"Ngggggghhh." Kaunting kaunti na lang ay hihilom na ng tuluyan ang malalim na sugat sa dibdib ni Count Bardoz. Unti unti ko na ring nakikita na bumabalik sa dati ang kulay ng kanyang balat at nagsimula na ring kumalma ang kanyang paghinga. "Kaunti na lang..." sambit ko pa at mas pinagbutihan ang aking ginagawa. Hanggang sa makita ko na ang tuluyan na pagsara ng kanyang sugat. Dahil doon ay malakas na napabuga ako ng malalim na hininga. Masaya ako dahil sa matagumpay ko na nailigtas ang buhay ni Count Bardoz. Wala na ngayon sa anumang panganib ang buhay niya. Pagkatapos ay bahagyang lumayo ako sa kanya para punasan ang namuong pawis sa aking noo. Ngunit dahil sa mga ilang nagtatalsikan na mga bato mula sa nagaganap na labanan ay minabuti ko na buhatin ang walang malay na count patungo

