Chapter 2

1761 Words
Isang buwan na simula ng iwanan ako iwanan ako nang lintik na Spade na 'yan. Isang linggo na rin na hindi maganda ang pakiramdam ko na parang may kulang, siguro hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang pagmumukha nang tiktik na 'yon. Nasanay na kasi ako sa kan'ya kaya ganito na lamang ang panlalabot ko ng iwanan ako ng hayup na 'yon. Wag lang talaga s'yang magpapakita sa akin dahil kung hindi sasapakin ko s'ya. Hmp! "Good morning, guys!" Masayang bati ko sa kanila ng makapasok ako nang class room. Sabay sabay silang napatingin sa akin na para bang may kakaiba sa akin at naging malakas ako. "Good morning?" Natatangang sabi nila dahilan para matawa ako. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. "Zaina, may sakit kaba?" Tanong ni Ethan bago hawakan ang leeg at noo ko. "Wala naman ah." Kunot noong sabi nito. Mabilis na nangunot ang noo ko sa pagtataka ng dahil sa sinabi n'ya. "Huh? Wala naman akong sakit ah." Takang tanong ko sa kan'ya. "Nakakapag taka naman kasi na bigla kang sumigla makaraan lamang ang isang buwan," Sabi naman n'ya. "Remember? Simula nang umalis si Spade ay naging matamlay ka? Tapos hindi ka kumakain, bakit ngayon ang lakas mo na?" Ngumiti ako sa kan'ya bago ilapit ang bibig ko sa tenga n'ya. Bumulong ako. "May bago na kasi akong crush, ahihihi." Sabi ko bago bumungisngis. Mabilis na napalayo sa akin si Ethan habang nanlalaki ang mata. "Grabe ka, Zaina!" Malakas na sabi nito dahilan para mapatingin sa kan'ya ang ibang hunghang. "Nawala lang si Spade ng isang linggo, may crush kana agad?" Bigla itong pumadyak padyak sa sahig habang nagmumukmok. "Paano na ubeyawak ko?" Parang iiyak na sabi nito. Mabilis akong napangiwi dahil sa sinabi n'ya. "You know, Ethan. Hindi naman porket umalis s'ya ay hindi na ako kakain. Bakit? Dala ba n'ya kaldero namin?" Tanong ko dahilan para sumama ang tingin nito sa akin pero nginisian ko lang s'ya. "At tsaka porket umalis s'ya ay wala na akong karapatan na maging malakas, duh!" "Pero miss mo s'ya?" Tanong ni Dencio habang nakangisi. Matagal akong hindi nakasagot bago umiling iling. "Hindi." Mabilis kong sagot. "Bakit ko naman s'ya mamimiss? Bakit? Gold ba s'ya?" Taas ang dalawang kilay na sabi ko sa kan'ya dahilan para sabay sabay silang mapangiwi. "Sus! Hindi daw miss." "Zaina is a liar." "Bad liar." Bumusangot ako nang dahil sa mga sinasabi nila. "Pero gusto mo na s'yang umuwi?" Tanong naman ni Sky. Tumaas ang kilay ko. "Sus! Kahit 'wag na s'yang umuwi!" Sabi ko pero nginisian lang nila ako. "Anong nginingisi ngisi n'yong mga panget kayo?" Taas kilay na tanong ko. Nginisian lang nila ako habang naiiling. Biglang dumating si Sir Brandon kasama ang girlfriend n'ya na si Ms.Reyes. Oh, 'diba, sana all may jowa. Magkahawak pa ang kamay nung dalawa ng pumasok sila dito habang ngiting ngiti. "Good morning, guys!" "Morning lang, walang good. Masama umaga ko ngayon." Sabi ko na ikinatawa nilang dalawa na magjowa at ikinahagikhik nang mga hunghang. "Bad mood si Zaina, sir!" Biglang sigaw ni Michael. "Namimiss na daw n'ya kasi si Spade!" sabi nito dahilan para lalo akong bumusangot at asarin naman ako nang mga hunghang. "Baby, i miss you!" "Spade! Spade!" "Ubeyawak! Ubeyawak! Ubeyawak! Ubeyawak!" "Hindi ko s'ya miss!" Sigaw ko sa kanila bago sila irapan. "Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Sabay sabay nilang pang-aasar sa akin pero hindi ko nalang sila pinansin. Sinundot sundot ni Sebastian ang tagiliran