bc

The Only Girl In Section Gangster | Part Two

book_age4+
1.1K
FOLLOW
3.4K
READ
revenge
possessive
bitch
brave
mystery
enimies to lovers
secrets
school
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

PART TWO | UN-EDITED

Dito na malalaman ang kaniyang sikreto.

Ang gugulantang sa kanilang lahat.

Ang tunay na pagkatao n'ya.

Ngunit kahit na ano pa man ang kan'yang pagkatao ay hindi iyon mababago ang nararamdaman ng mga binatang nagmamahal sa kan'ya.

Pagkakaibigan. Pagmamahal. Pagtitiwala.

"Iwanan mo na ako, masama ako'ng tao"

"Wala akong pakialam kung masama kang tao, hindi pa ba sapat na mahal kita para hindi kita iwanan?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong napabangon sa kama na kinahihigaan ko. Bigla kasi akong kinabahan na parang ewan sa mangyayari. Napatingin ako sa labas ng bintana ng cottage nang marinig ko ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Dito kasi kami natulog ni Spade sa may cottage pero magka-iba ang aming kuwarto. Hindi ko alam na pagmamay-ari n'ya pala ito. At kahapon ko lang din nalaman na isla pala ito. Kaya pala wala akong nakikita na ibang tao. Napatingin ako sa kalangitan. Mabilis na nangunot ang aking noo dahil pagtingin ko sa labas ay kulay kahel na ang kalangitan. Mabilis na napunta ang aking paningin sa wall clock at gano'n na lamang ang panlalaki nang aking mata ng makita ko na 4:35 na pala nang hapon. Syete! Dali-dali akong nagtungo sa cr para mag-ayos at maghilamos. Panigurado na kanina pa gising si Spade! Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba patungo sa second floor. Mabilis na nangunot ang aking noo nang hindi ko mahagilap ang lalaking may kulang ubeng buhok. Baka nasa labas s'ya! Dali-dali kong sinuot ang aking sapatos bago lumabas. Mabilis na hinagilap nang aking mata ang lalaking may kulay ubeng buhok pero hindi ko ito makita. Agad akong pumasok sa cottage para hanapin ang tiktik kung saang lupalop nang earth ito nagpunta. Sa kusina wala. Sa cr wala. Sa likod ng cottage ay wala. Sa kuwarto n'ya ay wala. Bigla akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Mabilis akong lumabas ng cottage para hanapin si Spade pero wala. Tumakbo ako sa kung saan saan pero wala talaga kahit isa, ni anino n'ya o palatandaan na nagpunta s'ya dito ay wala. "Spade!" Malakas kong sigaw habang nagpapalinga linga at hinahabol ang hininga ng dahil sa pagod. "Spade!" Muli sigaw ko bago muling tumakbo sa kung saan. "Spade!" Walang sumagot kahit isa. Tanging sariling boses ko lamang ang aking naririnig at paghampas nang alon sa dalampasigan lamang ang aking din naririnig. "Spade! Nasaan kaba?" Malakas kong sigaw. "Hindi ako nakikipag biruan!" Iniisip ko lamang na baka pinagtitripan n'ya ako dahil minsan ay pinagtripan n'ya ako. Nasaan na ba iyon? "Spade naiinis na ako!" Sigaw ko pa. "Pagkabilang ko nang tatlo at kapag hindi ka pa lumabas ay iiwanan na kita dito!" Sabi ko habang pinakikiramdaman ang paligid. "Isa!" Unang bilang ko pero kahit yabag nang paa n'ya ay wala. "Dalawa!" Nagsisimula nang mamuo ang luha sa aking mata. "Tatlo!" Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. Hindi naman n'ya ako iniwanan, 'diba? Mabilis kong pinunasan ang aking luha at inalis sa aking isipa kung ano man ang pumasok sa isip ko. Pero kahit anong gawin ko ay iyon parin ang laging pumapasok sa isip ko. Hindi n'ya ako puwedeng iwanan dito dahil s'ya ang nagsama sa akin dito at s'ya rin ang mag-uuwi sa akin. Habang papalubog na nang papalubog ang araw ay lalo akong kinakabahan dahil hindi ko s'ya nakikita ngayong araw. "Zaina!" Mabilis akong napalingon sa hindi kalayuan nang marinig ko ang boses ni Lucas. Papalapit ito sa akin habang nasa hindi kalayuan naman ang buong Section G, nakatanaw sa aming dalawa ni Lucas. Pero kahit medyo malayo sila sa akin ay kita ko sa mukha nila ang kaba. Nang magtama ang aming mga paningin ay mabilis silang umiwas nang tingin sa akin at inabala ang sarili sa iba pa nilang kasama. Mabilis akong nagtaka. Anong meron sa kanila? Mabilis kong binalingan nang tingin si Lucas ng makalapit ito sa akin. "Uy Lucas, nakita mo ba si Spade?" Tanong ko. Nakatitig lamang ito sa akin. "Kanina ko pa kasi s'ya hinahanap, eh. Tinataguan pa ako yata ako ng mokong." Sabi ko bago ngumuso. Matagal itong nakatitig sa akin bago bumuntong hininga. "He left." Ang nakangiti kong mukha ay unti unting naglaho habang nakatingin sa kan'ya. Mabilis s'yang umiwas nang tingin sa akin. Hinarap ko s'ya. "A-Ano?" "He left you," parang hirap s'yang sabihin ang katagang 'He left you'. "Binilin ka n'ya sa amin para sunduin ka." Nagpilit ako nang ngiti. "Nagbibiro ka lang, 'diba?" Tanong ko bago ito harapin. Nakangiti kong tanong pero nag-uumpisa na muling mangilid ang luha ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Lucas. "Nagbibiro ka lang naman, 'diba? 'diba? 'diba Lucas?" Tanong ko habang niyuyugyog ang balikat nito. "Hindi ako nagbibiro. Umalis s'ya." Sabi n'ya dahilan para lalong mangilid ang luha ko. "P-Pero b-bakit?" Umiling-iling ito. "I... don't know." Humarap ako sa asul na karagatan at kahel na kalangitan. "Spade! No! Nangako ka 'diba?" Tanong ko bago bumagsak ang kaninang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Sabi mo hindi ka aalis? Sabi mo hindi mo 'ko iiwan?" At tuluyan na akong napaluhod sa puting buhagin habang umiiyak. "Bakit? Bakit ka umalis? Bakit mo 'ko iniwan? Bakit? Bakit? BAKIT!?" malakas kong sigaw bago humagulgol. Umupo si Lucas tabi ko bago ako yakapin. "Shhhhhh..." "Nangako s'ya, Lucas. Nangako s'ya sa akin na hindi n'ya ako iiwanan. Na hindi s'ya aalis sa tabi ko." Muli akong humagulgol. "Pero bakit umalis s'ya? Bakit n'ya ako iniwan. N-Nangako s'ya kahapon. N-Nangako s'ya na mananatili s'ya sa t-tabi ko." Lumunok ako. "Pero lahat lang pala nang iyon ay puro kasinungalingan." "Nangako ako sa tabi n'ya na hindi ako aalis, nangako s'ya sa akin na hindi s'ya aalis. Pero bakit umalis s'ya?" Hagulgol kong tanong sa kan'ya. "Maybe, he had a reason to left you." Pag-alo naman sa akin ni Lucas. Umiling ako. "Hindi eh. Ang pangako ay pangako. M-Masakit palang maiwanan. Ayoko nang maiwanan uli." Sumubsob ako sa dibdib n'ya. "Lahat nalang nang taong minamahal ko iniiwanan ako. Ayoko nang maiwanan, Lucas. Ayoko na." "Shhhhhhh." "He promised to me to stay, but he left me away." "I understand..." Nangako s'ya sa harap nang asul na karagatan at kahel na kalangitan na hindi n'ya ako iiwanan at mananatili s'ya sa tabi ko pero lahat lamang iyon ay puro kasinungalingan. Nagsimula ang aming pag-iibagan sa papalubog na araw pero mabilis din itong natapos sa pag-aagaw ng liwanag at dilim. Ikaw ang dahilan, ikaw ang rason kung bakit gusto ko pang mabuhay, Spade. Ikaw ang una kong rason kung gusto ko pang manatili sa tabi mo. Lahat nang iyon ay ikaw, pero bakit mo 'ko iniwan. Lahat nang pangako mo ay pinanghawakan ko. Hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako pababayaan. Mananatili ka sa aking tabihan. Ikaw ang aking masasandalan at maiiyakan... Pero lahat nang iyong pangako ay unti-unting naglaho. "Putangina ang sakit! Kung kailan naka amin na ako tsaka n'ya ako iniwa." Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib ni Lucas at tinignan ko ito. "Sabihin mo nga sa akin, Lucas. May mali ba sa akin?" "Nothing." Umiling ito. "May kulang ba sa akin?" "Ako nalang." "Mahirap ba ba akong mahalin?" "No." "Eh, bakit sa huli. Ako parin ang iniiwan?" Parang batang tanong ko. "Bakit sa huli parang ako lang din ang nasasaktan?" Hindi ito kumibo. "Bakit parang ang dali lang sa kan'yang iwanan ako?" Pinunasan n'ya ang luha ko pero patuloy lamang ito sa pag-agos. "Nangako s'ya. At lahat ng kan'yang mga pangako ay pinaghawakan ko, kasi akala ko hindi s'ya aalis. Kasi akala ko hindi n'ya ako iiwan." "Paano na ako n'yan? Makakayaman ko bang umiyak nang wala s'ya sa tabi ko? Makakayanan ko ba muling umiyak nang walang masasandalan?" Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi bago muling punasan ang aking luha. "I'm here. You can lean on my shoulder. You can cry on me. You can tell me all your problems, even i'm not Spade." Seryoso n'yang sabi. "Hindi lang si Spade ang puwede mong sandalan. Hindi lang si Spade ang puwede mong iyakan. Hindi lang si Spade ang puwedeng gumawa n'yan. Kaya ko rin gawin lahat nang ginawa-gawa n'ya sa 'yo." Imbis na matuwa ako sa sinabi n'ya ay lalo lamang akong naiyak. "Ayaw ko nang umasa, Lucas. Kasi kung aasa na naman ako ay ako lang din ang masasaktan. Ayoko na talaga." Gusto ko maniwala sa sinasabi mo, Lucas. Pero natatakot ako na muli na naman akong magmahal pero sa huli ay iiwanan lang din ako at ako lang din ang masasaktan. Ang dali lang kay Spade na iwanan ako. Puta! Paano n'ya nakakayanan 'yon? Ako na halos lumuha na nang dugo kakaiyak sa kan'ya pero inisip ko. Umiiyak din kaya s'ya ngayon dahil iniwan n'ya ako? Muli akong napahagulgol nang malakas ny muling sumagi sa isipan ko 'yung mga pangako n'ya sa akin. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba s'yang hintayin? Kasi kung hindi, baka hindi ko na s'ya mahintay. Malakas akong napahagulgol sa isipin ko na 'yon. Ayoko s'yang iwanan pero s'ya ang nang-iwan. Napagdesisyunan ko kahapon na hindi na ako aalis pero, makakaalis pa kaya ako? Sa daming problema na meron ako? Sana kayanin ko, dahil kung hindi. Baka mamatay na ako. S'ya 'yung rason kung bakit gusto ko pang mabuhay. S'ya 'yung rason kung bakit gusto kong makipag p*****n sa kahit na sino huwag lang s'yang maagaw sa akin. S'ya 'yung rason kung bakit ako muling naging masaya. S'ya 'yung rason kung bakit gusto kong mabuhay nang matagal. Pero ang dahilan lahat nang aking rason. Ay tuluyan na akong iniwan. May rason pa ba ako para mabuhay? Gayon na ang lalaking pinanghahawakan at kinakapitan ko ay iniwan ako nang luhaan. Mahal kita. Mahal n'ya ako? Pero bakit n'ya ako iniwana? Kasi ang alam ko, ang totoong nagmamahal hindi nang-iiwan. Ako'y naghihinagpis sa iyong pag-alis Sana ang oras ay biglang bumilis. Mapait akong napangiti habang nakatingin sa papadilim na kalangitan. Muling pumatak ang luha ko Miss na miss na kita. Kailan kita muling makikita? Kailan kaya kita mahahawakan? Kailan kaya kita mahahalikan? Kailan kaya kita muling makikitang nakangiti? "Hihintayin kita, Spade. Hanggang sa makakaya ko," muli akong napangiti nang mapait. "Pero kapag napagod ako. Paalam mahal ko." _______________________________________________________________________________

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook