'RUSSEL GUEVARRA' Tahimik at tila nag-iisip ng malalim si Kuya Theo matapos ko siyang tanungin tungkol sa dahilan ng pagkakawala ng kapatid nila; ni Terry. Ang sabi kasi niya kanina, almost one month ng nawawala ang kapatid nila at sila lang tatlong magkakapatid lang ang nakakaalam nito. Well, kasama na rin ako roon pero ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ito pwedeng malaman ng Daddy nila at ng ibang tao? Hindi rin sila humingi ng tulong sa pulis para mas mapadali ang paghahanap lalo pa't kilala pa ang pamilya nila. Napakadali lang sa kanila ng lahat dahil sa impluwensya nila pero ayun nga.. confidential nga raw ng usaping ito. 'Bakit?' Ayoko sanang mag-isip ng kung ano-ano lalo pa't hindi ko pa naman sila lubos na kilala pero hindi ko rin maiwasan. Damay na kasi ako rito at ako pa an

