Habang patuloy na kinukuha nina Sir Girard ang atensyon nina Prinsesa Aubriella mula sa mga sunud sunod nilang pagpapasabog ay siya namang lihim na pagtungo ng iba nilang kasamahan sa mga lungga ng mga demonyo. Una na roon, ang grupo na pinangungunahan ni Aziel. Siya ang naatasan ni Leya na magtungo sa lungga ng demonyong si Nozar. Ito ang demonyo na may anyo na asong lobo. Ito rin ang pinuno ng mga asong kampon na nagbabantay sa palibot ng kapital. Kaya roon pa lang ay alam ni Aziel na hindi magiging madali ang kanyang laban. Ibinigay naman ni Leya ang laban na ito sa kanyang asawa dahil sa kanilang nakuhang impormasyon na si Nozar ang pangalawa sa pinakamalakas na demonyo sa mga natitira. Siya rin ang nagsisilbing kanang kamay ni Norfa. At base sa malaking inunlad ng kakayahan ni A

