Nang maghiwalay ang aming mga labi mula sa ilang minuto na paghahalikan at hingal na nagkatitigan muna kami sa isa't isa. Pareho namin sinasamyo ang magandang sandali na ito sa pagitan namin dalawa. Ang sandali kung saan pareho kami nangako ng pang-habang buhay. Ang pangako ng pagpapakasal at pagbuo ng sarili naming pamilya. Isang pamilya na pareho na pinagkaitan sa amin noon ng tadhana. Ngayon, handa na kami na bumukod para gumawa ng aming sariling pamilya. Malambing na pinagdikit pa ni Sir Aziel ang aming mga noo. "Sana talaga ay hindi lang panaginip ang lahat ng ito," umaasang komento pa ni Sir Aziel saka marahan na hinawakan ako sa aking kanang pisngi. Agarang idinikit ko naman ang mukha sa kamay niyang iyon. Sa ganoon ay mas madama niya na naririto ako ngayon sa harapan niya. Na

