Chapter 16

1556 Words
"What the hell is happening here?" Isang maatoridad na boses ang aming narinig mula sa labas ng aming silid. Sabay sabay kaming napatingin doon at nang makita namin kung sino ang taong iyon ay agad na akong umiwas ng tingin. Umapak ito sa sahig papasok dahilan para magbago ang ihip ng hangin sa loob. Unti-unting humarap si Gilbert sa kan'ya habang may nakakurbang ngisi sa kan'yang labi. Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Spade nang makita ang ito. "The the f**k---" Hindi na natuloy ni Spade ang kan'yang sasabihin ng makita n'ya ako. "What the f**k!" Sigaw nito bago dali-daling lumapit sa akin. Naglabas ito nang panyo bago punasan ang baba ko at ibang parte ng mukha ko. Kitang-kita ko na namumula ito sa galit pero pinipigilan n'ya na magwala. Nanginginig din ang kamay nito habang pinupunasan ako. "Are you okay?" Mahinang tanong nito. Hindi ako sumagot dahil nakakatamad. "What the hell is happening here?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Napunta kay Klea'ng malandi ang aking paningin nang umapak ito papasok. Kunot noo n'yang tinignan kaming lahat at nang mapunta kay Gilbert ang kan'yang paningin ay bumalandra ang pandidiri nito dito. "And who are you?" Tanong nito habang nakataas ang kan'yang kilay. "Gilbert," "Why are you here?" Saglit akong tinignan ni Gilbert habang nakangisi bago ibalik kay Klea'ng maharot ang tingin na ngayon ay nakataas na ang kilay habang nakatingin sa akin. "Visiting my girlfriend." "Walang tayo, tanga." Lumaki ang mata ni Klea'ng makati. "Oh my god!" Maarteng sabi nito. "Are you cheating on Arthur?!" Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman ako magche-cheat sa kan'ya?" "Dahil may boyfriend ka na pala." Umikot ang mata ko dahil sa iritasyon. "May boyfriend naman talaga ako, and he's name is Arthur." Tumaas ang kilay nito. "Ikaw, may boyfriend ka na 'di ba?" Saglit kong sinulyapan si Spade na nakatintin sa akin. "Bakit mo nilalandi si Arthur?" "Damn." Hindi nagsalita si Klea'ng talipandas kaya nagsalita ako. "Hindi na pala ako magtataka kung nilalandi mo si Arthur. Literal ka kasing malandi." Sabi ko bago ngumisi sa kan'ya nang makita ko na kumuyon ang kamay nito. Napunta kay Gilbert ang paningin naming lahat nang pumalakpak ito. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko. "Very well, Zaina." Lumawak ang ngisi nito. "Hindi ka pa rin nagbabago, magaling ka pa rin mang real talk." "Hindi ka pa rin nagbabago, pangit ka na nga noon. Lalo ka pang pumangit ngayon." Narinig ko ang bungisngisan ng mga hunghang. Maging si Spade ay narinig ko ang bungisngis nito. Nakita ko na umigting ang panga nito. Susugod na sana ito sa akin nang biglang may humarap na dalawang lalaki sa kan'yang daraanan. Isang lalaking may kulay pulang buhok at isang lalaking may kulay tsokolateng buhok. Lucas... David... "Don't," Panimula ni Lucas. Agad naman na nagsalita si David na mabilis na sinundan ni Spade. "You dare," "Touch my girl." Sabi naman ni Spade bago humarang sa aking harapan. Lalong nag-iba ang ihip ng hangin dito sa loob dahil sa kanilang mga tingin. Hindi ko man makita pero alam kong nakikipag patagalan sila ng titig kay Gilbert. Mabilis na nagsalita si Klea'ng makati. "What?! Spade! I'm your girl! Not her!" Sigaw ni Klea'ng pilingera habang nakaturo sa akin. Tumaas ang kilay ko. Nang magsalubong ang aming tingin ay inirapan ko ito. "Shut up!" Hindi na nagsalita si Klea'ng susu lang ang malaki pero masama ang tingin sa akin nito. Tinaasan ko muli ito ng kilay bago ngisian. Narinig ko ang matunog na pagngisi ni Gilbert. "Ang dami namang nagmamahal sa'yo, Zaina." "Tsk! Kamahal mahal kasi ako." "Pero ano kayang gagawin mo kung isa isa ko silang singilin para sa kasalanan mo." "Wala akong utang kaya wala kang sisingilin." Inis akong umirap. "At kailan ka pa naging maniningil?" "Zaina---" Mabilis akong sumilip mula sa likudan ni Spade ng marinig ko ang boses ni Arthur. "Zaina!" Mabilis itong pumasok at naglakad papalapit sa akin. Kitang kita ko ang pag-aalala na biglaang bumalandra sa kan'yang mukha. "Anong ginagawa mo dito?" "The f**k. 'Yan pa talaga ang iniisip mo? Kung bakit ako nandito?" May inis sa boaes nito. "Bakit hindi mo isipin ang kalagayan mo? Ano bang nangyari?" Tanong nito bago hubarin ang kan'yang coat at ipasuot iyon sa akin. "You are Arthur, right?" Tanong ni Gilbert. "I guess." Mabilis na napunta kay Gilbert ang paningin ni Arthur. Mabilis rin na nagsalubong ang kilay nito. Hinawakan ako ni Arthur sa braso bago higitin papunta sa kan'yang likuran at hinarap si Gilbert. "Who are you?" "I'm Zaina's boyfriend." "Hoy! Hindi! Matagal na kayang walang tayo!" Mabilis na dipensa ko. Mabilis na umepal si Klea'ng kulang sa aruga. "See, Arthur? I told you, she cheated on you!" "Hoy! Klea'ng nasa s**o ang utak! Kailan pa ako naging ikaw?" Hinarap ko ito bago pagkrus-in ang aking braso. "Harap-harapan na lumalandi sa harap ng boyfriend." "Wala kang alam!" "Marami akong alam." "Can you please both of you stop?" Sabi ni Arthur na halatang sumasakit ang ulo sa aming dalawa ni Klea'ng malaki ang cocomelon. Hinarap s'ya ni Klea'ng kinulang sa aruga. "I trusted you, Arthur! I trusted you!" Biglang sigaw ni Klea'ng mega phone ang bunganga. Mabilis na nangunot ang noo ko sa sinasabi ni Klea'ng nasiraan na ng bait. "Naniwala ako sa'yo! Naniwala ako sa'yo dahil nangako ka na hindi ka mahuhulog sa kan'ya!" Sigaw ni Klea'ng walang filter ang bibig. Mabilis na nangunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi nito? "Klea, can you please stop?" Tanong ni Arthur bago pumameywang at hilutin ang sintido. Nakakunot ang noo ko habang nagpapalit palit nang tingin sa kanilang dalawa. Eh? "Stop! Ha! You shut up!" Sigaw pa nito. "Gusto mo bang sabihin ko sa pinaka mamahal mong babae na 'yan! Kung bakit ka pumasok sa buhay n'ya!" Lalo akong naguluhan sa sinabi n'ya lalo na nung magsimula na s'yang umiyak. Umabante si Arthur papunta kay Klea'ng iyakin ngunit umatras lamang ito dahilan para lalong maguluhan ang mabulate kong isipan. "No! Stop! Hanggang d'yan ka lang, Arthur!" Humarap si Klea'ng talipandas sa akin. Ngumisi ito. "Let me tell you a secret, Zaina." Binalingan n'ya muna si Arthur ng tingin bago ngumisi at muling ibalik sa akin ang tingin. "Arthur---" "Klea, please." "--- used you. He used you. Ginamit ka lang n'ya para mapalapit s'ya sa'yo. Alam mo ba? We have a relationship. Bago mo s'ya maging boyfriend ay may relasyon kami at hanggang ngayon ay may relasyon kami. So, kabit ka lang." Ngumisi ito bago humarap kay Arthur na ngayon ay nakayuko na habang nakakuyom ang kamao. "Kinuha n'ya ang atensyon mo para mahulog ka sa kan'ya. At pagkatapos--kapag hulog na hulog ka na sa kan'ya. Iiwanan ka n'ya sa ere para madurog ka muli. Wala sa plano namin na mamahalin ka ni Arthur! Pero ang gago! Nahulog din sa'yo!" Matagal na katahimikan ang namutawi sa silid bago ko narinig na humalakhak si Gilbert. "Marami ngang nagmamahal sa'yo pero hindi lahat nagtatagal." "Manahimik ka kung ayaw mong saksakin ko ang ngala-ngala mo ng pocket knife na dala-dala ko hanggang sa esophagus mo." Seryosong sabi ko. Binantaan na lahat lahat ang gago pero hindi pa rin ito tumigil sa pang-aasar sa akin. "Lahat ng tao na nakapaligid sa'yo. Niloloko ka lang." Hindi ito tumigil kaya naman sa sobrang galit ko ay mabilis kong kinuha ang aking pocket knife na nakatago sa aking binti bago iyon ihagis sa kan'ya at agad naman iyon na tumama sa kan'yang balikat na ikinagulat nila. "Isa pang salita mo, sa noo at leeg mo na tatama ang kasunod n'yan." Seryosong sabi ko bago maglakad palabas. Binunggo ko muna ang braso ni Arthur bago ako lumabas. --- Nandito ako ngayon sa may burol. Kung saan ako dinala ni Spade no'n. Nakaupo ako sa ugat ng puno habang nakasandal ang aking likod sa trunk ng puno. Gabi na at madilim. Nakatanaw ako sa mga kabahayan sa ibaba. Dahil sa mga ilaw ay para akong nakatanaw sa langit dahil sa mga nagkikislapang ilaw. Napaiyak na lang ako sa nalaman ko dahil niloloko lang pala ako ni Arthur. Sa mga nagdaang araw ay puro panloloko lang naman pala. Pati ang pagiging sweet n'ya sa akin ay panloloko lang rin. Buti na lang hindi ako na fall sa kan'ya. Hehehe. Umiiyak ako kasi naloko na naman ako. Sa napakaraming pagkakataon, naloko na naman ako. Bakit ba kasi ang bilis kong magtiwala? Ilang beses na akong naloloko pero hindi nadadala sa nangyayari sa akin. Umihip ang malakas na hangin na dahilan para yakapin ko ang aking sarili. Wala nga pala akong dalang jacket, 'yung blazer ko naman ay hindi ko nadala. Iniwan ko sa class room. "Feeling cold?" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa nagsalita. Hinunad nito ang blazer n'ya bago iyon ipatong sa likudan ko. Hindi na ako umangal dahil nilalamig na talaga ako. Hindi ako sumagot kaya narinig ko ang buntong hininga nito. Umupo ito sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nagpupunas nang luha. "Hinahanap ka." "Bakit?" "Kasi gusto ko lang, gusto lang kitang hanapin." Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa ako na ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "David, tanga ba ako?" Kumunot ang noo nito. "What?" "Kasi kahit alam kong paulit-ulit na akong naloloko hindi pa rin ako nadadala. Nagtitiwala at nagtitiwala pa rin ako." "Can I asked?" Tumango ako. "Sure." "Bakit hindi na lang ako?" _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD