Chapter 13

1736 Words
Everything that happened earlier is unexpected. Hindi pa din ako makapaniwala. Napahilamos naman ako ng mukha ng makauwi ako. Gusto kong magising sa mahabang pagkatulog sa realidad. I'm getting calm. Saktong makatapos ako, biglang sumulpot si Serine dito sa may kusina. Kita ko naman na bahagya itong nagulat, pero mabilis din siyang nakabawi. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Sinuri niya ako. "Kanina pa?" tanong nito sa'kin. Umiling naman ako rito. "Kadadating ko lang." saad ko rito. Nanatiling nakakunot siya. "Mukhang pagod na pagod ka." Saad nito sa'kin. Kumuha naman ako ng tissue para punasan ang mukha ko. Sabagay sino ba naman ang hindi mapapagod sa mga nangyari. "Madami lang ginagawa sa office." Sabi ko sa kanya. Ang mga titig nito ay parang hindi naniniwala. "Sa ibang bagay ka ata napagod..." makahulugang usal nito sa'kin. Napahinto naman ako sa pagpupunas ng mukha ko at napatitig na lang ako sa kanya. "Serine..." tanging nabanggit ko sa kanya. I heard her smirks. "I'm telling a truth..." deretsang saad nito. "Pero personal na bagay iyon." Sabi ko na lang. Hindi naman lingid sa kanya ang sitwasyon ko. Akala ko nga i-judge niya ako pero hindi. Nagalit siya nun guna, kasi bakit ako dumating sa puntong ganoon. Anong magagawa ko? Kailangan ko lang talaga. "Sorry.. " saad ni Serine sa'kin. "Okay lang naman." Sabi ko. Nilagpasan naman niya ako dahil magtutungo siya sa refrigerator para kumuha ng maiinom. Tinanong ko naman siya kung anong gusto niyang kainin ngayon. Siya kasi ang madalas magluto ng kakainin naming dalawa. Kaya naman gusto kong bumawi sa kanya. Nagpalit lang ako bago ako magsimulang magluto, pero bago iyong nagluto muna ako ng kanin. Hindi naman ganoon kahirap iyong gusto niyang pagkain. Nilagang baboy. Mabuti na lang at may stock kaming dalawa. Nang makatapos ako tinawag ko na din siya. "I won't be home for a week." Sabi nito sa'kin. I gaze at her. "Saan ka punta?" usal ko rito. "Pupunta akong States..." sabi nito. "Bakit?" Nanatiling sa pagkain ang atensyon niya. "I just need to fix something..." usal nito sa'kin. Gusto ko sanang usisain kung ano iyon. Pero privacy naman na niya iyon. Pero pakiramdam ko may mga bagay siyang hindi pa siya ready na sabihin. Nang matapos kami, ako na ang nagpresintang maghugas ng plato. Nakita ko naman siyang nagtungo sa sala. At naabutan ko siyang nanonood doon. Kaya sinamahan ko na lang siya. Kahit may mga bagay na hindi namin nauunawaan sa bawat isa. Naramdaman ko sa kanya na, she will be on my side— through the tough and happy times. Pero siguro, I let her ready to tell everything she had been through. Kinabukasan, I'm making myself busy at work, but my mind flies somewhere. I couldn't even think clearly. Paulit-ulit akong nagkakamali sa ginagawa ko. Simula kahapon para akong lumulutang. Kasi wala akong tulog kakaisip ang mga nangyari kahapon, ano nga ba ang dapat kong isipin dun diba? Habang hinihilot ko ang ulo niya. Naalala ko na naman kahapon na— nakatulog siya sa balikat ko habang mahigpit na nakayakap sa'kin. Halos hindi kumalma ang puso ko, at nanginginig ang buong katawan ko. Parang may kakaibang pakiramdam ang nangyari sa'min kahapon. Masyadong tricky ang sitwasyon. Talagang mapapaisip ka sa nangyari dahil biglang nagbago ang takbo ng lahat. "Lalim niyan..." natauhan naman ako dahil sa boses ni Cyne. "H-huh?" tanging sambit ko. I heard her chuckle. "Huwag mong masyadong isipin iyon— malunod ka niyan.." biro niya sa'kin. Napahinga ako ng malalim at sinulyapan siya. Bumungad sa'kin ang magandang ngiti nito. "Wala naman akong iniisip.." patay-malisya kong usal sa kanya. Napapailing na lamang ito sa sinabi ko. "Talaga ba? Layo ng tingin mo kanina.." saad nito. Napakamot naman ako ng batok ko dahil doon. "Puyat lang.." saad ko rito. Umalis din naman siya kaagad. Kaya naman muli kong tinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko. I need to focus. Focus! Wala akong matatapos kung magpapaapekto ako sa nangyari. Hindi ko dapat binibigyan ng malisya. Masyado lang akong nag-iisip. Wala lang naman iyon. Baka pagod lang siya ng araw na iyon. Nang matatanghali na lumabas siya ng office niya. Aalis siguro siya. Hindi ko na lang pinansin. Wala din naman akong ganang kumain ngayon. "Miah..." naigtad ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Bahagya akong nataranta kaya naman at tumayo ako. Tumama pa tuhod ko sa gilid ng table ko dahil sa pagmamadali. Hindi ko maiwasan mapadain sa sakit. "S-sir, bakit po?" saad ko rito. Umayos ako ng tayo kahit ramdam ko ang sakit. Kita ko naman ang pagkunot ng noo nito. "Did I startle you? I just want you to come with me." Sabi nito. His voice wasn't intimidated. "H-hindi naman po... Teka lang po." Sabi ko rito. Mabilis ko inayos ang sarili ko at kinuha ko ang bag ko. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta dahil wala naman akong makukuhang sagot sa kanya. "O-okay na po." Sabi ko rito. Tumango naman ito sa'kin. Nauuna siyang naglalakad habang nasa likudan niya ako. Nahihiya akong sumabay sa kanya. May meeting kaya kaming pupuntahan ngayong oras na ito. Pero ilang beses kong chineck ang iPad, wala sa sched niya kung saan kami pupunta. Nagulat ako ng bigla itong huminto, malapit na akong tumama sa likudan niya. Mabuti na lang maagap ako. Umayos ako ng tayo at dumistansya sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya. Malayo ang tingin ko, baka bigla siyang lumingon. Ayoko nagtatama ang mga mata namin. Ilang minuto lang tumunog na ang elevator. Kaya naman muli akong sumunod sa kanya. Nanatiling siyang tahimik, at ako naman na ang pumindot sa lobby.. I distanced myself. Pinagmamasdan ko lang ang reflection ko sa may wall ng elevator. Dumagsa naman ang sasakay ng elevator. Pero bago sila pumasok ay bumabati sila. "Good morning, Sir." Usal nila. Nang nagsisipasok na sila sa loob. Nanatili akong nakasiksik kabilang side. Pero nagulat ako ng may humawak ng bewang ko at marahan akong hinila. Nawalan naman ako ng lakas mag react. Tumama ako sa katawan niya. Kaya napatingin ako sa kanya. Nanatili lang siyang seryoso at walang imik. Tinanggal niya din ang pagkakahawak niya sa'kin. I'm trying to make my heartbeat calm down. Ma-suffocate yata ako dahil sa kaba nararamdaman ko. His presence makes my system trembled. Gusto ko ng lumabas dito. "Don't distance yourself from me.." kinilabutan ako dahil sa pagkakabulong niya. Nanlalaki ang mga ko dahil doon. Tinignan ko ang paligid ko para suriin kung may nakarinig ba o nakatingin sa'min. Pero wala naman, busy sila makipag-usap sa mga kasama nila. Kung ano ano ng tumatakbo sa utak ko. Ano bang nangyayari? Halos hindi ako makahinga ng maayos habang pababa kami ng lobby. Para anytime mahihimatay na ako dahil sa iba't ibang emosyon na meron ako ngayon. Nang makarating kami sa lobby. Parang nabuhayan ako ng loob, dahil hindi ko siya makakaya kasama sa madaming tao, lalo na iyong ginawa niya nung nakaraan. Akala ko tapos— mali pala ako. We are alone again in his car. Para hindi ako mailing. I just let my eyes entertain those things outside pass by. The clear sky with beautiful sunshine. Those people who walk, and drive. Little things I've noticed make me calm. Kahit papaano humuhupa ang pagkataranta ko. Hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay. Pinipilit ko ng huminga ng kalmado. "You are quiet." Rinig kong usal nito. Umayos ako ng upo, pero nakabaling pa din sa mga bagay na nadadaanan namin ang mga mata ko. "Wala naman po kasi akong sasabihin..." sabi ko rito. "Really? Why you can ask where we are going?" seryosong usal nito. Bakit nga ba? Kasi sinabi mo. Pwede ko bang isagot iyon? Malamang hindi. "I'm just following your command, Sir..." sabi ko rito. Kahit alanganin akong sabihin sa kanya, pero iyon ang totoo. Wala naman kasi akong ideya kung saan kami pupunta, kung may meeting bang hindi ako na-inform, may dapat bang kausapin na investor, or anything na sakop ng company. "So, you come with me because I said so." Makahulugang usal nito. Napakunot naman ako ng noo. Nag-iba kasi ang tono ng boses niya. "Mali po ba ang sagot ko... Sorry po." Sabi ko na lang sa kanya. Baka kasi bigla siyang magalit sa sinabi ko, iyon lang kasi iyong nasa utak ko. "That's not what I mean." Sabi nito sa'kin. Kaya saglit akong napalingon rito. His expression isn't serious, just fine. Madalang kong hindi seryoso ang mukha nito, kung maliban nagkakaroon kami ng intercourse. Kahit ilang taon na akong nagtatrabaho sa kanya. Nahihirapan pa din akong alamin ang mga bagay bagay sa kanya. Hindi siya palasalita— sa loob lang siya ng office niya. Pero magaling siya sa trabaho niya. Kaya naman, hindi lang siya sa Pilipinas nakilala. "Melting." Simpleng saad nito. Napaiwas ako ng tingin. Kaya ayokong nalilibang at napapatulala na lang ako bigla. "S-sorry..." mahinang usal ko rito. Muli tahimik ang pagitan naming dalawa. Para na din wala akong masabi o magawa. Huminto kami sa isang restaurant. It is Spanish Cuisine. It is a classic one— combination of Spanish-Filipino styles. The place welcoming with beautiful and fresh ambiance. Sa loob ng restaurant— it is based on Spanish culture. Also, there's a touch of modern structure. Nakaramdam ako ng kunti hiya. Kasi parang hindi nababagay ang katulad ko sa ganito ka-expensive na lugar na ito. Hindi naman ito ang unang beses kong makakita ng ganitong kagandang lugar. Pero tuwing isinasama ako ni Sir River sa ganitong lugar, hindi ako mapakali. Kasi what if, mabasag ko iyong mga gamit dito kahit hindi ko sinasadya. "Good afternoon, Sir.. Do you have reservations?" magalang na usal ng isang Staff. "Yes, we have.." seryosong tinig ni Sir River. "River Cly Salvatore.." simpleng saad nito. Ngumiti naman ang Staff. "Yes, Sir.. Here's your reservation.. " sinamahan naman kami sa isang kwarto. Bumungad sa'min ang madaming nakahinga pagkain sa mahabang lamesa. Nagtataka pa din ako. May malaking investor ba kaming i-meet or what. Kasi parang sobra naman ata itong hinandang pagkain. A dim light room with classic design. Pero nag-iiba ang presence ng paligid. "S-sir, sinong investor po ang i-meet na'tin?" usal ko sa kanya. Kaming dalawa na lang ang naiiwan sa kwartong ito. "No investors.." saad nito. Umupo naman siya kabilang dulo ng table. "P-po?" usal ko rito. "We are here to eat together... No longer ask questions or complaints... Just sit and eat with me, Love." Those words that strikes my system. ------------------------------ happy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD