5 | Aksidente

3324 Words
'RUSSEL GUEVARRA' Bagsak-balikat akong nakasunod kay Itoy matapos naming sumaglit sa EncodeMona para sana magbakasakali pero wala rin naman akong napala dahil hindi rin ako pinakinggan ni Kuyang Guard at muntik pa akong hambalusin ng batuta niya. Nakakailang buntong hininga na nga rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa eksena kanina. Ganap na ganap na nga ang acting ko kanina pero wa-epek pa rin kay Kuyang guard. Kaya naman heto ako ngayon- lutang na naglalakad habang kumakanta at kumukumpas-kumpas ang mga kamay. "Kuya Russel! Hoy!" Tawag sa akin ni Itoy na pumutol sa pag-e-emote ko. Nang lingunin ko s'ya ay nasa ibang daan na ito. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako palayo sa gilid ng kalsada. "Mapapahamak ka talaga riyan sa ginagawa mo, Kuya. Bakit diyan pa sa gilid ng kalsada mo naisipang mag-emote na parang gumagawa ng music video?" tanong n'ya sa akin. "Pasensya na, Itoy. Ang dami lang kasing tumatakbo sa isipan ko. Ang dami kong iniisip," sagot ko na lang habang ako ay hatak-hatak n'ya. "Ang dami mo palang iniisip bakit Secret Love Song kinakanta mo? Hindi ka naman brokenhearted. Pwede namang Pagsubok ang kantahin mo o di kaya ay Laklak," tanong ulit niya with suggestion pa. "Favorite ko kasi ang Little Mix saka 'yon ang biglang pumasok sa isip ko na kanta. Saka teka nga, bakit napasama naman ang Laklak sa song choice? Dadalawa na nga lang pang-tanggero pa ang isa," sabi ko naman kasabay ng pagtawa. Natawa rin ito at sumagot na favorite rin daw niya ang dalawang kantang binanggit at nagpa-sample pa nga. "Pero Kuya, nakakainis pa rin 'yong guard na 'yon! Ayaw kang pakinggan nagsasabi ka naman ng totoo. Kung hindi lang malaki ang tiyan niya na parang panda baka nasuntok ko na s'ya sa inis," sabi niya, hindi mapigilan na ilabas din ang kanyang saloobin sa nangyari kanina. Napangiti na lang ako ng mapait sa sinabi niya, bigla ko tuloy na-miss si Bunso dahil pareho silang parang matanda na kung magsalita. Ang pinagkaiba lang; maputi, mataba at singkit ang Butchoy namin samantalang si Itoy naman ay medyo maitim at payat na alam ko namang dahil sa kahirapan ng buhay nila rito sa kalsada ng Maynila. Napa-buntonghininga na lang ulit ako saka tumingin sa dinadaanan namin. "Kalimutan mo na rin 'yon, Itoy. Ganu'n talaga, sa inyo na rin nanggaling na hindi ganu'n kadaling magtiwala ang mga tao rito sa Maynila," sabi ko ng may lungkot, "saka ginagawa lang din naman n'ya ang trabaho niya." Bumabalik na naman sa isipan ko ang nangyaring panloloko at pagnanakaw sa akin ng queen of budol at demonyitang Angel na 'yon o kung Angel ba talaga ang pangalan n'ya! Sa totoo lang, her name doesn't suit for her dahil hindi naman talaga s'ya anghel kundi isang mapanlinlang na demonyita! Wala siyang kasing sama. Nang dahil sa kanya nagkanda-letche-letche ang unang tapak ko rito sa Manila. Kapag nagtagpo ang landas namin, sisiguraduhin ko talaga na mas magmumukha s'yang halimaw kesa sa anghel! I swear! Sa paglalakad-lakad namin ni Itoy ay ngayon ko lang napansin na iba na pala ang dinadaanan namin. Masyado kasi akong nalunod sa pag-iisip-isip kaya ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. "Sandali, Itoy. Hindi ba tayo naliligaw? Hindi naman tayo galing dito," tanong ko na kay Itoy. Tumawa naman siya sa tinanong ko saka ito umakyat sa sementong benches na nakahilera sa side walk. Dito siya tumulay-tulay at lumukso-lukso. "Ang buong kalsada ng Maynila na ang naging bahay ko, Kuya. Sa palagay mo ba ay maliligaw pa ako?" Balik n'ya sa akin na tatawa-tawa pa at nagpamaywang. "Oo nga 'no!" sabi ko saka nagtanong. "Saan ba tayo pupunta?" "Pupuntahan natin si Lola Iska," sagot niya. "Wala na siya roon sa tinulugan natin, nagsabi naman s'ya kanina kung saan s'ya at alam ko naman kung saan 'yon kaya wag kang mag-alala riyan, Kuya." Sandaling tinignan ko ulit si Itoy na masayang tumutulay sa sementong mga benches na nagkalat sa sidewalk habang nakataas pa ang mga kamay n'ya. Habang pinagmamasdan ko s'ya hindi ko maiwasang matanong sa aking sarili. Paano n'ya nakakaya? Sa murang edad n'ya, ito na ang buhay na nakamulatan niya. Wala silang maayos na bahay na tinutuluyan, kung saan sila abutin ng gabi ay roon na lang sila matutulog. Hindi ko rin masabi kung ilang beses silang nakakakain sa loob ng isang araw, samantala ako roon sa amin halos apat o limang beses akong kumakain sa loob ng isang araw. Ngayon ko naiisip na ganito pala talaga ang realidad ng buhay; ang dalawang mukha ng buhay. May mga taong nakakatulog ng maayos sa mga bahay nila at nakakakain ng sapat sa loob ng isang araw samantalang may mga tulad din nila na lumalaban sa kalsada para mabuhay. Hindi ko maiwasang manliit habang tinitignan ko si Itoy. Ilang taon ang agwat ng edad ko sa kanya pero ang problema na lang ang pinapasuko n'ya samantalang ako malapit ng sumuko at hindi na alam ang gagawin dahil sa nangyari sa akin. "Itoy, anong buhay n'yo rati bago pa kayo magpala– I mean, bago kayo napunta sa ganitong situwasyon?" tanong ko. Pinigil ko ang pagsabi ng salitang nagpalaboy-laboy kahit na ganu'n nga ang nangyayari. Bata pa rin kasi ang kausap ko, ayoko lang na isipin n'yang minamaliit ko s'ya. Tumalon pababa si Itoy sa tinutulayan n'ya at pinili na lang niyang maglakad kasabay ko. "Ako po, maliit pa lang ako ay rito na talaga ako sa kalsada, hindi ko na nga matandaan kung paano ako napunta rito. Nang makita ako ni Lola Iska sa tapat ng isang simbahan kung saan ako namamalimos na pinagtutulungan ng ibang mga batang kalye ay kinuha n'ya ako. Simula no'n ay kaming dalawa na lagi ang magkasama," salaysay nito. Nabigla naman ako sa kwento n'ya pati na rin sa sinabi niya tungkol kay Nanay Iska. "Hindi kayo blood related ni Nanay Iska? Hindi kayo magkaano-ano?" tanong ko. "Opo, tatlong taon pa lang kaming magkasama ni Lola," sagot niya sa akin. "Simula noong kinuha n'ya ako at isinama sa kanya para alagaan ay tinuring niya na ako na parang tunay na Apo. Siya ang nag-alaga sa akin kaya tumutulong ako sa kanya sa paghahanap ng pera para may maibili kami ng pagkain." Hindi ko maiwasang maluha habang pinapakinggan s'ya. Naaawa ako sa lagay nilang dalawa lalo na at kita at alam kong mabubuti silang tao. Hindi nila deserve yung sitwasyon nila ngayon. Matapos kong marinig ang ilang mga kwento ni Itoy ng naging buhay nila sa lansangan ng Maynila ay sumumpa ako sa sarili ko na hindi ko sila kakalimutan at gagawin ko ang makakaya ko para makatulong sa kanila. No'ng ninakawan ako at nawala ang lahat sa akin ay sila lang naman ang tumulong at nagpakain sa akin. Mabuti silang tao kaya hindi nila deserve na dito na lang ma-pako sa lansangan ang buong buhay nila. Sa gitna ng kwentuhan namin ni Itoy ay isang batang lalaki ang tumawag sa kanya, siya 'yong kasama ni Itoy kagabi. "Itoy!" "Bakit, Eseng?" tanong kaagad ni Itoy sa bata pagkalapit nito. "Kanina pa kita hinahanap, buti naman at nakita rin kita," sabi nito ng hinihingal. "Bakit nga? Ano ba 'yon at bakit hinihingal ka?" tanong ulit ni Itoy na parang naiinis na. Huminga ng malalim ang batang si Eseng bago sumagot, "Ang Lola Iska mo, nabunggo s'ya kanina." Nagulat ako sa sinabi ng bata kaya lumapit na rin ako sa kanila para tanungin ito. "Nasaan siya?" Kabado kong tanong sa kanya. Tinignan niya lang ako sandali bago s'ya tumango. "Sumunod kayo sa akin," sabi lang nito saka s'ya tumalikod at tumakbo. Sumunod naman kami ni Itoy. Pagdating namin sa itinurong lugar ni Eseng ay naabutan namin