Gabi-gabing naririnig ni Yuki ang pagtawag ni Claude, nasasaktan siyang nahihirapan ‘to pero hindi niya kayang magpatawad. Lalo na at alam niyang nanganganib ang mga anak nila. Naninikip ang dibdib niya at tila siya nahihirapang huminga dulot ng sobrang stress at panic attack, mas matindi rin ngayon ang kanyang emotional breakdown. Nakipaghiwalay na siya kay Claude. Tinapos niya na ang relasyon nila. Hindi habang-buhay kailangan niyang maging tanga. Hindi rin naman gusto nila Ruki, Blue, maging Takumi ang nangyayari. Kahit nga si Jordan na walang alam ay nakikisimpatya, alam nitong higit sa napagdaanan niya ang nararamamdaman nito. Iniisip nga ni Jordan kung nakabuti ba kay Yuki na minahal ito nang sobra ni Claude o mas nahirapan lang ‘to sa ganoong uri ng pagmamahal? Madalas na si Takum

