Humugot muna ng malalim na hininga si Aziel bago naisipan na kumatok sa pintuan na nasa harapan niya ngayon. "Leya?" nag-aalalang pagtawag pa ni Aziel sa pangalan ng kanyang asawa, "N-Naririnig mo ba ako? Aking mahal? Mahal ko? Asawa ko?" nanlalambing pa niyang dagdag. Ngunit lumipas ang ilang segundo na wala siyang nakuhang sagot mula sa kabila ng pinto na iyon. Dahil doon ay idinikit niya sa pintuan ang kanyang kanang tenga para alamin kung gising ba ang kanyang asawa. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makarinig ng mahihinang kaluskos mula sa loob. Senyales na gising si Leya pero ayaw lang nito na ipaalam na gising siya. "Leya, alam ko na naririnig mo ko... Gusto ko lang naman na sabihin na... I-I-Ilalagay ko ang pagkain mo sa tapat ng pintuan... Kaya kainin mo sana ito kahit kau

