Mabilis akong napalingon kay David nang itanong n'ya iyon. Nang lingunin ko ito ay nakatunghay ito sa akin.
"Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko, naguguluhan.
"Hindi mo ba napapansin?"
"Na ano?"
"Na mahal kita." Para akong pinitik ni Kingkong sa aking narinig mula sa bibig ni David. Hindi ako makapag salita dahil hindi pa napoproseso sa utak ko.
Loading.....
"H-Hindi kita maintindihan." Naiiling kong sabi, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin.
Bumuntong hininga ito. "Gan'yan ka na kamanhid?" Nangunot ang noo ko. "Mahal kita..." Napakurap kurap ako. "Simula pa nung una."
Love at first sight?
"Hala ka." Mahinang sabi ko. Hanggang ngayon ay loading pa rin ako. "P-Pero, 'di ba may girlfriend ka?"
"We broke up because of you." Sinampal ako ng katotohanan na hindi magiging kayo ng mga fictional characters na gusto n'yo.
"B-Bakit ako? Hindi naman ako kabit, hindi ba?"
Umiling ito. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Akala ko kabit ako, eh.
"These fast few months before we broke up, i've been cold to her. And it's because of you." Hala! Bad influence yata ako sa mga may jowa. "She's starting suspicious over you and me. She thought we have a secret relationship. Until one day, I confessed to her, that I love someone," Bumuntong hininga ito. "Who can't be mine."
Hala?
"David..."
"I told her that you didn't fault, alam ko rin naman na matagal na n'ya akong niloloko. She cheated on me."
"Pero...... bakit hindi mo pa hiniwalayan nung nalaman mo?"
"Nanghinayang ako, akala ko kasi hihiwalayan n'ya 'yung kabit n'ya."
Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa baba ng burol kung saan maraming nagkikislapan.
Yawa! Ang guguwapo na nga nung mga hunghang nagawa pang lokohin, tsk tsk tsk.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko matapos ang mahabang katahimikan. Umiling ito.
"Gusto pa kitang makasama," Hindi ako sumagot. "Alam ko rin naman bukas na hindi na naman ako makakalapit sa'yo."
"Bakit?" Tanong ko dahilan para lingunin ako nito. "Bakit ako? Bakit sa dinamiraming babae sa paligid, bakit ako?" Tanong ko.
"Your the only girl, but your different."
Tumango-tango ako. "Can you please answer my question?"
"A-Ano bang tanong mo?"
"Bakit hindi na lang ako?
Umiling-iling ako habang nakayuko. "H-Hindi ko rin alam, hindi ko alam." Hindi ko rin naman kasi talaga alam.
"Kung nauna ba ako sa kan'ya. Ako ba ang pipiliin mo?" Napalingon ako sa kan'ya. Nakatunghay muli ito sa akin. Halo-halong emosyon ang nababasa ko sa kan'yang mata. Lungkot, takot, pagod.
"David..."
"Kung nauna ba akong umamin kaysa sa kan'ya ako ba ang pipiliin mo?"
"Please..."
"Ako ang nauna pero bakit s'ya ang pinili mo?"
"Tama na..." Pagmamakaawa ko.
"Alam kong wala na akong pag-asa pero umaasa pa rin ako." Nangilid ang luha ko.
"Na kahit katitinting lang, sama may maramdaman ka rin para sa akin."
Kusang pumatak ang luha ko. Hindi dahil sa pag-amin n'ya kundi sa mga sinasabi n'ya. Na kahit alam n'yang wala ng pag-asa, umaasa pa rin s'ya.
"Kung hindi mo s'ya nakilala at hindi ka n'ya nakilala, sa akin ka na kaya?"
Tama na....
"Mahal kita pero mahal mo s'ya. Anong silbi ng pagmamahal ko kung hindi ako ang mahal mo?"
"Masasaktan ka lang..."
"Araw araw naman akong nasasaktan."
Nagpunas ako ng luha. "Marami pa naman d'yan."
"Maraming babae ang nasa paligid pero mahirap maghanap ng isang katulad mo." Naiiling na sabi nito habang may maliit na ngiti na nakakurba sa kan'yang labi. Ngiti na puno ng lungkot.
"Gutom lang 'yan, David."
"Gutom sa pagmamahal mo."
Yawa!
Nilingon n'ya ako at tumingin sa noo ko na may putok. Tumama kasi 'yung noo ko sa kung saan kanina nung hinagis ako ni Gilbert, hindi ko naman alam na may sugat na pala ako.
Tumayo ito kaya napaangat ako nang tingin sa kan'ya. "Wait for me, I've buy some food for us." Sabi nito bago maglakad. Tumango lang ako habang nakasunod ang aking tingin sa kan'ya.
Pagbalik n'ya ay inilapag n'ya sa harapan ko ang mga pagkain. Jollibee! Imbis na coke, chuckie!
Huwaw!
Nagningning ang aking mata at pumalakpak naman ang aking tainga ng dahil sa tuwa.
Sana all, pumapalakpak ang tainga.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ko habang kumakain kami at nakatamaw sa ilaw sa ibaba.
"I don't know, pupunta naman talaga ako dito para magpahangin pero nakita kita. Lucky me."
"Beef o chicken?" Tanong ko dahilan para matawa ito. Napangiti ako.
"Do you like?" Tanong nito dahilan para mabulunan ako. Naging sunod-sunod ang pag-ubo ko kaya naman nataranta na si David at lumapit sa akin. "The fuck." Hinagod nito ang likod ko bago buksan ang mineral water at ipainom sa akin. "Are you okay?" Tanong nito ng mahimasmasan ako.
"Bakit ba kasi bigla bigla kang nagtatanong ng gan'yan?"
"I just want to know."
"Eh, ano naman kung crush kita?" Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ko. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig.
Kinginang bunganga 'to! Walang filter.
Matagal na nakatitig sa akin si David bago unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Really?"
"Anong really?"
"Do you like me?"
"May sinabi ba ako? Wala naman ah!" Mabilis kong tanong dito bago umiwas nang tingin.
'Yan ang napapala ng walang filter ang bunganga.
"Okay," Napatingin ako sa kan'ya, nakangiti pa rin ang loko. "Kunwari hindi ako naniniwala." Nakangiti nitong sabi na ikinabusangot ko.
May sinabi ba ako? Wala naman, 'di ba?
"Kapag tapos mong kumain, gagamutin ko sugat mo."
"Boyscout ka ba?"
"Nope. I'm not boyscout but I'm always ready for you." Banat nito, ngiting ngiti ang loko.
Aba'y sana lahat!
"Turn to me," Sabi nito nang umupo ito paharap sa akin para gamutin ang sugat ko. Humarap naman ako sa kan'ya pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata n'ya.
"Balak mo bang magnurse?" Tanong ko habang nakatingin sa kan'ya habang tumitingin s'ya sa dala-dala n'yang first aid kit.
"Nope. I'm planning to ba a lawyer,"
"Bakit lawyer?"
"I don't know," Nagkibit balikat ito. "What's your plan?"
"Mag i-engineer ako, kung hindi papalarin mag-aasawa ng engineer." Sabi ko bago ngumiwi.
"I'm planning to take Lawyer--engineer."
Tinignan na n'ya ang noo ko bago hawiin ang buhok ko at dampian n'ya ng bulak ang aking noo. Hindi naman masakit pero medyo mahapdi lang.
Kung saan saan napupunta ang aking paningin habang ginagamot ako ni David. Nararamdaman ko kasi nasa akin s'ya nakatingin at hindi sa sugat ko.
Punyawa! Nakakailang!
Nakahinga lang ako ng maluwag ng alisin n'ya ang tingin sa akin at kabitan ang noo ko ng band aid.
Sundo naman n'yang ginamot ang gilid ng mata ko dahil may gasgas doon. Wala naman akong dalang cell phone kaya hindi ko makita.
Punyawang Gilbert 'yan.
"Why didn't fight back?" Tanong nito na may halong inis. Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses n'ya na may halong inis. Palagi kasing kalmado ang boses n'ya.
"Kahit lumaban ako, talo pa rin ako. Malakas s'ya at mas lalo pa s'yang lumakas."
"I thought his in jail?"
"'Yun din ang alam ko, hindi ko alam kung bakit s'ya nakalaya pero sigurado ako na may kinalaman si Hitara sa kung bakit nakalaya si Gilbert."
"They told us, that there's something wrong at your action earlier," Panimula ni David, patukoy sa hunghang. "Scary. Parang hindi s'ya 'yung Zaina na nakilala ko. Nakakatakot. Tumayo balahibo ko. Nakakakilabot. Nakakatakot pero ang cool n'ya. She's a silent killer too." Natahimik ako at hindi makapag salita.
"Eh ano naman? Kalahati pa lang ng sikreto ko ang nalalaman n'yo. Hindi n'yo pa ako lubusang kilala kaya hindi na ako magtataka kung magugulat at matatakot kayo sa akin."
"Big secret, huh."
"Oo, marami akong sikretong nakakubli, kaya kung ako sa inyo. Lumayo kayo sa akin."
"I don't care about your identity. The important is I love you."
Naka drugs si David o 'di kaya ay naka singhot ito ng katol at rugby.
"Psh. Antok lang 'yan, David."
"Can you create a nick name for me?" Nangunot ang noo ko.
"Para saan naman?"
"I'm jealous when you create a nick name for Spade. Kaya dapat mayroon rin ako." Matagal akong nanahimik at nag-iisip ng nick name for David.
Pumitik ako sa hangin ng may maisip ako.
"Alam ko na!"
"What?"
"Brownie!" Mabilis na nagsalubong ang kilay nito.
"Ano ako? Aso?"
"Huh? Hindi ah!" Mabilis kong dipensa.
Bakit naman aso? Sabi n'ya create a nick name for him, nagcreat naman ako, ah.
"Kay Spade ube tapos ako pang aso, that's unfair." Nagrereklamo nitong sabi. Kalmado ang boses nito pero mukha s'yang nagtatampo.
"Ayaw mo ba?" Tumango ito. Nag-isip uli ako. Ano bang maganda? "Davido?"
"Nah."
"Bronies?"
"Nah."
"Periking?"
"Nah."
"David Brown?"
"Nah."
"Ano bang favorite color mo?"
"Green."
"Eh di Green na lang."
"Okay." Tumango tango ito habang ginagamot ang sugat ko.
'Yun lang? Wala na s'yang ibang sasabihin?
Pinagpatuloy lang n'ya ang paggamot sa mga sugat ko hanggang sa dalawang gilid na ng labi ko ang ginagamot n'ya.
"Punyawa, masakit." Sabi ko ng madiinan n'ya ang sugat ko. Mabilis naman s'yang humingi ng pasensya sa akin.
Pumikit ako ng makaramdam ako ng antok. Agad din akong nagdilat ng mata ng maramdaman ang pagtitig sa akin ni David at ang paghinto nito sa paggamot ng sugat ko.
Mabilis na nagtama ang tingin naming dalawa.
"Bakit?" Tanong ko pero hindi ito sumagot. "Ayos ka la---" Nagulat ako nang hawakan n'ya ang pulsuhan ko at higitin palapit sa kan'ya bago hawakan ang batok ko at hinigit ako.
The next thing I knew.
Magkadikit na ang labi namin sa isa't isa. Nanlalaki ang aking mata habang s'ya ay nakapikit at nakahawak sa batok at panga ko.
Hinalikan ako ni David!
_______________________________________________________________________________