si Nanay Iska sa isang sulok ng park. Nagpupunas ito ng mukha at ng mga braso na punong-puno ng sugat at nagdurugo na ang ilan dito. "Lola!" Tumakbo rin ako kaagad nang makita ko ang lagay ni Nanay Iska saka ako lumuhod sa harapan niya. "Nanay, ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kaniya kahit na nasabi naman na ni Eseng. Natataranta na kasi ako kaya iyon na ang una kong nasabi. Hindi ko alam kung saan ko s'ya hahawakan o kung paano ko s'ya matutulungan. Natatakot ako na baka mapalala ko lang ang sakit na iniinda niya. "A-aksidente lang. Ano, wala naman ito. Ayos na ako," sagot nito. Pinilit niyang ngumiti habang pinupunasan ang luha ni Itoy pero kitang-kita ko naman sa mukha n'ya na nasasaktan s'ya ng sobra. "Bakit hindi n'yo siya dinala sa Hospital? Ang daming sugat ni Nanay!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses no'ng balingan ko yung batang kausap ni Itoy kanina, si Eseng. Napaatras ito saglit dahil sa pagsigaw ko kaya humingi na lang ako ng pasensya. "Ayaw n'ya po kasi magpadala sa Ospital, wala raw siyang maipambabayad," sagot rin n'ya sa akin. "Russel." Tawag sa akin ni Nanay Iska, humawak pa siya sa kamay ko. "A-ayos lang ako, wag na kayong masyadong mag-alala. Su-sugat lang naman ito, gagaling din ito." Naluha na lang ako habang pinagmamasdan ko ang kalagayan ni Nanay. Naiinis ako roon sa walang hiyang nakabangga kay Nanay na hindi man lang s'ya tinulungan. May edad na rin si Nanay Iska at kahit pilit niyang itago ay alam kong may iba pa s'yang iniinda bukod sa mga sugat niya. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung papabayaan ko lang na ganito ang lagay ni Nanay. "Kaya n'yo po bang tumayo?" tanong ko kay Nanay. "Dadalhin ko po kayo sa malapit na Hospital." Tumayo na ako at pinunasan ang luha ko. Mabilis ding lumapit si Itoy kay Nanay para alalayan ito, alam kong gusto rin ni Itoy na madala si Nanay sa Hospital pero iniisip n'ya rin ang perang ipambabayad. "Wag na. W-wala akong pera, wala akong maipambabayad." Tutol niya. "Pabibilhin ko na lang si Itoy ng gamot, may barya pa naman ako rito." Gusto na naman sanang tumulo ng luha ko sa pagmamatigas ni Nanay pero pinigil ko, buo na ang pasya ko. Kahit wala rin ako ay mas gusto ko naman na maidala s'ya sa Hospital para mapanatag din ako. "Ako na po ang bahala sa bayarin, Nanay. Ang mahalaga po ay mapatignan kayo at magamot ang dapat gamutin. Magagawan naman po ng paraan ang pera," sabi ko na lang kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Bahala na si Lord sa amin. Tulong-tulong kami nila Itoy at Eseng sa pag-alalay kay Nanay Iska. Hirap na hirap siya sa paglalakad kaya minsan ay pahinto-hinto kami. Ngayon ay mas sigurado na ako na hindi lang sugat ang nakuha ni Nanay sa pagkakabunggo sa kanya, malamang ay may bali rin ito. Sa edad niya ay natural lang na marupok na ang buto niya kaya posible talagang magka-fracture s'ya. Sa pag-akay namin kay Nanay ay may mga nakakasalubong kaming nagtatanong kung anong nangyari kay Nanay, may ilan na deadma lang pero meron din namang nagbibigay ng tulong. Labis-labis na pasasalamat naman ang isinukli namin sa kanilang mga inaabot. Paglapit namin sa kalsada ay pinaupo ko muna si Nanay sa isang bench habang si Eseng naman ay tumawag ng taxi. Pagbalik niya ay inalalayan kaagad namin si Nanay upang maisakay sa taxi na pinara niya. "Kuya, sa malapit na Hospital po tayo." May pagmamadali kong sabi sa driver pagsakay namin. Tinignan niya ako ng masinsinan bago s'ya tumingin kanila Nanay Iska at Itoy na nasa tabi ko. "May pambayad ba kayo?" tanong niya pagka-kuwan. Sumabog ang inis at galit sa aking dibdib dahil sa tanong at pang-mamata n'ya kanila Nanay Iska kaya hindi ko na napigilang magtaray at halos masigawan