*boooogggssssh!* *booogssssh!* *booosghhh!* Malakas na umalingawngaw sa buong paligid ng kapital ang sunud sunod na pagsabog. Dahil doon ay takot na takot na nagising mula sa kanilang pagkakahimbing ang mga tao na siyang binihag ng mga demonyo. *booogssssh!* *booggsh!* Muling nagpatuloy ang mga pagsabog at mas malakas na ito mula kanina. Kaya nakasanhi ang mga ito ng malakas na pagyanig sa kalupaan. Sa nangyayari ay nanginginig na napayakap sa isa't isa ang mga bihag na iyon. Wala man silang ideya sa nangyayari sa labas pero alam nila na hindi ito mga karaniwang pagsabog lamang. Kaya muling mga nag-iyakan at nagdasal sila para sa kanilang mga kaligtasan. "Jusko! Mahabagin Tulungan niyo po kami! Iligtas niyo po kami sa kapahamakan!" "Huhuhu! Sana may taong ipadala sa atin para m

