Chapter 7

2069 Words
Ngayon araw na ang Christmas Ball na sinasabi nila. Nasa loob lang ako ng kotse ko habang naka tunghay sa entrace ng school kung saan pagbaba mo palang mo palang ng sasakyan mo ay mayroon kana agad na maaapakan na red carpet. Bumuntong hininga muna ako bago buksan nang driver ko ang pinto ng back seat. Huminga muna ako ng malalim bago itungtong ang high heels ko sa red carpet. Sa entrance pa lamang, sa gilid ng red carpet ay agad na napunta sa akin ang atensyon ng lahat. Maging ang mga photographer ay sa akin na itinapat ang kanilang lens. Teka, bakit nga pala may photographer dito? Nilugay ko ang mahaba at hanggang bewang kong buhok, nagpakulay ako ng beige hair color para naman maiba. Naka wavy ang buhok ko ngayon.  Habang naglalakad ako sa red carpet na parang model ay humangin dahilan ang buhok ko na nasa magkabila kong dibdib ay hanginin papunta sa aking likod. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang buong Section G na naka tingin sa akin pero isa lang ang naka agaw ng aking pansin, ang babaeng katabi ni Spade na naka tingin din sa akin habang naka taas ang kilay. Hindi ko pa man nadidinig ang kan'yang pangalan ay kilala kona kung sino ito. Klea Hyu... Naka suot ito ng orange silk dress na above the knee habang kaunting hinga na lang ay luluwa na ang dibdib nito. Gamitin ang utak, huwag puro s**o-- Camille Trinidad2021. Sa isip ko ay natatawa na ako ng dahil sa kalokohan na pumasok sa isipan ko. Ang balita ko ay medyo matalino daw si Klea pero bobo daw talaga ito. Ang g**o naman! Nadako ang paningin ko sa kamay n'ya na pumulupot sa braso ni Spade. Umiwas ako ng tingin habang naiiling. Parang ang sarap bumili ng lagari ngayon at magputol .... Katapat ng Section G ay sina Iseah at Amelia na naka awang ang bibig habang naka tingin sa akin, nginisian ko silang dalawa bago mabilis na kindatan. Muling nadako ang paningin ko sa Section G ng tawagin ako ni Ethan. "Zaina!" Pagtawag nito sa akin. Palihim n'yang sinulyapan si Klea at Spade na parehong naka tingin sa akin. Nginisian ko lang si Ethan bago alisin ang tingin sa kan'ya. Mukha ba akong naiinggit? Well, i'm not. Mabilis akong dumiretso kina Amelia at Iseah, wala si Mingyu dahil hindi pa s'ya puwede. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. "The f**k? You're so stunning, bestie!" Sabi ni Amelia bago ako yakapin. Akala ko ay yayakapin lang ako nito pero bigla itong bumulong. "Klea is here, she's back." May halong inis sa boses nito. "I know." Sabi ko bago ito lumayo sa akin. Muli n'ya akong nginitian pero tumagos ang tingin n'ya sa likudan ko, mabilis na nawala ang ngiti ni Amelia at napalitan ito ng inis. Mabilis na bumalik ang ngiti nito pero halatang plastic ito. "Hi, Amelia. I've miss you." Sabi ng isang babae mula sa aking likudan. Pekeng ngumiti si Amelia. "Hi, Klea. I've miss you." Sabi naman ni Amelia bago sila magbeso ni Klea. Kita ko sa mukha ni Amelia ang ang pandidiri habang naglalapat ang pisngi nilang dalawa. Diring diri much? "Hi, Klea. I'm Iseah, Liam's property." Sabi naman ni Iseah bago makipag beso kay Klea na ngiting ngiti na ngayon. Tumaas ang kilay ko. Aba! Nandito kami ngayon sa quadrangle at kumakain. Isang section kami dito na pinagdikit dikit ang mesa para magkasya kami. Nakisalo sa amin si Amelia at Iseah hindi ko lang alam kung bakit nandito si Klea na sinusubuan pa si Spade ng pagkain. Ang malala pa, katapat ko pa si Spade na hindi inaalis sa akin ang tingin simula ng maupo kami. Tsk! Kala mo naman hindi marunong kumain mag-isa! Haler? 18 na kaya 'yan. Tahimik lang kaming kumakain hanggang si Klea na ang unang bumasag ng katahimikan. "So, Iseah, you said na you are Liam's property right?" Tanong nito. Tumango si Iseah. "Yes." Ngiting ngiting sagot nito. "So, ibig sabihin. Ikaw 'yung girlfriend n'ya na nanghalik ng iba sa harap n'ya?" Painosenteng tanong ni Klea dahilan para tumigil sa akmang pagsubo ang lahat.. Lahat ay naka tahimik, walang kumakain sa amin. Pinakikiramdaman ang isa't isa. Ako lang yata ang kumakain sa aming lahat matapos ang sinabi ni Klea. Hindi sa nagugutom ako kaya hindi ako tumigil, wala naman kasi akong pakialam sa sinabi ni Klea. At isa pa, alam kong may maibabato si Iseah na linya kay Klea kaya nanahimik na lang ako. Tumigil ako sa pagkain, kumuha ako ng table napkin bago marahan na punasan ang aking bibig. Unti unting nawala ang magandang ngiti ni Iseah at unti unting kumurba ang kilay nito. "Oo, ako 'yon." Matapang na sagot ni Iseah. "So, ikaw pala 'yung Klea na namburaot sa Section G dati?" Balik na tanong ni Iseah, painosente. Sabay kaming naubo ni Amelia dahil sa sinabi ni Iseah. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti at tawa. Si Amelia naman ay tumawa ng nakaka inis. "Hahahahahahahahaha! Buraot! Buraot ka pala eh! Hahahahahaha!" Tawang tawa na sabi ni Amelia. Sinabayan naman s'ya ni Ethan. "Klea the Buraot!" Sabi ni Amelia bago na naman tumawa. Ako naman ay pinilit na magseryoso kahit natatawa na ako. Unti unting ngumiti si Klea kahit bakas sa kan'yang mukha ang matinding inis. Pikon! Tumikhim si Klea bago ngumiti. Hindi n'ya pinansin si Iseah at bumaling naman ito sa akin. Nagpatuloy sa pagkain ang mga hunghang. "So, Zaina, kumusta naman sa Section G? Masaya ka ba?" Tanong ni Klea na naka pagpatigil sa buong Section G. Kahit naka tingin sila sa pagkain nila ay alam kong pinakikiramdaman nila ako. "Ayos naman," Ngumiti s'ya kaya ngumiti ako ng plastic. "Masaya, masayang maloko, enjoy ang pagsisinungaling." Sabi ko na nakapag paubo sa mga hunghang. Napatango tango ito. "Ikaw ba 'yung babae na tumuhog sa tatlong lalaki?" Painosenteng tanong nito. Nakita ko sa hindi kalayuan na napa inom nang tubig ang mga hunghang ng wala sa oras. Si Spade naman ay naluwagan ang kan'yang neck tie. "No..." Mabilis kong sagot. Ipinatong ko ang dalawa mong siko sa mesa bago pagsiklupin ang aking kamay at ipinatong doon ang aking baba. "So, ikaw 'yung babae sa Section noon na tinuhog silang lahat?" "Tapos ikaw din ba 'yung babaeng nagloko kahit may boyfriend na?" "Tapos din ba 'yung babae na lumandi sa kaibigan ng boyfriend mo?" "Tapos ikaw din ba 'yung babaeng hindi naman pala minahal 'yung boyfriend mo?" "Ikaw din ba 'yung babaeng ginamit lang ang boyfriend para makakuha ng milyones sa Section?" "Ikaw din ba 'yung babaeng umalis at muling bumalik?" Sunod sunod na tanong ko dahilan para mag-ubuhan ang mga hunghang. Bigla akong nagsalita. "Sorry nacurious lang ako kaya ko natanong, hindi naman siguro ikaw 'yun 'diba?" Painosenteng tanong ko. Narinig ko ang bungisngis ni Amelia. "Hehehehehe. Ano ka ngayon. Hehehehe." Hindi naka sagot si Klea at nakipagtitigan lang ito sa akin. Nagpeke s'ya ng ngiti dahilan para ngumiti ako sa kan'ya ng matamis. Hindi ito sumagot at bumaling ito kay Spade. "Babe, magccr lang ako." Sabi ni Klea bago ilapit ang mukha kay Spade at mabilis na halikan si Spade sa labi dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Parang ang sarap magpadugo ng bunganga ngayon. Mabilis na umalis si Klea. Natahimik kami at wala ng naka galaw ng pagkain sa amin. Biglang bumulong sa akin si Amelia. "Wala silang relasyon ni Spade, si Klea lang ang nagpupumilit na makipag balikan kay Spade, ito namang si Spade ay ayaw n'ya. Ayaw na n'ya kay Klea, gusto na daw n'ya sa'yo." Bulong nito bago ako asarin. "Ayieeeeeeeeee! Ikaw daw gusto n'ya." Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Shut up." Inis kong sabi dahilan para mapatingin sa amin ang mga kasama namin sa mesa. "Ayieeeeeeeeeee!" Pang-aasar pa nito. "Isa." Seryosong pagbibilang ko. "Sabi ko nga titigil na, eh." Sabi n'ya bago uminom nang tubig pero natatawa pa rin. "Mga sir, ma'am. Ito na po ang lechon." Sabi nung isang... waiter? Bago ilapag 'yung isang buong lechon sa mesa namin. Gago? Bakit may pa lechon dito? Bakit may waiter din? "Sino po ba marunong maghati nang lechon? Gusto n'yo po bang ako na ang maghahati o kayo na po?" Magalang na sabi nung waiter. "Ako na." Sabi ko dahilan para mapatingin sila sa akin. "Hala ka, bestie!" "Huy, gagu ka, Zaina! Sayang dress mo!" "Po?" Mukhang nagulat pa yata si kuyang Waiter sa sinabi ko. Tiningala ko ito. "Ang sabi ko, ako na." Inis kong sabi bago agawin sa kan'ya 'yung... itak? Gagu? Bakit itak 'to? Hindi naman s'ya nakapalag nung kinuha ko 'yung itak sa kan'ya. Tumayo sa aking upuan. Medyo inusog naman ni Amelia at Iseah 'yung upuan nila palayo sa akin, lumayo din si kuyang Waiter. Mabilis kong itinaas 'yung itak bago malakas na ibagsak sa leeg nung baboy, habang ginigilitan ko 'yung letchon ay kita ko kung paano mapalunok ang Section G. Si Spade ay napapainom pa habang lalong niluluwagan ang neck tie nito. Isinunot ko naman ang katawan nito. Bawat paghati ko sa katawan nung lechon ay kita ko kung paano napapapikit 'yung iba at napapainom habang pinanonood ako. Maging si kuyang Waiter ay napapapunas ng kan'yang noo, malamig naman. Mabilis naman akong umupo nang matapos ako, lahat sila ay naka tanga sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit mga naka tingin kayo?" May pagsusungit sa boses ko kaya mabilis silang nagsiiwasan ng tingin. "Hi, babe. I'm back." Ngiting ngiti sabi ni Klea bago halikan sa pisngi si Spade. Bumaling naman si Klea sa amin. "Hi, guys. I'm back." Walang pumansin sa kan'ya kaya mahinang natawa si Amelia at Iseah sa tabi ko. "Why you took so long?" Tanong ni Spade bago hawiin 'yung buhok ni Klea sa humaharang sa aso n'yang pagmumukha. Wala sa sariling napadila ako sa loob ng pisngi ko bago hawakan 'yung bread knife at pinaglaruan. Narinig ko ang mahinang pagtawa nina Amelia at Iseah kaya sinamaan ko silang dalawa ng tingin. "Uhmm, naglabas lang?" Patanong na sabi ni Klea kaya dinugtungan ko ito. "Nang sama ng loob." Mahinang dugtong ko na tanging ako lang ang makakarinig. Palihim kong kinurot sa hita si Iseah at Amelia sa ilalim ng mesa dahil sa pagtawa nila, mukhang narinig nila 'yung binulong ko. Bumaling sa akin si Klea bago ilapag ang isang box na kasing laki ng box ng sapatos. Tinaasan ko ito ng kilay. "That's for you, that's my christmas gift for you, open it." Nakangiting sabi nito. Pinagkunutan ko muna ng noo si Klea bago kunot noong bumaling sa box na nasa harapan ko. Unti unti kong tinanggal ang balot no'n. At ng matanggal ko ay unti unti kong tinaas ang takip no'n. *Kokak Mabilis kong naisara ang takip nung box ng marinig ko ang tunog ng hayop na pinaka kinatatakutan ko. Bigla na namang sumikip ang dibdib ko at nahirapan na naman akong huminga. Napahawak naman ako sa balikat ni Amelia ng mahigpit. "I-I-I c-can't b-breath." Sabi ko dahilan para mataranta 'yung dalawa, maging ang mga hunghang. Nagsimula nang umiyak si Ethan habang tinatawag ang pangalan ko. Ang iba naman ay hindi alam ang gagawin. "Wait! What happend?" Tanong ni Klea. Mabilis na sinamaan ni Amelia ng tingin si Klea. Mabilis na lumapit si Amelia kay Klea at nagulat na lang ako nang malakas na sampalin ni Amelia si Klea. Mula sa ilalim ng mesa ay inilabas ni Iseah 'yung oxygen mask ko. Binuksan din n'ya 'yung maliit kong oxygen tank. Mabilis kong isinuot ang oxygen mask at mabilis na humigop ng hangin. Nangingilid na naman ang aking luha dahil pasikip ng pasikip ang dibdib ko at pahirap ako ng pahirap humirap. Tumulo na ang aking luha ng kaunting hangin na lang ang nahihigop ko. "s**t!" Mura ni Iseah. "Let's take her to the clinic." Tarantang sabi ni Iseah.. "Baby," Nasa gilid ko na pala si Spade. Hinaplos n'ya ang buhok ko bago hawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Shhhh, 'wag kang magmadali sa paghinga." Kalmadong sabi nito. "Inhale," sabi n'ya dahilan para sumigop ako ng hangin. "Exhale." Sabi n'ya dahilan para bumuga ako ng hangin. Lalo akong naluha at may kaunting hagulgol na ang nalabas sa akin. "I-Inhale," Napalingon ako kay Spade ng marinig ko ang basag nitong boses. "Ex... hale." Sabi n'ya sa mas basag na boses. Unti unti akong kumalma at nakaka hinga na rin ako ng maluwag. Niyakap ako ni Spade at bumulong. "I love you." _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD