Chapter 4

2403 Words
Ngumisi ito ng hindi ako sumagot. Inayos nito ang nagusot na coat bago ako muling balingan nang tingin. "Gusto mo bang malaman?" Tanong nito habang may nakakainis na ngisi sa labi. "Sarap mong yakapin sa leeg hanggang sa hindi kana makahinga." Inis kong sabi dito. Nakakainis talaga ang matandang 'to! Sarap kalubuhin. Imbis na tumawa ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "Alam mo ba na palihim kang pinasusundan ni Smith sa mga bata n'ya nung panahon na unang pasok mo palang sa kanila?" Natigilan ako, alam akong sinusundan nila ako pero hindi ko alam na si Spade ang nagpapagawa no'n. Hindi ako umimik kaya nagpatuloy ito. B-Bakit? "Alam mo ba kung ano ang dahilan n'ya?" Muli itong tumawa nang hindi ako sumagot. "Dahil akala n'ya katulad ka ni Klea, 'yung ex-girlfriend n'ya na niloko s'ya at ginamit ang buong Section G para makakuha ng milyong-milyong pera." Ngumisi ito sa akin. "But wait, there's more." "Alam mo bang pinagpustahan ka nila? Pinagpustahan ka nila kung kanino ka unang magkakagusto dahil alam nitong matibay kang babae at mahirap makuha sa mabubulaklak na salita. Pinagpustahan ka nila para sa kanilang kasiyahan, habang ikaw ay tuwang tuwa na kasama sila pero ang hindi mo alam ay pinapaikot kalang nila, lalo na si Smith." Biglang sumikip ang dibdib ko sa mga naririnig ko at nagsimulang mangilid ang aking mga luha. T-Totoo ba? P-Pinagpustahan l-lang nila a-ako? "Peke lang ang pinakikita nila sa'yong pagtrato. Alam mo bang ang talino mo pero ang bobo pag dating sa pagkilatis ng mga taong malalapit sa'yo. Tsk tsk tsk!" Naiiling na sabi nito bago ngumisi. "Mahina ka, mahina kang nilalang, bata." "At si Smith?" Matunog muli itong ngumisi. " Niloloko ka lang n'ya, alam mo ba kung bakit s'ya umalis at iniwan ka? Dahil para sa ibang babae." Doon na tuluyang naglandas ang aking mga luha kung saan kanina ko pa pinipigilan. Hindi naman n'ya magagawa 'yon, 'diba? Ngumisi ito nang makita n'yang umiiyak na ako. "H-Hindi n'ya magagawa s-sa akin 'yon!" Galit kong sigaw dito pero nginisian lang n'ya ako. "Hindi nila magagawa sa akin 'yon! Sinisiraan mo lang sila sa akin! Tarantado kang panot ka!" Nang gagalaiting sigaw ko dito. Nginisian n'ya lang ako habang naiiling. "Sa kasalanang ginawa nila sa'yo, pinipili mo paring magbulag bulagan at magbingi bingihan. Kung hindi ko pa sinabi sa'yo ang totoo, habang buhay ka nilang lolokohin at magmumukha kang tanga sa paningin nila dahil alam nilang madali kang maloko." Sabi nito bago nakangising lumapit sa akin. Tinanggal n'ya sa kan'yang bibig ang kan'yang tabako bago ilapit at pasuin ang aking pulsuhan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagsigaw, lalo akong napaluha nang diinan n'ya ang pagkakalapat ng kan'yang tabako sa aking pulsuhan. Humalakhak ito ng makita akong nagdudusa sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hayup! Ngumisi ito muli sa akin. "See yah." Sabi n'ya bago tuluyang lumabas nang silid. Naiwan naman akong lumuluha, ang kaninang tahimik kong pag-iyak ay naging paghagulgol. Mariin ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang humahagulgol. Nagtatalo ang puso at isip ko nh dahil sa sinabi ni Mr.Panot. Totoo kayang niloloko lang nila ako? Umiling iling ako pero hindi naniniwala ang puso ko. Mabilis akong natahimik ng may marinig akong sunod sunod na putok ng b***l. Napatingin ako sa may pituan nang pumasok 'yong lalaking nasa passenger seat kanina. May hawak na itong b***l. Kasunod naman n'ya si Mr.Panot at ang iba pa nitong mga tauhan na may hawak na rin na mga b***l. Ngumisi sa akin si Mr.Panot. "Masuwerte ka, nand'yan na ang mga kaibigan mong manloloko para iligtas ka kasama 'yong kuya mong mas malakas pa sa hanging habagat ang saltik." Sabi nito. Nang makalagan ako ng mga tauhan nito ay pinalibutan nila ako. Pumasok kami sa may bakal na pintuan at pagtingin ko at isang malawak na bodega iyon. Mayroong mangilan ngilan na gamit pero isa kang ang nakaagaw ng aking pansin. