21 | Mga Kabayaran

2013 Words

'RUSSEL GUEVARRA' Tahimik lamang akong nakaupo sa couch sa living room ng condominium unit ni Kuya Theo. Habang wala pa siya ay malaya ko munang iginagala ang aking mata sa paligid. Ang bonga kasi, hindi mo aakalain na nasa condominium lang ako dahil sa sobrang ganda at laki ng unit. Aakalain mo nga na isang buong bahay na ito at ang mas nakakaloka pa ay mas malaki pa ito kesa sa bahay namin. Iba rin talaga kapag mayaman. Totoo nga 'yong sinabi ni Jun-jun na barya lang ang mawawala sa kanila noong gabing pagnanakawan namin sila. Ang rinig ko pa nga sa usapan nilang tatlong magkakapatid kagabi ay ibebenta na nila 'yong bahay roon sa exclusive subdivision, 'yon ngang pinagnakawan namin. Hindi na raw kasi sure ang security ng subdivision dahil minsan ng may nakapasok. Total naman daw ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD