Taas noo akong naglalakad sa corridor nang aming building habang patungo sa silid kung saan puno ng mga sinungaling na tao na akala mo ay totoo 'yon pala ay hindi.
Seryoso lamang ako habang naglalakad at walang ipinakikitang kahit ano mang reaksyon sa mukha. Walang bahid ng emosyon o ano man.
Mabilis na napunta sa akin ang paningin nang lahat ng sinimulan kong itapak ang aking paa sa loob nang class room.
Walang ingay ang aking naririnig ngayon dahil sa kanila.
Guilty?
Imbis na umupo ako sa pagitan nina Ethan at David ay umupo ako sa pinakang unahan at walang lingon lingon sa likudan.
Ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin mula sa likudan pero hindi kona lamang iyon pinansin.
Balak kona sanang magwattpad ng may isang nagpeke ng ubo sa kanilang lahat hanggang sa nagsunod sunod na ang kanilang pag-ubo.
Wow, ha! Ano 'yon sabay sabay na sinipon?
"Zaina," hindi ko man iyon lingunin ay alam kong si Ethan iyon. "Psstt!" Pagsitsit nito sa akin. Hindi ako lumingon. "Ganda," ako naman ang napa ubo sa sinabi n'ya. Nagbungisngisan sila.
Tang'na?
"Pssssttttttttt!" Mahaba nitong pagsitsit. "Zoiiiiiinaaaaaa!" Napapikit ako nang mariin bago harapin si Ethan sa matigas na eskpresyon.
"Ano?" May bahid ng inis ang boses ko habang mariin na nakatingin sa akin. Kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito mula sa masaya ay mabilis itong napalitan ng lungkot. Mabilis ito nagpilit nang ngiti.
Hindi naman kasi talaga ako marupok, 'diba? 'diba?
"Wala hehehehe."
"Wala naman pala." Inis na sabi ko bago ito irapan at bumaling sa muli sa unahan.
Nakarinig ako ng mahinang paghikbi kaya naman mabilis na nangunot ang noo ko.
"Tahan na, Ethan."
"Palamigin mo muna ang ulo ni Zaina tapos kausapin mo uli s'ya."
"Hayaan mo muna si Zaina."
"Pag pasensyahan mo muna 'yong cuteness ni Zaina, ha?"
Mabilis na nangunot ang aking noo sa huling nagsalita.
Dinadaan ba nila ako sa pambobola?
Wala akong nakuhang sagot kay Ethan pero hikbi lamang. Biglang sumikip ang dibdib ko ng marinig ang paghikbi ni Ethan nang dahil sa akin.
Hindi naman ako marupok, 'diba? 'diba?
Gusto ko sanang magsorry pero naalala ko na galit nga pala ako sa kanila. Dapat lang sa kan'ya 'yan! Manloloko s'ya!
Mabilis na napunta ang aking atensyon ng may pumasok na pamilyar na lalaki. Mabilis na nangunot ang aking noo.
Anong ginagawa n'ya dito?
"Zaina, go home, pack all your things." Sabi ni Kuya Zenvy pagkapasok na pagkapasok n'ya sa class room.
Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Why?" Malamig kong tugon.
"You'll getting merried now." Mabilis na nagsalubong ang kilay ko
"Ano! Ayoko nga!" Sabi ko bago tumayo at salubong ang kilay na hinarap s'ya.
"Huwag mo'kong gagalitin, Zaina." May pagbabanta sa boses nito.
Umismid ako. "As if naman na natatakot ako sa'yo, Zenvy." Akmang sasampalin n'ya ako nang magsalita ako. "Ano? Sasampalin mo'ko?" Hindi ito sumagot. " Sige lang, gawin mo, tutal d'yan ka naman magaling eh." Umismid ako. " Hindi ka naman gan'yan dati ah. Simula ng makilala ko 'yang hampaslupang Avrhil San Pedro na 'yan! Nagka gan'yan kana," Ngumisi ako. "Bakit? Anong rugby ba ang pinasinghot n'ya sa'yo at nagkakaganyan ka?" Sabi ko dahilan para sampalin n'ya ako.
Mabilis kong nalasahan ang dugo mula sa gilid ng labi ko at ang paghapdi no'n. Naka ngisi kong binalik ang tingin kay Kuya Zenvy na ngayon ay masama ang tingin sa akin habang malalim ang bawat paghinga nito.
"Oh? Ba't ka galit? Totoo 'diba?" May panunuya ang aking boses habang naka tingin sa kan'ya.
"Huwag na huwag mong idadamay si Avrhil dito, Zaina! Hindi mo s'ya kilala!" Sabi n'ya habang dinuduro duro ako. Mabilis mong tinabing ang kamay n'ya na naka duro sa akin na ikinagulat n'ya.
"Ako? Hindi kilala si Avrhil San Pedro?" Ngumisi ako. "Talaga lang, huh?" Umismid ako. "Avrhilin San Pedro Jimenez, the step sister of Cassandra Jimenes and adopted daughter of Ronaldo Jimenez." Seryoso kong sabi dahilan para mangunot ang noo n'ya.
Narinig ko ang pagsinghap nang mga hunghang.
"What?" Nginisian ko si Kuya Zenvy.
"Oh? Bakit parang hindi mo alam?" Kunwaring takang tanong ko. Pinagkrus ko ang aking braso. "'Diba nga alam mo? Na step sister s'ya ni Cassandra at ampon s'ya ni Mr.Jimenez?" Nagpeke ako ng nguso. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Biglang tumigas ang boses ko. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila na susugod ang grupo nila sa Brillian Park? Alam mo bang ang daming nadamay na tao! Ang daming nadamay na estudyante! Ang daming namatay! Pati si Cold nadamay!" Pati si Spade nadamay! Hindi ko mapigilan na magtaas ng boses sa kan'ya. "Alam kong alam mo kung ano ang katauhan nila, pero bakit hindi mo sinabi?" Naiiling kong sabi.
"Because i love her." Seryosong sabi nito.
Umismid ako.
"Love her? Ha! Niloloko kana n'ya bakit pinilit mong magbulag bulagan? Magbingi bingihan! 'Yan ba ang love na sinasabi mo?" Galit kong sigaw sa kan'ya. "Tanga na ang tawag sa katulad mo! Tanga!"
"Huwag mo'kong sigawan!" Pabalik na sigaw nito sa akin. "Mas matanda parin ako sa'yo! Kuya mo'ko, Zaina! Kuya mo'ko! Kaya galangin mo'ko! I'm still your brother! Lahat ng gusto ko ay susundin mo! Sa ayaw at sa gusto mo!" Galit na sigaw nito sa akin. Wala akong pakialam kung mapanood kami ng Section G basta ang alam ko ay hindi mahuhupa ang galit ko ngayon.
Medyo namumuo na ang luha ko at nahihirapan narin akong huminga.
"Bakit ba gan'yan mo'ko itrato!? Kung itrato mo'ko ay parang hindi mo ako kapatid!"
Nagulat ako sa bigla n'yang sagot sa akin.
"DAHIL HINDI NAMAN KITA KAPATID! HINDI KA NAMIN KAPATID! DAHIL AMPON KA LANG! AMPON!" Malakas nitong sigaw na nakapag patigil sa akin.
"Ano?"
"Hindi mo ba ako narinig? Am.pon.ka." sabi nito dahilan para lalong mamuo ang luha ko at ilang beses akong napaatras hanggang sa tumama nalang ako sa desk ni Sir Brandon.
A-Ampon ako?
"A-Ampon ako?" Tanong ko sa sarili ko pero si Zenvy na ang sumagot para sa akin.
"Oo, ampon ka. Kaya hindi ka namin kapatid." Matigas sabi nito.
Wala sa sariling napaulo ako sa sahig habang hawak hawak ang aking dibdib dahil bigla itong sumikip at lalo akong nahirapan na huminga.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Amelia.
"Oy! Bestie--"
"I-I-I can't b-breath..." habol kong hangin na sabi sa kan'ya. Mabilis naman n'yang pinatay ang tawag at nasisiguro na papunta na iyon sa akin.
Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha dahil patagal ng patagal ay lalo lang akong nahihirapan na huminga.
Kunot noo lang silang lahat na nakatingin sa akin maging si Zenvy. Lalakad na sana palapit sa akin si Zenvy nang bigla s'yang tinabig ni Amelia.
Mabilis na lumapit sa akin si Amelia at mabilis n'yang inilagay ang oxygen mask sa akin. Mabilis naman n'yang binuksan 'yong minnie oxygen tank dahilan para makalanghap na ako ng hangin pero hindi parin iyon sapat.
Isinandal ako ni Amelia sa pader habang pinapaypayan ako habang ako naman ay habol parin ang hininga habang umiiyak.
Biglang tumayo si Amelia at mabilis na sinampal si Zenvy.
"Papatayin mo ba 'yang kapatid mo!?" Ramdam ko ang galit nito kay Zenvy. "Ano!? Sagot!?" Sigaw nito. "Papatayin mo ba si Zain!?" Habol ang hininga n'ya na sigaw dito.
"She's adopted." Seryosong sabi ni Zenvy dahilan para lalo akong mahirapan na huminga at lalong sumikip ang dibdib ko.
"May asthma si Zaina! Mahina ang puso n'ya! Kaya kahit anong oras ay puwede s'yang mamatay!" Umiiyak na sabi ni Amelia dahilan para gulat na tumingin sa akin ang lahat.
"Zaina!" Ang ibang hunghang ay napatayo pa at bakas sa kanila ang matinding pag-aalala. Si Ethan naman ay umiiyak na naman habang paulit ulit na binabanggit ang pangalan ko.
"W-What?" Gulat na tanong ni Zenvy. Halatang kabado ito.
"Oo, may asthma 'yan at mahina na ang puso n'yan kaya kahit anong oras ay puwedeng s'yang mamatay dahil sa katangahan mo!" Umiiyak na sabi ni Amelia habang pinaghahampas si Zenvy na nakatulala na. "Umalis s'ya nang Pilipinas para magpagamot! Umalis s'ya nang pilipinas para humanap nang heart donor pero wala s'yang nakita kaya umuwi s'ya dito na mahina parin ang puso!" Umiiyak na sabi ni Amelia bago s'ya umupo sa sahig na parang bata at takpan ang mukha n'ya habang umiiyak.
Amelia...
Lalo naman akong napaiyak.
"Hindi lang pagpapagamot sa saksak ang pinunta n'ya do'n. Pumunta din s'ya sa china para maghanap ng donor pero wala."
"K-Kaya kaba paalis alis nang bansa, p-para puntahan s'sya?" Tanong ni Leo na.... umiiyak na?
Tumango-tango si Amelia. "O-Oo, pinupuntahan s'ya doon para samahan na maghanap ng donor pero wala. M-May sakit din s'ya sa b-bato at UTI." Tinignan ako ni Amelia, umiiyak ako habang umiiling iling para sabihin na tama na. Na tumigil na s'ya pero nagpatuloy parin ito.
"At alam n'yo kung ano ang pinaka malalang sakit ni Zaina?" Tanong nito habang nakatingin sa akin. Lalo akong umiling iling habang umiiyak.
"P-Please, d-don't."
"Meron s'yang brain tumor." Pagpapatuloy nito.
Bigla nalang napaluhod sa sahig si Zenvy habang nakatulala sa akin. Biglang sunod sunod na pumatak ang luha nito habang nakatingin sa akin.
Ang ibang hunghang naman ay napatulala habang umiiyak, si Ethan naman ay iyak ng iyak habang nakayakap kay David na nakatitig sa akin ng may awa.
May isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko bago ito unti unting umupo para pantayan ako.
Mabilis na sumalubong sa akin ang namumuong luha ni Spade sa mata habang nakatingin sa akin.
Unti unti n'yang hinawakan ang magkabila kong pisngi habang may panginginig ang kamay nito. Ramdam ko rin ang lamig ng kamay n'ya.
Bigla n'ya akong niyakap. Papalag sana ako nang higpitan n'ya ang yakap sa akin.
Umalog alog ang balikat nito at ramdam ko ang panginginig ng katawan n'ya. Umiiyak s'ya.
"I-I- I didn't know, i-m s-sorry." Nanginginig ang boses nito habang nagsasalita.
Lalo naman akong napaiyak kasabay ng lalong paninikip ng aking dibdib.
"I love you. Please, fight for me."
I will.
_______________________________________________________________________________