Anim na oras bago ang gagawing seremonyas sa palasyo... "Seryoso ba talaga rito ang viscount?" "Itutuloy pa rin niya ang seremonyas kahit hindi pa nakakabalik ang prinsesa?" "Ni wala nga tayong natanggap na balita tungkol sa kanya nitong nakaraang mga araw?" "Wala man lang nakakaalam kung buhay pa nga siya di ba?" At habang papalapit ang oras ng seremonyas, nagsimula na maghinala ang ilang opisyales mula sa motibo nina Viscount Phocas na ituloy pa rin ang seremonyas kahit wala pang kasiguraduhan kung makakabalik ba sa palasyo si Prinsesa Aubriella. Sa tingin pa nga nila ay isa lamang ito palabas para maagaw ang trono mula sa pangalawang prinsesa. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila ang pagkaganid ng viscount sa kapangyarihan at nagkataon pa na siya ang pinasahan ng awtoridad ng

