Chapter 18

1476 Words
Sabay sabay kaming napatingin sa may pintuan nang may tumawag sa akin. Pagtingin ko ay si Kuya Kairon. Mabilis akong tumayo para lapitan s'ya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko bago sumandal sa hamba ng pinto at seryoso itong tinignan. Napaatras ako nang bigla itong humagulgol. "Xiào mèimèi! Huwaaaaaa!" Iyak nito habang pumapadyak sa sahig. Mabilis naman na nangunot ang noo ko habang ang mga hunghang naman ay tumatawa, nangunguna pa si Ethan na kinukuhan pa si Kuya Kairon ng video. Siraulo talaga. "Huwaaaaaaaaaaa!" Iyak pa nito. Sumandal ito sa pader at nagpadausos pababa. "Umayos ka nga, Kuya, para kang tanga." Kunot noong sabi ko. Pero lalo lang nagsalubong ang kilay ko nang lalo itong humagulgol. Nagulat pa ako ng may makita akong luha sa pisngi n'ya. Tapos 'yung maktol n'ya naging iyak na talaga. Humagagulgol na s'ya habang umiiyak. Nagsisimula na akong kabahan sa inakto n'ya. "Kuya, ano bang nangyari? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Hindi ito sumagot at umiyak lang. Ang mga hunghang naman ay napatigil na sa pagtawa. "X-Xiào mèimèi..." Sabi ni Kuya bago magpunas ng luha pero muli iyong pumatak. Sobra na talaga akong nag-aalala kasi ngayon ko lang s'ya nakitang ganito. "Ano? Hindi mo ba sasabihin? Naiinis na ako." Seryosong sabi ko pero ang totoo ay hindi naman dahil nangunguna sa akin ang kaba dahil sa inaakto n'ya. "S-Si... Baby A-Amira. Patay na s'ya.". Para akong sinampal ng isang dosena dahil sa aking narinig. Hindi ako makagalaw at makapag salita habang nakatingin kay Kuya Kairon na ngayon ay nakayuko na habang umiiyak. "K-Kuya .... " Nangingining ang boses ko habang nakatingin sa kan'ya. "Joke ba 'yan?" Umiling-iling ito. Nagsimula ng mamuo ang aking mga luha. "N-No..." Napalobo ko na lang ang bibig ko para pigilan ang luha ko kaso traydor ito. Sunod sunod silang nagbagsakan at parang nag-uuhan. Napaupo na lang ako sa sahig at tahimik na umiyak. "Someone shot her in chest." Sabi ni Kuya Kairon dahilan para maikuyom ko ang kamao ko. "B-Before s-she died, s-she searching you. S-She said s-she miss you." Tumayo si Kuya Kairon bago magpunas ng luha. Walang sabi sabi na umalis ito. Ramdam ko ang tingin ng mga hunghang sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Nakayuko lamang ako habang tahimik na umiiyak. Amira.... "Condolence, Zaina." Dinig kong sabi ni Rocky at narinig ko rin ang pagsinghot nito. Nagcondolence na rin ang iba pero hindi ko na sila pinansin. Hanggang ngayon at nanghihina pa rin ako. Hindi ako makatayo dahil nanghihina ang tuhod ko sa nalaman ko. Bakit si Amira pa? Bakit? Unti-unti kong tinaas ang aking tingin ng may makita akong isang pares ng sapatos ang tumigil sa aking harapan. Lumuhod ito at pumantay sa akin. "She's at peace right now." Sabi n'ya habang pinupunasan ang luha ko sa aking pisngi pero patuloy lamang ito sa pagbagsak. "She's gone. My baby is gone." Hindi na lang s'ya nagsalita at niyakap na lang n'ya ako nang mahigpit. Wala na akong nagawa kundi humagulgol na lang sa balikat s'ya. "B-Bakit s'ya pa? B-Bakit?" Tanong ko kay Spade habang umiiyak pa rin ako sa balikat n'ya. Hindi ito sumagot ngunit hinaplos na lamang n'ya ang buhok ko. "W-Wala na a-akong baby Amira," Sabi ko bago muling humagulgol. "Shushhhh." "God take her from me, it hurts." Sabi ko. Naramdaman ko na hinalikan n'ya ang ulo ko pero hindi ko s'ya pinansin. "Let's make a new baby," Tangina nga naman! --- Tulala lang ako habang nakatingin sa picture ni Amira na nakapatong sa kabaong. Nang malaman ko kasi na patay na si Amira ay mabilis nilang inasikaso ang burol nito. Nandito kami mansion ni Lolo Emanuel, dito nila napiling iburol si Amira kahit ayaw ko. "Zaina, kumain ka na." Sabi ni Iseah sa akin bago umupo sa may tabi ko. "Matulog ka na rin, ilang days ka nang hindi nags-sleep." Dagdag naman ni Mingyu bago umupo sa may kabila ko. Tatlong araw na simula ng malaman ko na patay na si Amira, ilang araw na akong walang kain at tulog. "Iwan n'yo muna ako." Seryoso kong sabi. Nagkatinginan muna sila bago bumuntong hininga at tumango bago muli ako iwanan. Maya-maya ay si Lola Cynthia naman ang lumapit sa akin. "Apo," "Lola." Kinuha n'ya ang kamay ko bago may ipatong doon. Napatingin ako sa palad ko. Isang papel. Nakatuping papel. Magtatanong pa sana ako nang magsalita muli ito. "Letter from your baby." Magtatanong pa sana ako kaso bigla itong tumayo at naglakad palayo. "Zaina..." Napatingin ako sa likudan ko ng marinig ko ang boses ni Ethan. Pagtingin ko ay nandoon ang lahat ng mga Section G. Mga nakaitim sila at nakatingin sa akin. "Conolence, Zaina. Nakikiramay kami." Sabay sabay nilang sabi. Tipid ko lang silang binigyan ng ngiti bago tumango at humarap muli sa unahan. Tinabi ko muna ang sulat na galing kay Amira bago muling tumulala sa unahan. Napaangat ako nang tingin nang may humawak sa balikat ko. Mabilis akong tumayo ng makita kung sino ito. "Hiro...." Nginitian n'ya ako. "Condolences, Zaina." Sabi n'ya. Mabilis akong ngumuso bago yumuko. Naiiyak na naman ako. Hinila n'ya ako papalapit sa kan'ya bago yakapin. Doon na ako mahinang humikbi. "Shhhh, stop crying little cry baby." Sabi n'ya bago hagudin ang likod ko. Lalo lang lumakas ang hikbi ko. Sa loob ng dalawang araw ay hindi ako umiyak. Pinigilan kong huwag umiyak kahit gusto ko na talaga. "She left me," I said, sobbing. "I know, I know, it's hard for me, too." Lalo lang lumakas ang hikbi ko kaya hinigpitan n'ya ang yakap sa akin. Nakaramdam naman ako ng may mga matang nakatingin sa amin ni Hiro pero hindi ko na iyon pinansin. "Have you eaten?" Tanong n'ya matapos kong humiwalay sa kan'ya. Umiling ako. "Wala akong gana." "Natulog ka?" "I haven't slept." "Let's eat." Akmang hihilahin n'ya ako nang umatras ako. Tinaasan n'ya ako ng kilay kaya umiling ako. "Wala akong gana." Sabi ko bago umupo. Bumuntong hininga ito bago umupo. "You almost killed your self, Zaina. Papatayin mo ba ang sarili mo?" May inis sa kan'yang boses. "Akala mo hindi nakakarating sa akin ang mga nangyayari sa'yo dito?" "Manahimik ka, Hiro." Biglang dumating si Tito Larro kasama si Tita Lara at lola Cynthia. "Hija, magpahinga ka muna." Sabi ni Tita Lara pero umiling lang ako. "Hindi pa po ako pagod." "Ilang araw ka nang walang kain at tulog." "Kaya ko pa po." "Apo, kami na muna ang bahala sa mga bisita mo." Sasagot na sana ako pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Ampon po ba talaga ako?" Mabilis na nabalot ng katahimikan ang buong paligid dahil sa biglaang pagtatanong ko. "H-Hija, s-saan mo naman nakuha i-iyan?" "Kay Kuya Zenvy po, sinabi n'ya po sa akin 'yon nung nag-away kami." Tiningala ko silang tatlo. "Ampon po ba talaga ako?" Mabilis silang nagsiiwasan ng tingin. "Zaina, magpahinga ka na." Hinawakan ni Hiro ang kamay ko. "Totoo nga? Ampon ako." Sabi ko. "Bakit naglihim kayo? Bakit hindi n'yo sa'kin sinabi?" Mabilis na nanlabo sila sa aking paningin dahil sa muling pamumuo ng luha sa aking mata. "Hindi namin gustong ilihim sa'yo 'yon." Panimula ni Tita Lara, halatang kabado. "Tinago lang namin sa'yo kasi alam naming masasaktan ka." "Masasaktan?" Panimula ko. "Sa lagay po ba nito hindi ako nasasaktan?" "Zaina, sto---" "Kaya po ba hindi maganda ang trato n'yo sa akin simula pa lang?" Umiwas na naman ito ng tingin. "Kasi alam n'yong ampon ako?" "H-Hindi naman sa gano'n?" "Puwes, ano po?" Mariin ko itong tinignan, hindi s'ya nakasagot. "Sino po ba talaga ang magulang ko?" "Iniwan ka lang sa amin, Apo." Sabi ni Lola Cynthia. "B-Babalikan pa po ba n-n'ya ako?" Doon na nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Hinarap ako ni Hiro at pinunasan ang luha ko. "Shhhhh, stop crying, little cry baby." Sabi ni Hiro. Niyakap n'ya ako kaya muli akong sumagulgol. "Shhhhh." Pagpapatahan pa nito. Nakaramdam ako ng mga matatalim na tingin pero hindi ko na lang iyon pinansin. "A-Ayoko na, I-Im tired," Humihikbi kong sabi. Naramdaman ko na hinalikan nito ang ulo ko bago ako yakapin nang mahigpit. "It's okay," "No. It's not okay." "I know, It's hard to accept that your-- you know." "I wanna see my mother, my biological m-mother." "You never change, you still a cry baby." He chuckled. "I don't care." "You're so cute." "I know." Doon lumakas ang tawa n'ya kaya naman lalo akong naiyak. Punyeta ka, Hiro. Naiinis ako sa tawa n'ya kaya naman kinurot ko ang tagiliran n'ya. "Aw!" "Buwisit ka." Sabi ko bago magpunas ng luha. Ngumiti ito nang malaki sa akin. "Now, you're smiling." Inirapan ko ito bago umupo muli. Narinig ko pa na tumawa muna ito bago umupo sa tabi ko. Inakbayan ako nito bago ipatong ang ulo ko sa balikat n'ya. "Feel better?" "No." "How love can ease the pain of yesterday?" Seryosong tanong nito. Kunot noo ko itong sinilip. "Talon ka sa building." ____________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD