Pagkagaling ni Viscount Phocas sa pagbisita sa palasyo ni Emperor Hadrian ay agarang nagtungo sila nina Count Khazar at Marquis Basil sa kanyang mansyon. Doon ay balak nila na mapag-usapan ang magiging susunod nilang mga hakbang. Lalo pa na ngayon umaayon sa kanilang mga nais ang naging kalagayan ng emperor. Kaya hinding hindi nila kaya palampasin ang pagkakataon ito na tumumba at walang malay ang emperor, at maswerteng nabigyan sila ng espesyal na awtoridad na mamahala sa palasyo bilang kahalili ng emperor. Hindi na rin nakakapagtaka na lalong tumindi ang nararamdaman nila na pagkaganid dahil sa nangyari. Sasamantalahin nila ang buong sitwasyon na ito para tuluyan na maagaw ang pinakamataas na posisyon sa buong emporyo. Na sa susunod na mga araw ay sila na kikilalaning bagong pinuno

