“Anong problema mo? Malayo ang tingin mo.” Hindi ako kaagad nakasagot dahil si Spencer ‘yong lumapit sa ‘kin. Nasa ilalim ako nang buko. May ibang gumagawa ng scene at kasama roon si Claude. Nginitian ko na lang siya kahit pilit. “May iniisip lang ako.” “Huwag mong masyadong seryosohin.” Naalala ko na sinabi ni Calvin na lahat sa RSYND ay may pinagdaraanan, maging si Spencer ba? Hindi ko ba talaga sila kilala dahil mayroon silang malalalim na sugat na hindi visible dahil sa ipinakikita nilang kakaiba sila? “Kumusta naman si Claude sa inyo?” Hindi ko alam bakit iyon din ang naitanong ko. Tiningnan niya ako at nginitian. “Hindi kami madalas mag-usap, pareho siguro kami nang ugali na hindi interesado sa ibang tao.” Natawa naman ako bigla. Nakangiti rin naman siya. “Kung may gust

