I survived those days that nothing happened bad. At mukhang wala ding nagiging problema sa office. Kaya nagiging panatag din ang puso ko. At masaya ako dahil kahit pa-paano nalilibang ako. Pero palaisipan pa din iyong sinabi Ryder. Ano kayang trip ng lalaking iyon?
"Lady!" saad sa'kin ni Leo. Napalingon naman ako rito, at inakbayan naman ako nito. He is wearing shades with sweet smiles.
His smell tipped my nose. "Leo, saan ka galing?" usal ko rito.
Nilingon naman ako nito at ngitian ako. "Miss mo ko.." usal nito sa'kin.
Napanguso naman ako rito. "Tinatanong ko lang naman.. Dapat ba miss na kita agad?" usal ko rito. Natawa naman ito sa'kin. He pinched my nose.
"Hindi naman 'no. Malay ko bang miss mo nga ako." Makahulugang usal nito.
He always smiles and his presence is calm.. Gwapo siya.
We have become close since the day Serine invited me here. Dahil welcoming naman ang pamilya niya, napadali ang pagiging pagcatch-up ko sa kanila.
I met Leo.. Siya ang unang nag-approach sa'kin. I'm a bit shy, pero masyado siyang friendly para tanggihan ko siya. Pero madalang lang kaming nagkakausap, madalas dito lang din kami nagkikita.
Sa ibang bansa kasi siya nakabase— nandun kasi itong work niya at business nila. Kaya madalang din siyang umuwi ng bansa. Pero kung may pagkakataon dumadalaw siya sa bahay ni Serine. At inaaya niya akong kumain sa labas.
"How's life, Lady Miah.." sabi nito sa'kin.
Inaya niya naman ako maglakad lakad. Pumayag naman ako. Busy din kasi si Serine makipag-away kay Ryder.
Nilingon ko ito saglit habang naglalakad kami. Deretso lang ang tingin nito.
"Okay naman.." simpleng sagot ko rito.
"Gaano ka-okay?" saad niya sa'kin. Nagtama ang mga mata namin. Pero mabilis akong umiwas.
"Okay na okay.." usal ko rito.
I heard his chuckles. "I'm happy to see you again.." sagot nito.
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil roon. I'm happy also to see that nothing changes between us. Kasi hindi naman naging hadlang ang distance sa'ming dalawa.
"Ako din.. Tagal na nung huling kita natin." Sabi ko rito.
"Just busy in life.." saad niya sa'kin.
We have our own lives. Pero kahit ganoon, our friendship is still there, happy and strong.
"Masyado ka kasing nagtatrabaho.." biro ko rito.
"We're same.." sabi nito.
Sabay kaming napatingin sa isa't isa at natawa dahil sa sinabi. Kung saan kami nakaabot na dalawa sa paglalakad. Nang makaramdam kami ng pagod inaya niya akong kumain. Treat niya.
Patuloy kami sa pagk-kwento ng mga nangyari sa buhay namin. At masaya ako dahil nagiging maganda ang resulta ng lahat ng pagod niya. Pero ako ito— nanatili pa din sa ganoong sitwasyon.
"So, are you in the relationship right now?" sabi ko rito. Kasi ang tagal na nung huling balita ko sa lovelife niya.
Umiling naman ito. "Kailangan ba sa buhay iyon?" usal nito sa'kin.
Tumango naman ako. "Oo naman para may nakakasama ka sa lahat..." sabi mo rito.
Pero natawa lamang ito sa sinabi ko. "Sa susunod na.." nakatitig lang ito saglit sa'kin, at biglang umiwas. "Bakit ikaw may boyfriend ka na?" binalik niya sa'kin ang tanong.
Natigilan nito dahil binalik niya sa'kin ang tanong. Bakit ko ba kasi tinanong iyon sa kanya?
"W-wala 'no." sabi ko rito.
"We're same.. Kaya tie lang tayo." Sabi nito sa'kin.
Sabagay, baka kasi mas priorities niya ang career. Kasi ako— hindi ko alam. Mabuti na lang hindi na namin muling pinag-usapan ang ganoong bagay. Kahit pala simpleng tanong iyon mahirap din sagutin kung ano ang tamang sagot.
Ang naging usapan naming dalawa kaya naman nalaman din namin ang nangyayari sa bawat isa. Parang hindi kami nawalay sa isa't isa.
Hindi namin namalayan ang oras. Magdidilim kami ng makabalik sa hotel. Natagalan din kaming maglakad dahil malayo din pala ang nakarating namin. Biniro ko pa nga siya na pagod na kong maglakad, at nag-offer siyang kargahin ako. Pero tumutol ako dahil nakakahiya naman. Hindi pa din siya mabiro sa ganitong mga bagay.
"Nagdate kayo?" parehas kaming nagulat dahil sa bungad sa'min ni Tita Cleng. Sinusuri pa nito kaming dalawa, mabilis ko tuloy binitawan ang pagkakahawak ko kay Leo.
Ngumiti naman si Tita Cleng na parang may malisya kaming ginawa. Kaya naman hindi ko maiwasan mapangiwi. Kahit kaylan to talaga si Tita.
"Bawal ba iyon?" biro ni Leo rito.
"Hindi naman.. Sayang lang at may irereto sana ako." May pagkadismayado ang boses nito. Kahit hindi ko maiwasan mapabuga ng hangin.
Natawa naman si Leo sa sinabi ni Tita Cleng. Siya na ang nagdistract sa Tita niya kaya nakaalis na ko. Nakahinga naman ako ng maayos dahil doon. Kaya naman hinanap ko sila Serine kung nasaan. At nasa pool area pala sila.
Mukhang naghanda sila para sa hapunan. Mabilis kong nakita si Serine. Prenteng nakahiga siya sa may swimming pool chair. Kaya naman mabilis ko siyang nilapitan.
"Hi." Usal ko rito. Nilingon muna siya ako at bahagya niyang binaba ang eyeglasses niya. Parang sinusuri ako ng mga titig niya.
"Saan ka galing?" seryosong usal nito.
Umupo naman ako sa kabilang swimming pool chair. Nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Dyan lang kasama ko Leo.." usal ko sa kanya.
"Miss niyo isa't isa.. At nagdate pa kayo.." sarkastikong usal nito. Kaya napailing na lang ako sa inasal niya. Muli niyang iayos ang suot niyang eyeglasses.
"Sakto lang... Hindi date iyon.." depensang sabi ko rito. Napailing na lamang ito sa sinabi ko.
Hindi naman siguro masamang mamiss iyong kaibigan mo kung matagal na kayong hindi nagkasama.
"That's better than him.." makahulugang usal nito. Kaya natigilan ako saglit.
"Anong ibig mong sabihin?" curious kong sabi.
Pero hindi siya kumibo. Kaya naman medyo nainis ako. Bakit ba pabitin siya? Hindi ko siya makukulit, dahil kahit kausapin mo siya wala siyang kibo.
Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa inasal niya. Nakatitig lang ako sa kanya. At hindi niya na ako binigyan ng sulyap. Nanatili lang siyang nakatingin ng deretso.
"Halika na kayong dalawa kakain na.." sigaw ni Tita Nov sa kabilang side ng pool. Kaya naman nauna na akong tumayo. Hindi ko siya inaya. Bahala siya. Hindi ko siya naiintindihan.
May isang mahabang table ang na nasa gilid ng lamesa, at nakahain ang iba't ibang klase ng ulam at dessert. Tumabi naman sa'kin si Leo, at sakabilang side ko naman si Serine.
Naging maingay ang hapang-kainin dahil sa mga kwento nila. Sabagay, sa tagal ba naman nilang hindi nagkita kita.
"Kaylan ang kasal?" saad naman ng Tita ni Serine.
Natigilan naman siya dahil doon. Akmang magsasalita siya nauhan na siya ni Ryder na sumagot.
"Maybe next year po.." usal ni Ryder.
"You both engaged for half of a year... That's enough." sabi ng Tita ni Serine.
"Glo, don't be so excited..." sabat naman ng Tito Rey sa kanya. Kaya naman natigilan ito. Kasi naman tuwing magkikita ata sila ganyan ang tanong kay Serine.
"Sorry, Kuya." Sabi ni Tita Glo.. Nagpatuloy naman siyang kumain. Hindi na siyang muling nagtanong.
Napalingon naman kami dahil sa pagsasalita ni Ryder.
"Hindi din naman po kami nagmamadali ni Serine.. We still figuring out each other." Depensa naman nito. Kaya naman natigilan na ang Tita niyang magtanong ng magtanong about sa wedding.
"They will get married.. Kaya huwag ka ng mabahala." Sabi ni Tita Rey.
Nanatili may kanya kanyang topic na pinag-uusapan. Kaya nakikinig lang ako sa kanila.
Mabilis naman akong natapos dahil pakiramdam ko busog pa din ako kanina. After ng dinner karamihan sa may gilid ng pool sila tumambay. Nanatili naman akong nakaupo habang pinanuod kong maligo ang iba.
"Why don't you try each other?" biro sa'min ng Tita Glae sa'kin. Bali Mama siya ni Leo.
Kaya naman mabilis akong umiwas dahil pakiramdam ko nag-iinit ang mukha. Jusko! Nagkakaroon ng malisya ang pagiging close naming dalawa.
"Ma." Sabi ni Leo rito.
Natawa naman ito. "Bagay naman kayo.. Kaya subukan niyang dalawa.. Tutal Leo lalagpas ka na sa calender pero wala ka pang girlfriend o asawa." Paliwanag ng Mama ni Leo. Natawa naman ako dah sa sinabi ni Tita Glae. Ganoon ba kung malapit ng maging 30s, need ng mag-asawa?
Pero nagulat kami dahil sa malakas na pag-ubo. Napalingon naman kaming lahat dahil doon, si Ryder pala.
"Sorry po.." usal ni Ryder. Nagpeace sign naman ito.
Kaya naman napakunot ako ng noo dahil sa inasal niya. Pero mabilis din siyang umalis. Ano na naman iyon? Mukhang nahahawaan na si Serine ng pagiging baliw Ryder. Parehas na lang silang weird.
Tinignan ko lang siyang naglakas papalayo sa'min.
Ilang beses naman kaming kinulit ng Mama ni Leo about sa dating at getting to each other. Bakit hindi namin subukan?
Leo, had qualities that woman likes it. Madaming bagay si Leo, lalo na ata mahilig siya sa sport. Kaya maalaga din siya, at mabait. Though he is not hard to be loved— but I can't. Madami kasing bagay na kahit gustuhin mong mangyari, hindi pwede dahil bawal.
We spent the remaining day and hours here with fulfillment. Ang dami din naming pinuntahan dito. At talagang nakita ko ang sarili kong naging masaya kahit nakakapagod.
Hindi naman madalas sumama iyong dalawa sina Serine at Ryder— pero hinayaan na namin. Sinilip din namin ang Taal Volcano dito. At isa lang ang masasabi ko. A beautiful disaster.
Parang noong nakita ko siya, gusto ko na lang magstay at titigan siya. Kasi kahit gaano kaganda ang isang bagay may flaws pa din iyan. Pero doon pa din tayo hahanga sa kagandahan niya.
"Did you enjoy?" inalalayan ako ni Leo sa pagbalik namin.
I face him and give him a smile. This kind of genuine feelings converted my system to be positive.
"Sobra.. I want to see it again." Sabi ko rito. Ngumiti ito pabalik sa'kin.
Ito kasi ang unang beses ko. At gusto kong bumalik kong sa kanila. Kahit nakakapagod ang pagpunta dito, worth it. Kasi talaga naman ang tanawin at ang ganda nito. I thought I wouldn't enjoy everything here— kasi naman kahit nandito ako inaasikaso ko pa din ang naiwan kong trabaho. Pero nang magpunta kami dito nakaramdam ako ng relaxation.
"We will come back here.." pangako nito sa'kin.
"Sabi mo iyan, bawal ang hindi tutuparin." Seryosong usal ko rito.
Tinaasan nito ang kanang kamay sa'kin. "Pangako, Lady.." usal nito sa'kin.
"Siguraduhin mo.. Sasakalin kita kung hindi.." pagbabanta ko rito. Natawa naman ito sa sinabi ko.
Nang makabalik kami sa hotel, doon ko naramdaman ang sobrang pagod. Kaya nagpahinga lang ako saglit tapos naligo ako. Hindi na kami masyadong nagkausap ni Serine dahil pagod na pagod pa din ang katawang lupa ko. Maaga akong nakatulog at hindi na din ako nakakain ng dinner.
Bandang tanghali naman ng umuwi kami. At si Ryder ang nagdrive ng sasakyan ni Serine pauwi.
Patuloy naman ang pag-a-update sa'kin nila Len. So far nothing problem. Kaya naman hindi ako masyadong nag-iisip na. Pero wala pa ding message iyong boss ko sa email ko.
Kinabukasan, kahit ramdam ko pa din ang pagod ko. Nagdecide pa din akong pumasok dahil sa dami ng dapat kong aasikusuhin.
I need another break. Bulong ko sa hangin.
Tuloy tuloy ang pasok ko sa office ng boss ko dahil wala naman siya doon. Pero iyon ang akala ko..
"Welcome back my dearest Secretary... Did you enjoy your borrowed vacation?" sarkastikong usal nito..
I'm going to die!
______________________________________
happy reading, people