Mabilis na tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya.
Baby, let's talk daw! Scam 'yung mga gan'yan. Nabasa ko sa w*****d pagkatapos sabihin ang baby, let's talk pagkatapos mag-usap can't walk na.
"Ayoko." Sabi ko bago ito lagpasan. Let's talk, let's stalk. Pakyu!
Naramdaman ko ang presensya n'ya sa likudan ko pero hindi ko s'ya pinansin.
Punyeta! Paano ko sila iiwasan n'ya kung sa isang gunggong na ito ay rurupukan ko?
Hindi na ako marupok!
"Baby," Naglalambing ang tinig nito. "Please, let me explain," Sabi n'ya habang nakabuntot parin sa akin pero hindi ko s'ya pinansin. "I've miss you." Sabi n'ya dahilan para tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko s'ya hinarap.
Miss daw, ehe. Pakyu.
"Pwes, ako hindi." Sabi ko bago s'ya tuluyang iwanan. Hindi ko na naramdaman ang presensya n'ya sa likudan ko dahilan para makahinga ako nang maluwag.
Muntik na akong rumupok ah!
Naglalakad ako dito sa may gilid nang kalsada pauwi sa amin dahil umiwian na. Mabilis akong umalis sa class room nang tangkain na lumapit sa akin ni Spade.
Habang naglalakad ako ay biglang may tumigil na itim na van sa tapat ko. Dahilan para mapatingin ako doon. Biglang may lumabas na men in black kaya naman mabilis na nanlaki ang aking mata.
Akmang tatakbo na ako ng may maramdaman akong malamig na bakal ang lumapat sa sintido ko. Pagtingin ko ay isang lalaking men in black den na nasa labas na at nakatutok nasa akin ang b***l na ito.
Syete! Pinaghandaan talaga nila ang pagkidnap sa akin.
Lumapit ang isang men in black at tinalian ang kamay ko. "Pasok!" Bigla akong tinulak nung lalaking may b***l papasok sa van.
"Aray naman! Makatulak ka, ah! Siga ka! Siga ka!" Inis kong sabi dito. "Hehehehe, sabi ko nga papasok na ako eh." Sabi ko nang ikasa nito ang hawak na b***l.
"Pasok! Dami pang satsat!" Galit na sabi nito. Pinanlakihan ko muna ito ng mata bago ako pumasok sa loob ng van.
Nakabusangot akong umupo sa gitna nang mga men in black habang sinusubukan na kalasin ang pagkakatali sa akin.
"Huwag mo nang subukan na tanggalin iyan. Dahil kahit matanggal mo pa iyan ay hindi ka naman makakatakas." Sabi nung lalaking may hawak na b***l.
"Edi 'wag!" Sigaw ko dito. Masama naman ako nitong binalingan ng tingin.
"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?!"
"Sinong kinidnap ba ang hindi sumisigaw? Ha? Bobo kaba?" Inis kong tanong dito, nanlalaki ang aking mata.
"Aba't taran---"
"Stop." Hindi na natapos nung lalaki ang kan'yang sasabihin nang may lalaking nagsalita mula sa passenger seat. Sabay kaming napatingin ni Kuyang Kidnaper doon. "She just a peace of shit."
"Aba't tarantado ka namam palang hayop ka eh!" Sabi ko bago sipain ang passenger seat na inuupuan nito. "Sinong s**t dito, ha?" Inis kong sabi dito.
Mabilis naman akong binatukan ni Kuyang kidnaper na kaaway ko kanina.
"Aray! Inaano kita?" Masama ko itong tinignan. Pero inirapan na lang ako nito.
"Hoy! Kinakaus---" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang makarinig ko ang sunod sunod na pagkasa ng b***l at naramdaman ko lang na itinutok nila sa akin iyon. "Sabi ko nga tatahimik na 'diba?" Sabi ko bago sila irapan.
Maya maya lang ay nakadating kami sa isang malaking abandonadong building dito sa may gitnang gubat.
Tumigil ito sa harapan ng lumang building at unang lumabas si Kuyang kidnaper bago ako hilahin.
"Aray naman! Kailangan talaga manghila?" Inis kong sabi bago ko sipain ang paa nito. Akmang hahampasin ako ito ng b***l nang mabilis akong hinila ng kung sino. Pagtingin ko ay si Kuyang nasa passenger iyon.
"Get her, let's go." Sabi nito bago maunang maglakad papasok. Hinawakan naman ako ni kuyang kidnaper sa braso bago kami maglakad.
Habang papasok kami ay nagsalita si Kuyang kidnaper. "Kasalanan ito nang nobyo mo, bata. Kaya imbis na s'ya ang gantihan namin ay ikaw nalang tutal naman ay ikaw ang kahinaan n'ya." Sabi nito bago matunog na ngumisi.
Taka ko naman s'yang nilingon. "Huh? Sinong boyfriend? Sa pagkakaalam ko ay wala akong boyfriend." Sabi ko.
Hindi na ito nagsalita pa kaya napalingon muli ako sa unahan. Unang tumambad sa akin ang bakal na pintuan na kulay pula.
Nakakatakot.
Lumapit doon 'yung lalaking nasa passenger seat at may pinindot pindot na kung ano sa may pader, doon ko lang napag alaman na past code iyon.
Bigla namang bumukas ang pulang pintuan at unang pumasok muli 'yung lalaking nasa passenger seat bago kami muling sumunod.
Isang mesa ang una naming nabungaran at nakatalikod na swivel chair. Iginala ko ang aking paningin sa loob, puro mamahalin na alak ang nandito at marami ring mga lalaking mga naka itim ang nandito at may hawak na malalaking b***l.
"Boss, nandito na s'ya." Sabi nung lalaking nasa passenger seat. Unti-unting humarap sa amin 'yung swivel chair at isang lalaki na may edad na ang aking nakita, may hawak itong tabako at puro mamahaling alahas ang nakasabit sa katawan. Malaki ang ngisi nito habang nakatingin sa akin.
At sino naman ang panot na ito?
"S'ya ba 'yon?" Tanong nang tinawag nila na boss. Mabilis na nangunot ang noo ko sa pagtataka.
"Yes, boss." Sabi naman nito.
"Hoy, panot! Sino kaba?" Biglaang tanong ko. Lahat ay nagulat maging si Mr.Panot.
Imbis na matakot ay humalakhak lang ito dahilan para bumusangot ako. "Ha ha ha ha ha ha ha ha! Spade's girlfriend is so funny." Sabi nito at humalakhak na naman.
"Hindi ko boyfriend si Spade." Mabilis kong sagot dahilan para takang tumingin sa akin si Mr.Panot at takang tumingin sa akin.
"I thought he's your boyfriend? But pero close ka sa buong Section G, hindi ba?" Hindi ako sumagot.
Umiling ako. "Walang kami. At hindi magiging kami." Sabi ko. "Kaya puwede ba? Pauwiin n'yo na ako." Inis na sabi ko pero humalakhak lang ito.
Nakakainis!
"Nobya ka man n'ya o hindi, you still the part of his life." Sabi nito at muling humalakhak.
"Gago!" Huling sabi ko bago ako makaramdam nang pagkahilo. Pagtingin ko sa akin braso ay isang syringe ang nakatarak sa akin.
"Good night." Muling ngiti ni Mr.Panot bago ako mawalan ng malay.
Nagising na lamang ako dahil sa naramdaman kong pangangalay. Unti unti kong dinilat ang aking mata at ang una kong nakita ay ang sahig.
Sahig?
Nagpalinga linga ako at doon ko lang napagtanto na nasa isang madilim na silid ako. Napatingin ako itaas at doon ko lang napagtanto na na naka kadena pala ang kamay at paa ko.
Syete!
Sinubukan kong kumalas kalas pero walang epekto. Masyadong mahigpit ang pagkakakadena nila sa akin kaya wala akong takas.
Sinubukan ko muling igala ang aking paningin at wala akong nakikitang kahit na anong gamit dito maliban sa kadena.
Wala ding ibang bintana dito kundi isang mataas na bintana pero bakal ang pangharang nila. Sinisiguro nila talaga na wala akong takas.
Muli akong napatingin sa may bintana. Madilim na ang kalangitan kaya naman nasisiguro ko na gabi na.
Biglang bumukas ang pintuan dahilan para mapatingin ako doon. Mabilis na pumasok si Mr.Panot at 'yung lalaking nagturok sa akin nang syringe, masama ko silang tinignan pero isang nakakainis na ngiti lang ang ibinigay nito sa akin.
"Gising kana pala."
"Ay hindi. Tulog pa ako. Nagssleep talk lang ako." Galit kong pamimilosop dito. Mabilis na nangunot ang kan'yang noo pero agad din itong tumawa.
"Alam kona ang rason kung bakit mahal ni Smith." Sabi nito at muling humalakhak.
"Wala akong pakialam." Inis kong sabi dito.
"Alam mo ba ang ginagawa nila Smith pati narin nang buo mong kaklase?" Nakangisi nitong sabi sa akin.
Mabilis na nangunot ang aking noo pero mabilis na tumaas ang kilay ko.
"Anong pakialam ko? Wala naman akong pakialam sa kanila." Sabi ko bago ito irapan.
"I think that's a lie," Nakangisi nitong sabi.
"Smith and his friends is a mafia killer." Muli itong napangisi nang makuha n'ya ang atensyon ko sa sinabi n'ya.
M-Mafia Killer.
"He's the mafia boss and his friends is a assassin. Smith is my rival, pinapatay n'ya ang mga tauhan ko. Maging ang mga tauhan nang mga naglalakihang d**g lord dito sa bansa ay kinakalaban n'ya kahit wala naman silang atraso sa grupo ni Smith. Dahil sa ginawa ni Smith ay maraming gustong pumatay sa kan'ya, maging ako ay gusto s'yang patayin."
He's a mafia boss.
"Hindi lang sila takaw sa basag ulo. Mamamatay tao din sila. Kaya kung ako sa 'yo, lalayuan kona sila hangga't buhay pa ako." Tinitigan ko ito ng masama.
Wala s'yang karapatan na diktahan ako!
"Alam mo bang, milyonaryo si Smith? Daang libong piso ang nakukuha n'ya sa araw araw, puwede na nga s'yang hindi magtrabaho eh." Sabi n'ya at tumawa ng nakakainis.
"Wala naman akong pakialam sa kanila o kung sino sila." Diretsong sabi ko na lalo lamang n'yang ikinatawa.
Nakakainis talaga!
"Oh? Talaga ba?" Nang-iinis ang tono nito at parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Kaya pala lahat nang tauhan na pinapadala namin para patayin sila ay bumabalik nang bugbog sarado o kaya naman ay patay," nginisian n'ya ako. "'Yan ba ang walang pakialam sa kanila? Palihim na pinoprotektahan ang mga kaibigan n'ya?" Umismid nalang ako at hindi na sumagot.
Kahit ano pa man sila. Handa akong protektahan sila kahit pa buhay ko ang kapalit.... Handa ko s'yang protektahan.
"Alam mo bang niloloko ka lang nila? Nang tinuring mong mga kaibigan mo?"
________________________________________________________________________________