ko mula sa likudan dahilan para nilingon ko ito at sabunutan. "Aray! Masakit!" Daing nito dahilan para lalo kong higpitan ang pagkakasabunot ko dito. "Arayyyyyyyyyyyyyyy!" Sigaw nito ng higitin ko ang patilya n'ya. Kung hindi pa ako pinigilan nila David ay baka matanggal ang anit ni Sebastian. Nakangiwi nitong hinawakan ang ulo n'ya. "Miss mo lang si Spade eh!" Tinitigan ko lang ito ng masama nang dilaan n'ya ako. "Ikaw nga crush mo si Amelia eh!" Sabi ko naman sa kan'ya dahilan para manlaki ang mata n'ya. Matinis itong tumili. Napatakip kami nang tenga namin. "Yacckkk! Kadiri! Hindi ko s'ya!" Sigaw n'ya sa akin. Nginisian ko ito. "Kaya pala. Kaya pala may picture si Amelia sa cell phone mo," Sabi ko dahilan para lumaki ang mata n'ya. "Stolen shots huh." Nakangisi kong sabi. "Kumukuha kasi ako nang epic na picture ng impakta na 'yon dahil kapag nag-away kami ay may ipang-aasar ako sa kan'ya." Pagdadahilan nito. "Nako! Nako! Nako! D'yan nagsisimula ang love. Sa away, the more you hate the more you love." Sabi ko. "Kaya ka na in love kay Spade?" Tanong ni Josiah dahilan para manahimik ako. Matagal silang nakatitig sa akin. "Hindi na ako in love sa kan'ya." Seryosong sabi ko bago bumaling sa unahan. Nakita ko kung paano magtitigan sina Ms.Reyes at Sir Brandon bago dahan dahan na ngumiti sa isa't isa. "May sasabihin ba kayo o wala?" Pag-iiba ko nang topic. "Ay! Meron pala!" Sabi ni Ms.Reyes. "This coming December 13 ay may gaganaping Christmas Ball kung saan ito ang pinaka aabanga nang lahat tuwing disyembre. Ang Christmas ball ay isang okasyon kung saan ilalakad n'yo sa red carpet at irarampa ang inyong suot." Sabi ni Ms.Reyes dahilan para magsaya ang mga hunghang. Gastos na naman! "Ikaw, Everleigh?" Napabaling ang tingin ko kay Sir Brandon nang tawagin n'ya ako. "Pupunta kaba?" Tanong nito. "Hindi." Mabilis na nangunot ang noo nilang dalawa ni Ms.Reyes. "Bakit? Look, Everleigh. Alam kong hindi ka mahilig sa mga gantong event pero sana naman ay sumali ka, last na 'to dahil next year ay senior kana." Sabi ni Sir. "Bigyan mo muna ako ng isang kahon nang chuckie." Sabi ko bago ngumiti. "No." "E di, 'wag. Hindi naman kita pinipilit. No chuckie, no event. Period." Sabi ko bago ngumiti sa kan'ya nang malaki. "Bigyan mona, babe. Barya lang naman sa 'yo ang isang box nang chuckie eh." Sabi ni Ms.Reyes. "Pasalamat ka, mahal kita, Agatha." Sabi ni Sir. Binalik n'ya ang tingin sa akin. "Fine. Isang box nang chuckie kapalit ang pag attend mo sa Christmas Ball." Ngumiti ako kay Sir. "Okay." "By the way" biglang tumigil sa akmang paglabas si Sir at Ms.Reyes. "Pinasasabi sa akin ni Smith na miss kana daw n'ya." "Pakisabi sir, hindi ko s'ya miss." Mabilis na natapos ang oras at lunch break na. Kasabay ko ngayon si David at Lucas na naglalakad sa may corridor habang ang mga hunghang naman ay nauna nang tumakbo papuntang cafeteria dahil nagugutom na daw sila. "Did you miss him?" Tanong ni Lucas sa kalagitnaan nang pananahimik naming tatlo. Taka akong napatingin sa kan'ya. "Sino bang tinatanong mo?" Tanong ko. "Si David o ako?" Takang tanong ko dahilan para marinig ko ang mahinang pagtawa ni David sa kaliwa ko. Kumunot ang noo ni Lucas. "Of course you." Sabi nito. "Hindi ko s'ya miss. Bakit sino ba s'ya para mamiss ko?" Nakangusong tanong ko habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang strap ng bag ko. "Pero gusto mona s'yang umuwi?" Tanong naman ni David. Umiling ako. "Kahit huwag na s'yang umuwi at doon na s'ya tumira kung saan mang lupalop ng earth s'ya nagpunta." Wala nang nagsalita sa aming tatlo matapos kong sagutin ang kanilang tanong. Sa entrance pa lamang ng cafeteria ay kita na namin ang mga hunghang na kan'ya kan'yang lamon sa kanilang upuan. Dumiretso kaming tatlo nila Lucas sa counter at bumili nang pagkain. "What do want to eat?" Tanong ni David sa akin. "My treat." Sabi n'ya habang nakatingin sa mga pagkain. "Kahit ano nalang. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Sabi ko bago tignan ang mga hunghang. Mabilis na tumaas ang kilay ko nang mapansin na lahat sila ay nakatingin sa akin. Mga nakangiti sila ng malaki dahilan para magtaka ako. "Bakit?" Tanong ko sa kanila ng walang lumalabas na boses sa bibig ko. Lalo naman na lumaki ang kanilang mga ngiti habang naiiling bago magpatuloy sa pagkain. Weird. "Here." Inabot sa akin ni David ang tray habang nakangiti. Ngumiti ako bago tanggapin iyon. "Thank---" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang may makita akong nakadikit na sticky notes sa tray ko. Binalingan ko si David pero wala na pala ang mokong sa tabi ko. Nang iginala ko ang aking paningin ay nandoon na s'ya sa mga hunghang, kumakain, kasama si Lucas. Bilis ah! "David, bakit may sticky notes 'tong tray ko?" Tanong ko nang makaupo sa upuan ko. "I don't know." Tipid na sagot nito sa akin ng hindi ako binabalingan ng tingin. Binasa ko 'yung nakasulat sa sticky notes. I miss you, baby. Hindi ko man itanong kung kanino galing 'tong sticky notes na 'to ay alam ko na kung kanino galing ito. Sa Tiktik! Miss daw! Pakyu! Imbis na matuwa ay nilagay ko nalang sa bulsa ko ang sticky notes at hindi na ito pinansin. "Ahihihihihihihihi." "Nikikilig ako." "Shene ell." Mabilis na binaling ko sa mga hunghang ang tingin pero ang kanilang paningin ay nasa pagkain nila habang mga nakangiti na kumakain. Weird talaga. Biglang may tray na lumapag sa harapan ko at nahawi ito. Mabilis na umusod sila Michael at Leo at umupo ang isang lalaki na may kulay ubeng buhok at ang lalaking nang-iwan sa akin. Pabagsak kong ibinaba ang kutsara ko dahilan para mapatingin sa akin ang mga hunghang maging ang tiktik. "Nawalan na 'ko nang gana." Sabi ko bago tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas ng cafeteria. Dumiretso ako sa may cubicle ay umupo sa inidoro at doon na naglandas ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Yakap yakap ko ang aking bag habang tahimik na umiiyak sa may cubicle. Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita s'ya pero mas lamang parin talaga ang saya. B-Bumalik na s'ya! Bumalik na ang Ube ko--- ay mali! Bumalik na pala ang tiktik. Pinagaan ko muna ang aking sarili bago lumabas sa may cubicle. Ipinatong ko sa sink ang bag ko at naghilamos. Inayos ko rin ang buhok ko. Nagspray rin ako nang pabago sa buo kong katawan at kulang na lang ay ipang paligo iyon. Nilabas ko rin ang liptint ko na hindi ko naman nagagamit. Napatigil ako sa akmang paglalagay nang liptint sa labi ko ng matigilan ako. Hindi naman ako nagpapaganda para sa kan'ya, 'diba? 'diba? Umiling iling ako bago itago sa bag ko ang liptint ko bago muling pagmasdan ang aking sarili sa repleksyon ng salamin. Maganda ka, Zaina. Inside and out! Naks! Nagpakawala muna ako nang buntong hininga bago ayusin ang aking gamit at isakbit ang aking bag. Pagbukas ko sa pinto palabas ng cr ay mabilis akong napaaatras dahil sa gulat. "Baby, let's talk." _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD