Princess 90

2369 Words

"B-Basbas?" naguguluhan kong pag-ulit sa sinabi na iyon ng demonyong si Nora, "A-Anong basbas?" Nalilitong nagkatinginan pa nga kami ni Sir Aziel sa isa't isa. Wala akong ideya sa sinasabi nila na binigyan ko ng basbas si Sir Aziel. Ni hindi ko nga rin alam kung paano ko gagawin iyon. Ngunit kung totoo ang sinasabi nila na may ganoon akong kakayahan ay nangangahulugan lang ito na kaya ko rin bigyan ng basbas sina Sir Lenox at Raig. Sa ganoon ay magagawa rin nilang masaktan o matalo ang katulad nilang mga demonyo. At kapag nangyari iyon ay mas mapapalakas nito ang pwersang mayroon ako. Hindi ko na rin kailangan pa matakot na makalaya ang iba pang mga demonyo. Baka ako pa nga ang katakutan ng mga demonyo na kanilang makalaban. Ngunit dahil sa naging reaksyon ko naman ay tila nakahalata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD