Malakas na bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Sir Girard sa silid na kinaroroonan ngayon ni Emperor Hadrian. Natigilan naman ang lahat ng nasa loob ng silid na iyon at nagtatakang napatingin kay Sir Girard. Kasalukuyan kasi na abala ang emperor na kausapin ang mga pinagkakatiwalaan niyang opisyales. Sa ganoon ay mabilinan niya ang mga ito mula sa kanyang gagawin paglabas ng kanyang palasyo. Hindi niya kasi iwanan ang kanyang posisyon na walang kahalili. Nagkataon naman na nasa labas ng palasyo rin ngayon ang kanyang tagapagmana na si Prinsesa Aubriella. Kaya naisipan niya na ibilin muna kay Viscount Phocas ang pamamahala. Kaso sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay nabaling ang tingin nilang lahat sa walang permiso na pagpasok na iyon ni Sir Girard. Napasimangot tuloy si Vi

