Tulalang napatanaw ako sa labas ng bintana nang dumating na nga ang pinakaayaw ko na sandali. Nagsimulang nang gumapang ang liwanag ng papasikat na araw sa labas ng bahay. Ito ang siyang senyales na magsisimula na ang panibagong kalbaryo ng buhay ko sa bayan na ito. Agarang itinago ko pa sa aking bulsa ang nanginginig kong mga kamay. Anumang pag-iisip ang gawin ko rito kanina pa ay hindi ko pa rin maihanda ang aking sarili sa anumang mangyari. "P-P-Parating na kaya ang mga galit na galit na tagabayan?" kinakabahan at maalertong pagbulong ko pa bago problemadong nagpabalik balik ng lakad, "Malamang ipagtatabuyan nila ako palabas ng bayang ito... Sino naman kasi ang nanaisin na makasama ang taong nagdadala ng kamalasan sa kanila? Mapayapa sana ang pamumuhay nila kung hindi lang ako duma

