Dahil sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa kapital ay mas hinigpitan nina Kareem ang pagbabantay sa hangganan ng kanilang bayan. "Ano na ba ang balita sa silangang bahagi ng bayan?" maawtoridad na pag-usisa pa ni Kareem sa mga kaharap niyang kasamahan. Para kasi maging madali ang kanilang pagbabantay sa palibot ay hiniram ni Kareem ang kakayahan ng apat na pinunong kawal na maging mga bantay sa bawat dako ng kanilang bayan. Wala naman siya natanggap na pag-angal mula sa apat na pinunong kawal. Sa halip ay natuwa pa ang mga ito dahil binigyan sila ng mahalagang tungkulin ni Kareem kahit mga dayo lamang sila sa bayan. Kaya si Sir Lennox ang naatasan ni Kareem na magbantay sa harapanng tarangkahan. Si Sir Paulo naman ang naitalaga para magbantay sa silangang bahagi. Si Sir Mikko sa kan