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang malaking aquarium na may lamang tubig. Kita ko sa tubig nito na mayroon pang lumalangoy langoy. Ngumisi si Mr.Panot sa akin ng mapansin n'ya kung saan ako nakatingin. "Nakita mo 'yong aquarium na iyon? Tatayo ka sa gitnan no'n tapos malalaglag ka sa tubig, tapos makakasama mong lumangoy 'yong mga palaka." Nakangisi nitong sabi. Bigla nalang lumakas ang t***k ng puso ko ay nanindig ang aking mga balahibo sa sinabi nito. P-Palaka? P-Puta? Ayoko sa p-palaka. Tumawa ng nakakainis ito. "Oh? Ayaw mo? Hindi mo ba nagustuhan? Ayaw mo bang makasabay na lumangoy 'yong hayop na kinatatakutan mo?" Nakangisi nitong sabi at tumawa ito ng nakakaasar. Mabilis ko itong sinamaan ng tingin. "Hayup ka! Mamatay kana! Gago!" Sabi ko. Mabilis na nawala ang ngiti nito at seryoso ako nitong hinarap. Malakas n'ya akong sinampal dahilan para mabali ang aking leeg. Nalasaan ko ang dugo na nagmula sa gilid ng labi ko at ang paghapdi nito. "Huwag na huwag mo akong mumurahin sa teritoryo ko! Naiintindihan mo?!" Galit na sigaw nito habang habang hawak nang mahigpit ang aking panga. Tanging masamang tingin ang naipukol ko dito. Bumaling ito sa mga tauhan n'ya. "Sige na, ilagay n'yo na d'yan sa may taas ng aquarium at patayuin." Sabi nito. Mabilis naman nila akong pinalapit sa may aquarium. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang papalapit kami nang papalapit sa isang malaking aquarium habang may lumalangoy langoy na palaka sa loob nito. H-Hindi! A-Ayoko sa mga p-palaka! Sinubukan kong pumalag pero tinutukan nila ako ng b***l sa ulo at mahigpit ang pagkakakapit nito. Nilagyan pa nila ako ng panyo sa bibig ko dahilan para sipain ko sa itlog 'yong lapastangan na iyon. Mabilis naman itong napah hiyawa sa sakit bago hawakan ang gitna n'ya. Mabilis naman na kinasa nang lahat ang kanilang hawak na b***l bago iyon itutok sa akin. "Sige! Taas!" Sabi nung isa bago senyasan na umakyat ako. Tinignan ko muna ito ng masama bago umakyat sa kahoy na hagdan at tumungtong sa gitnang kahoy na nasa aquarium. Naging sunod sunod ang aking paglunok ng bumaba sa tubig ang aking paningin. Ang daming palaka na naglalanguyan habang 'yong iba ay sinusubukan pang tumakas. A-Ayoko talaga sa palaka! "Look who's here," napatingin ako kay Mr.Panot nang magsalita ito. Nakangisi ito habang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko nang tingin ang kan'yang tinitignan at nakita ko ang hinihingal na Section G habang lahat sila ay may hawak na b***l, maging si Ethan. Imbis na matuwa ako dahil nakita ko sila ay mabilis iyong naglaho dahil sa biglang pagbabalik ng lahat ng sinabi sa akin. Napunta sa akin ang paningin ni Sebastian dahilan para isigaw n'ya ang pangalan ko. "Zaina!" Sabay sabay na napatingin sa akin ang mga hunghang. Biglang umaliwalas ang mukha nila pero ng bumaba ang kanilang tingin sa inaapakan ko ay mabilis itong naglaho. Humalakhak si Mr.Panot. "Sa oras na gumawa kayo ng hindi maganda ay malalaglag s'ya sa aquarium na puno ng mga palaka." Sabi nito at humalakhak. "Panot ka talaga! Bakit kailangan mong idamay si Zaina dito!? Wala naman s'yang atraso sa'yo ah!" Galit na sigaw ni Ethan pero humalakhak lang ito. "Bakit nagagalit kayo dahil sa pagkidnap ko sa Only Girl n'yo?" Nakangising ani nito. Saglit ako nitong sinulyapan bago muling ibaling sa Section G ang paningin habang nakangisi. "'Di ba nga niloloko n'yo lang s'ya? O? Bakit kayo nagagalit?" Biglang nangunot ang noo nilang lahat. "Ano?" Humalakhak muli si Mr.Panot. "Hindi ba, pinagpustahan n'yo lang ang only girl n'yo? Tapos palihim pa s'yang sinusundan dahil akala n'yo may hidden agenda lang ito," biglang bumakas ang takot, kaba at taranta sa mukha nila. "Kasi akala n'yo katulad s'ya ni Klea, ang babaeng niloko at ginamit lang kayo para makakuha ng pera sa inyo." Nakangiti nitong pagpapaliwanang. Muli itong humalakhak nang hindi sumagot ang isa sa kanila. Walang umimik sa kanilang lahat dahilan para makaramdam ako ng panlalambot. Bakit hindi nila dipensahan ang sarili nila? Bakit hindi sila tumanggi para sabihin na nagsisinungaling lang ang matanda? Bakit? Tuluyan na akong nawalang ng pag-asa ng walang sumagot sa kanila kahit isa. So, totoo nga? Totoo lahat ng sinasabi ng matandang 'to? "Z-Zaina, magpapaliwanag kami." Sabi ni Sebastian na halatang kabadong kabado. Tinignan ko lamang sila gamit ang malamig na ekspresyon at hindi nakatakas sa akin ang kanilang lunukan. "Baby," Nakuha ni Spade ang atensyon ko. "Let us explai---" Hindi na natapos ni Spade ang sasabihin ng magsalita ang matandang panot. "Tsk tsk tsk tsk! Magpapaliwanag kung kailan alam na n'ya ang totoo?" Humalakhak ito. "Mahina ka, Smith." "Shut the f**k up!" Galit na sigaw ni Spade pero humalakhak lamang ito. "Oh? Ba't ka galit? Ikaw na nga itong may kasalanan sa kan'ya ikaw pa itong naninigaw. Ayaw mo no'n? Maaga kong sinabi sa kan'ya para hindi naman s'ya masyadong nagmukhang tanga." Mabilis na tinutukan ni Spade nang b***l ng matanda ngunit ngumisi lamang bago itaas ang isang kamay na hawak na isang maliit na remote. "Sige, iputok mo. Kapag pinundot ko ang pulang pindutan na ito, mahuhulog ang only girl n'yo sa tubig na may daang palaka ang naglalanguyan." Muli itong humalakhak nang makita n'ya na binaba ni Spade ang b***l nito. Habang busy sila sa pagbabangayan ay unti unti kong tinaas ang kamay ko papunta sa ulo ko bago kapain ang throwing needles na nakatago sa buhok ko. Ang throwing needles na ito ay may halong papatulog kaya saglit man na bumaon ito sa laman mo ay mabilis kang makakatulog dahil malakas ang epekto nito. Thank's to Klira who made this. Nakatalikod sa gawi ko ang mga tauhan ng matandang panot kaya isa isa ko silang hinagisan sa batok nang karayom ng hindi nila namamalayan. Natigil sa paghalakhak ang matanda nang sunod sunod na bumagsak ang mga tauhan nito at gulat na tumingin dito. Mabilis na napunta sa akin ang paningin nilangn lahat. "Anong ginawa mo?" Kunot noong tanong nito pero hindi ako sumagot. "Ang sabi ko! Anong ginawa ko!?" Galit na tanong nito pero nagkibit balikat lang ako. "Gusto mo bang ihulog na kita sa mga palaka d'yan!?" Mabilis akong umiling. "Anong ginawa mo!?" Muli akong umiling. Habang nasa akin ang atensyon ng matanda ay mabilis na kumilos ang Section G. Palihim nila itong pinaliligiran hanggang sa mapansin ng matanda na napaliligiran na s'ya. Ngumisi ito bago itaas ang kamay. "Sige, subukan n'yo akong saktan at ihuhulog ko ang only girl n'yo." Nakangisi nitong sabi pero mabilis na nawala ang nisi nito ng may humablot sa kamay n'ya nang remote mula sa likudab. Pagharap n'ya ay nakatutok na sa noo n'ya ang bibig ng b***l ni Spade. Walang sabi sabi na pinaputok kaagad ni Spade ang kan'yang b***l dahilan para mabutas ang noo ng matanda. Mabilis na lumapit sa akin sila Sebastian para ibaba ako sa pesteng aquarium na ito. Tinanggal din nila ang kadena sa kamay ko bago tanggalin ang panyo sa bibig ko. "Zaina, okay ka lang?" Agad na tanong ni Sky pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Totoo ba?" Tanong ko bago salubungin ang mga mata nila pero mabilis silang nagsiiwasan. "Totoo ba ang lahat ng sinasabi ng matandang 'yon?" Nagcrack ang boses ko. Kahit alam kona ang sagot ay tinanong ko parin sila dahil gusto ko na dipensahan nila ang sarili nila. "Sagot," Sabi ko bago lumunok. "Silent mean yes?" Mapakla akong tumawa. Lahat sila ay nakayuko maliban kay Spade na diretso ang tingin. "Bakit? Bakit n'yo nagawa sa akin 'to? Bakit?" Biglang nanlabo ang aking paningin habang nakatingin sa kanila. "Alam n'yo bang hindi ako naniniwala sa sinabi ng matandang 'yon? K-Kasi pumasok sa isip ko na h-hindi n'yo naman k-kayang gawin sa a-akin 'yon. P-Pero hindi eh, inaantay ko kayo kanina na dipensahan n'yo ang mga sarili n-n'yo pero wala kahit isa sa inyo sa nagsalita. Bakit? Bakit n'yo nagawa sa akin 'to?" "K-Kasi, h-hindi naman namin a-alam na iba ka pala kay Klea." Sagot ni Ziggy. Mapakla na naman akong tumawa. "Bakit? Porket ba ginawa na sa inyo n'yo ang nakaraan na iyon ay gagawin ko sa kasalukuyan?" Umismid ako. "Magkaiba kami ni Klea, kung iniisip n'yo na gagawin ko sa inyo ang ginawa n'ya sa inyo noon, pwes nagkakamali kayo." Naging matigas ang boses ko maging ang ekspresyon ko. "Pumasok ako sa section n'yo para mag-aral hindi para magnakaw, hindi para magloko, hindi para manloko ng tao. Gusto kong matuto, gusto kong tumalino, gusto kong gumaling. Pero never pumasok sa isip ko na lokohin ay pagnakawan kayo." Mas mayaman kaya ako sa inyo, duh! "Z-Zaina," napatingin ako kay Ethan nang makitang umiiyak ito. "S-Sorry." Umiiyak na sabi nito. "Oh? Ethan, bakit ka umiiyak?" Sarkatisko kong sabi. "Ikaw ba 'yong niloko? Ikaw ba 'yong pinagpustahan?" Umiling iling ito habang umiiyak. Sinubukan n'yang magpunas nang luha pero hindi iyon tumigil sa paglabas. "Oh? Bakit ka umiiyak?" Sarkatisko kong tanong. Ngumisi ako. "Bakit? Naguguilty kana sa mga kagaguhan n'yo na pinaggagagawa n'yo sa akin? Sa mga panloloko n'yo sa akin? Sa mga kataranduhan n'yo?" Muli akong umismid. "Bakit? Sino kaba para umiyak? Dapat nga ako ang umiiyak pero bakit ikaw ang umiiyak?" Hindi ito sumagot pero umiling iling ito habang humihikbi. "Sorry, Zaina. Sorry." Umiiyak na sabi nito. Umismid ako bago muling tignan ito sa matigas na paraan. "Anong mapapala ko sa sorry mo? Nakakain ba 'yan? Naiinom ba 'yan? Mabubura ba nang simpleng sorry mo ang panloloko n'yo sa 'kin?" Muli itong umiling habang humihikbi. "Oh? Bakit ka nagsosorry? Mapapalitan ba ng sorry mo ang mga ginawa n'yo sa 'kin." "Hindi mapapalitan ng sorry n'yo ang sugat na iniwan n'yo sa akin. Tinuring ko kayo ng higit pa sa kaibigan, tinuring ko kayong pamilya kasi sa inyo ako sumaya, kasi nagbalik ang kasiyahan ko simula ng dumating kayo sa buhay ko, pero ano? Akala ko lahat ng pinakikita n'yo sa akin na kabutihan ay tunay, 'yon pala ay peke." "Wait! Before i go, sino sa inyo ang nanalo sa pustahan?" Tanong ko bago igala sa kanila ang piningin pero walang kahit isa sa kanila ang nagsalita. "Wala?" Tumaas ang dalawang kilay ko. "Bakit wala? Dapat may nanalo sa inyo dahil na in love ako sa inyo sa isa sa inyo," Nginisian ko sila. "Good luck nalang sa mga nanalo, sana ay sumaya kayo sa pera na napanalunan n'yo." Sabi ko bago maglakad. Binigyan naman nila ako ng daan para makadaan. Pero bago ako makalayo sa kanila ay muli akong humarap. Lahat sila ay nakatingin sa akin. "Huwag n'yo na muli akong lalapitan, please lang." _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD