"Urrrgh!" nasasaktang pag-ungol ni Prinsesa Aubriella at pilit na ibinabangon ang sarili kung saan siya nakasalampak. Labis na nagdurugo ang kanyang ulunan at makikita na wala sa tamang direksyon ang kanyang tuhod at braso. Ngunit gayun pa man ay walang akong maramdamang kahit anong awa para sa kanya. Sa tingin ko pa nga ay nararapat lang sa kanya ang nangyari. Dahil sa kanyang kasakiman ay maraming mga inosenteng buhay ang nawala. Ngayon ang lakas na hiniram niya ang siya pa mismo na trumaydor sa kanya. Mariing napahawak sa sahig si Prinsesa Aubriella at punung puno ng galit na tinignan si Norfa, "T-T-Traydor ka... G-Ginamit mo lang ako para m-makalaya ka..." "Hehehehekkk!" nakangising bungisngis naman ni Norfa at walang balak na itanggi ang suspetya na iyon ng hangal na prinsesa, "Pri

