Labis ang aming pagtataka nang malakas na bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Kareem sa bahay. Mabilis na inilapag pa niya sa aming harapan ang dala-dala niyang dyaryo para ipakita ang pangunahing balita roon. Nanginginig pa nga niya na itinuro ang nakabungad doon na larawan. Ang larawan ng taong isang beses ko lamang nakita sa tanan ng buhay ko. At masasabi ko na hindi ganoong kaganda ang pagkikita namin na iyon. "A-Ang emperor! A-Ang ating emperor! N-Nasa kritikal na kondisyon siya!" malakas na pag-a-anunsiyo pa ni Kareem. Dahil doon ay malalakas na napasinghap ang bawat kasamahan ko at lahat sila ay makikitaan ng labis na pagkagulat sa ibinalita na iyon ni Kareem. 'A-Ang emperor...' '...A-Ang emperor...' '...Nasa kritikal na kondisyon...' Paulit ulit naman na umalingawn