siya. "Shuta, Kuya! Kung wala kaming pambayad hindi kami sasakay! Hindi mo ba nakikita na nahihirapan na 'yong matanda?! Pera na lang ba talaga ang nasa isip ninyo at nawala na ang pagpapakatao!? Hayaan mo, Kuya dahil kaya kong doblehin ang aabutin ng metro mo." Pabalang kong sagot sa kanya. Natigilan at tikom naman ang bibig niya na parang natauhan sa aking mga sinabi. Masyado na kasi akong nadala ng pag-aalala kay Nanay Iska at dinagdagan pa ng bungad niya sa amin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Walang sali-salita ay pinaandar niya kaagad ng sasakyan at hindi na umalma pa sa mga sinabi ko sa kanya. Habang nasa byahe ay paulit-ulit kong tinatanong ang lagay ni Nanay at kung anong nararamdaman n'ya. Dumadalas kasi ang pagdaing n'ya at walang tigil pa rin ang pagtulo ng dugo sa mukha at braso niya. "Kuya, pakibilisan naman po ng konti." Pakiusap ko sa driver matapos makita ang pagpikit-pikit ng mata ni Nanay Iska. Nang makarating kami sa Hospital ay dali-dali rin kaming tinulungan ni Kuyang driver sa pag-alalay kay Nanay. Natuwa naman ako sa ginawa niya at mabilis na nagpasalamat pero bigla akong nataranta nang tuluyan ng nawalan ng malay si Nanay, mabuti na lang at hawak namin s'ya. Pagpasok namin sa loob ay nagsisigaw kaagad ako ng tulong. May lumapit sa aming Nurse kaya dali-dali akong humingi ng tulong sa kanya. "Nurse, tulungan n'yo po si Nanay. Nabangga po siya." Mabilis kong pakiusap sa Nurse pero tulad ng ginawa ni Kuyang driver kanina ay tinignan niya muna kami; mula ulo hanggang paa. Muling nag-init ang ulo ko sa ginawa nung nurse, pangalawa na s'ya sa gumawa ng ganu'ng tingin. Porket ba ganito ang estado at lagay ay wala ng karapatan na humingi ng tulong at tulungan? Hanggang mapanghusgang tingin na lang ba? "Nurse, ano ba? May pasyente sa harapan mo tapos tutunganga ka lang d'yan!" sigaw ko na sa inis. May ilang napatingin sa amin kaya biglang natauhan yung Nurse. "Kung iniisip mo na wala kaming maipambabayad problema na namin 'yon. Magbabayad ako sa bills kaya please naman po, tulungan n'yo na si Nanay." Sa taranta ng Nurse sa pagsigaw at mga pinagsasabi ko ay dali-dali itong tumawag ng kasama at dinala si Nanay sa emergency room. Hindi na kami pinalapit kay Nanay nang dumating ang Doctor. Alam kong trabaho nila yun kaya ako na ang pumigil kay Itoy na nagpupumilit na makalapit kay Nanay. Habang inaasikaso ng Doctor at ng mga Nurse si Nanay Iska ay lumapit naman ako sa Kuyang driver na tumulong sa aking umalalay kay Nanay. "Thank you po, Kuya, saka pasensya na rin doon sa pagtataray ko kanina." Pasasalamat at paghingi ko na rin ng dispensa. "Magkano po ba yung babayaran namin sa pamasahe?" "Wag mo ng bayaran. Pasensya na rin sa inasal ko kanina. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko sa mga sinabi mo kanina," sabi naman nito. "Mukha namang hindi mo kaano-ano 'yong matanda pero tinutulungan mo. Nahihiya ako na ganu'n pa ang inasal ko. Pasensya na ulit." Na-shock ako ng konti sa sinabi ni Kuya, ang akala ko kasi ay masama talaga ang ugali niya at pera lang ang kailangan matapos niyang tignan sila Nanay kanina pero heto s'ya ngayon sa harapan ko- nagpapakababa at humihingi ng pasensya sa inasal niya. "Naku, Kuya, wala na po 'yon. Salamat po ulit and sorry again. God bless you po." Hindi naman na nagtagal si Kuyang taxi driver, ngayon ay nakaupo na lang kami ni Itoy at inaantay ang Doctor na tumingin kay Nanay. "Kuya." Tawag sa akin ni Itoy matapos ang ilang oras ng pananahimik namin. "Magiging ayos lang po kaya si Lola?" tanong n'ya sa akin, nagsimula na naman siyang maluha kaya dali-dali ko siyang dinamayan. "Oo naman, alam kong magiging ayos lang si Nanay Iska dahil kung hindi ay makakatikim din ng katarayan ko ang mga nurses at doctor na umaasikaso sa kanya ngayon," sabi ko na sinamahan ko rin ng konting biro para mapagaan ko ang loob niya na syang effective naman dahil natawa rin ito kahit papaano. "Eh Kuya, saan naman po tayo kukuha ng pambayad? Wala po kaming kilala rito saka barya na lang po itong pera namin ni Lola," tanong ulit ni Itoy at itinaas ang hawak n'yang plastic bag na may lamang barya na naipon nila galing sa panlilimos. "Ako na ang bahala roon. Hahanap tayo ng pera para kay Nanay," sabi ko na lang kahit na ang totoo ay walang kasiguraduhan ang lahat. Nang matahimik si Itoy saka lang ako nag-isip ng mga pwedeng gawin para makahanap ng pera na maipambabayad sa gagastusin ni Nanay rito sa Hospital. Kung wala silang kilala rito ay ganu'n din naman ako. Ang dahilan lang naman ng pagpunta ko rito ay para magtrabaho at para mapalapit sa pangarap kong maging artista pero parang lumalabo na ang lahat ngayon. Iniisip ko na tumawag kanila Mama sa Zambales para sabihin ang lagay ko pero kahit ang phone ko ay kasama rin sa kinuha sa akin, ang pinoproblema ko pa ay hindi ko kabisado ang mga number nila kaya hindi ko rin magawa-gawa na humingi ng tulong sa kanila. Sa pag-iisip-isip ko ay inagaw ng pagkalam ng sikmura ni Itoy ang atensyon ko. Napayuko siya at hinawakan ang tiyan n'ya. Kinuha ko ang pera na binigay ng mga nakasalubong namin kanina para tulong kay Nanay. Hindi na nagpabayad ng pamasahe si Kuyang driver kanina kaya may pera pa kami. Umabot din ng higit two thousand ang naipon kaya may maipanggagastos din kami sa pagkain. "Ito, bumili ka muna ng pagkain at inumin natin sa labas," sabi ko sabay abot ng one hundred. Tumango naman siya saka lumabas. Pagkaalis ni Itoy ay sumandal na lang ako sa upuan at hinilot ang sintido ko, malaya ko ng nailalabas ngayon ang mga alalahanin ko. Patong-patong na ang iniisip ko ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Gustuhin ko mang unahin ang sarili ko ay konsensya ko naman kung papabayaan ko sila Nanay. Sila ang tumulong sa akin kaya dapat lang na tulungan ko rin sila at isa pa ay nangako rin ako sa sarili ko na tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya. Sa pag-iisip-isip ko ay sumagi ulit sa isipan ko sila Mama at ang buhay ko sa Zambales. Hindi ko maiwasang maluha na naman dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin dito sa Manila pero wala rin naman akong magawa. Ginusto ko rin naman kasi ang pagluwas ng Manila kahit na sinabihan na ako nila Papa na wag ng umalis at doon na lang magtrabaho. Ako lang talaga ang naging mapilit dahil nga hidden agenda rin talaga ng pagpunta ko rito ay ang pag-subok sa mga audition para maging artista. Nang maisip ko si Papa ay napatingin kaagad ako sa wall clock na nakasabit sa dingding di kalayuan sa akin. Inaalala ko 'yong mga oras na kasama ko sila pati na rin ang mga bilin ni Papa hangang sa may biglang bumalik sa alaala ko. Mabilis akong napa-kapa sa jacket na suot ko at nang may matigas na bagay akong natamaan ay dali-dali ko itong kinuha sa loob ng secret pocket ng jacket ko. Bigla akong nabuhayan ng loob nang mahawakan at makita ko ang wrist watch na regalo nila Papa sa akin bago ako umalis. Naalala ko na itinago ko nga pala ito sa jacket ko sa takot ko noong binalaan ako ni Manong taxi driver na sinakyan ko unang dating ko pa lang. Ngayon na hawak ko na ito ay hindi ko na naman maiwasang maiyak. Ito ang dapat na magpapaalala sa akin ng Pamilya ko sa Zambales. Sinabi ni Papa na kapag nalulungkot ako at nakakaramdam ng pagka-miss sa kanila ay tignan ko lang ang relo na regalo nila. Tinitigan ko nga ito pero hindi ko naman maiwasan na malungkot dahil ngayon ito lang ang bagay na pwedeng sumagot sa mga iniisip ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD