kong confusing, pero huwag na sanang mag-isip ng kung ano ano si Mother Nesa.
"Ganoon ba.. Halika kayo rito.. Nasa bakuran na ang mga bata.." sabi ni Mother Nesa.
Ipinababa na lamang ni Mother Nesa ang mga dala dala ni Sir River sa mahabang lamesa. Habang ako naman ay nagtungo sa labas para tignan ang mga bata.
Bumungad sa'kin ang malakas na tawa nila, at sigawan. Hindi ko maiwasan mamiss ang lugar na ito kung saan ako nakaranas ng kasiyahan.
Hindi nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro. Kaya bago ko sila tawagin, saglit ko muna silang pinagmamasdan. Sana ganito sila kasaya hanggang pagtanda nila.
"Mga bata..." sigaw ko sa kanila. At sabay sabay naman silang napalingon sa'kin.
"Ate Miah!" sabay sabay silang isinisigaw ang pangalan, and iba naman ay tumitili pa. Malawak naman akong ngumiti sa kanila.
Bigla nila akong niyakap ng mahigpit. Malapit na akong matumba dahil sa ligalig nila.
"Ate, namiss ka po namin."
"Ate, bakit ngayon ka lang umuwi."
"Ate, miss na miss kita.. " kita ko ang pagkakasabik na makita ako. Kasi iyong huling araw kong punta rito ay tulog na sila.
Nanatili nakayakap sila sa'kin. Masaya talaga akong makita at makayakap ang makukulit na bata ito. Hindi ko alintana kung madudumihan pa nila. Ang mahalaga mayakap namin ang bawat isa.
"Tama na iyan... May dala si Ate na pagkain para sa inyo." Masigla kong usal rito.
Nagtatalon naman sila at ang unahan na pumasok. Ang kukulit talaga nila. Napangiti naman ako dahil doon. Akmang susundan ko sila nagulat pa ako dahil sa bumungad sa'kin. Pares ng seryosong mga mata.
"Sorry, Sir.. Tara na din po. Magpapaalam na din po ako sa mga bata." Nahihiya kong usal rito. Saglit lang dapat ako pero parang hindi kaya ito ng saglit.
"Take your time.." sabi nito sa'kin. Napatango naman ako. Baka magbago pa ang isip niya.
Kaya nagtungo naman ako sa loob. Para asikasuhin ang mga bata. Pinaupo na ang mga bata, at naglalagay na si Mother Nesa sa plato ng mga bata. Tinulungan ko naman siya para mapadali. Habang naglalagay ako. Biglang nagtanong si Cris.
"Ate Miah." Tawag nito habang binibigyan ko siya pagkain.
"Bakit?" malumanay kong usal sa kanya..
"Boyfriend mo ba iyong kasama mo?" curious na tanong nito. Nanlaki naman mga mata ko at napaawang ang aking mga labi.
"H-hindi 'no.. Boss ko siya.." saad ko rito. Halos mahihimatay ata ako sa tanong ng batang ito.
"Cris, hindi tama iyan.. Kanino mo iyong natutunan." Suway ni Mother Nesa.
Pero isa lang umagaw ng pansin ko. Rinig ko kanina ng pagsmirks niya ng sabihin kong boss ko siya..
______________________________________
happy reading, people!