SPECIAL CHAPTER (Part 2)

1255 Words

SUSURAY-SURAY na si Art nang ihatid ni Elias sa bahay nito. Ito ang tinawagan ni Diana dahil hindi na siya mapigilan ng dalaga sa pag-inom. Palibhasa ay nakainom na rin ang dalaga kahit kaunti lang naman,  isinama na rin ito ni Elias sa paghatid sa kaniya sa bahay nila ni Liz. “Art, get back to your senses! Nandito na tayo sa inyo. Bakit ka ba kasi naglasing!” yugyog ni Elias sa kaniya habang binabagtas nila ang daan papasok ng bahay. Kasunod nila si Diana na bahagyang susuray-suray din sa paglalakad at si Rosa na siyang nagbukas ng gate sa kanila. “Rosa, huwag mo nang gisingin si Liz at baka—” Hindi na natapos ni Elias ang sasabihin kay Rosa nang pagpasok nila sa sala ay matagpuan nilang naroon na si Liz na nakaupo sa wheelchair nito at halatang naghihintay sa kanila. “Oh, hi, Liz,” nab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD