Dahil sa agarang pagbibigay alam ng mga miyembro ng pangkat ni Sir Lennox sa naging sitwasyon sa harapan ng tarangkahan ay nagmamadaling nagtungo roon si Count Bardoz. Nais niya na harapin ang mga nagpupumilit na mamamayan na makapasok sa kanilang bayan. Alam niya na hindi biro ang mga dinanas ng mga ito para lang makatakas at makarating sa kanilang bayan. At labis na hinahangaan niya ang katatagan ng mga ito. Gayun pa man ay hindi kakayanin ng count na tanggapin ang mga ito ngayon sa loob ng kanilang bayan. Para na rin sa patuloy na mga kaligtasan nila. Dahil ang bayan ng Cait ang hindi pinakaligtas na lugar ngayon mula sa inaakala nila. Ang bayan nila ang pinaka-puntirya ng galit ngayon ng pangalawang prinsesa. Bukod sa naroroon sa bayan si Count Bardoz ay nasa bayan din nila ang un

