Chapter 19

1588 Words
Sabay sabay kaming napatingin sa may pintuan ng may marinig kaming pamilyar na boses. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at hinarap ang lalaking may puting buhok at may kalakihan ang katawan. May subo subo din itong tabaka sa kan'yang bibig habang nakangisi. "Armando...." Sabi ni Tito Larro, mababakas dito ang kaseryosohan habang nakatingin sa aking butihing ama. Ama amahan.... Tinanggal nito ang kulat tsokolate nitong salamin sa mata. "Larro! Kapatid ko!" Akmang yayakap ito kay Tito Larro nang umatras ito. "Bakit ka nandito?" Ngumiti ito bago ilipat sa akin ang tingin. "Anak ko," Akmang lalapit ito nang umatras ako dahilan para matigilan ito. "You. Are. Not. My. Father." Matigas at seryoso kong sabi. Matagal itong nakatingin sa akin bago tumawa. "Alam mo na pala?" Nakangiti nitong tanong. "Na ampon ka." Pagpapatuloy nito. "Armando," Boses iyon ni Lola Cynthia, katabi si Tita Lara. Lumapit si Lola Cynthia dito. Akala ko ay yayakapin nito ang aking amaamahan ngunit isang malakas na sampal ang tumama sa kulubot nitong balat. "Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito, Armando. Pagkatapos mong iwanan ang asawa at anak mo. Anong karapatan mo na bumalik pa dito?" Nangigigil na sabi ni Lola Cynthia. Akala ko ay magagalit ito ngunit tumawa ito. Hindi nito pinansin si Lola Cynthia at humarap ito sa akin. "Nabalitaan ko na namatay daw ang anak anakan mo," Kumuyom ang kamao ko. "Masyado ka kasing pabaya." Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko matapos n'yang sabihin iyon. "Lahat ng taong lumalapit sa'yo, napapahamak." Ngumisi ito. "Kaya dapat sa'yo. Layuan." "Tatantanan mo na ang bata, Armando!" Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang narinig na tumaas ang boses ni Tito Larro. "Bakit, Larro? Ipagtatanggol mo rin ba ang batang ito?" "Kung hindi mo kayang irespeto ang patay, umalis ka na." Sabi ni Tita Lara. Hindi s'ya pinansin nito. "Oo," Mabilis na sagot ni Tito Larro. "S'ya ang kayamanan ng angkan." Sagot nito dahilan para maguluhan ako. Kayamanan ng angkan? Tumawa ito. "Kayamanan?" Muli itong tumawa. "Paanong kayamanan ang sinasabi mo, Larro? Kayamanan o kamalasan ng pamilyang ito?" Lalong dumiin ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Lahat ng taong lumalapit sa batang iyan ay napapahamak! Maging ang asawa ko!" "Hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang asawa mo!" Biglaang sabi ko. "Ikaw ang may kasalanan! Alam mo kung bakit? Dahil iniwan mo kaming dalawa sa kamay ng mga kasosyo mo na inutangan mo na hindi mo nabayaran! Natiis mo kaming dalawa ni Mommy sa kamay ng mga hayup na 'yun?" Sumama ang tingin nito sa akin. "Alam mo ba kung anong p**********p ang ginawa nila kay Mommy para mapagbayaran ang napaka laking utang mo?" "Tumigil ka." "Pinagsamantalahan nila ng paulit ulit sa harapan ko si Mommy. Sinasaktan nila. Hindi pinakakain. Hindi pinaiinom. Pinahihirapan. Nilalatigo. Nilulunod sa isang drum ng tubig. Sunusuntok. Sinisipa sa sikmura. Lahat ng paghihirap na alam nila, ginawa nila kay Mommy na ikaw dapat ang nakakaranas at hindi kami." "Tumigil ka na!" "Ngayon!" Tumigas ang boses ko at lumamig ito. Maging ang emosyon ko ay nawalan at naging blangko na lamang ito. "Sino ang may kasalanan sa ating dalawa. Ikaw o ako?" Ngumisi ako ng hindi ito sumagot. "Ikaw." "Sinabing tumahimik ka!" Napaatras sila ng maglabas ng b***l ang mga tauhan nito. Mabilis hinatak ni Tito Larro sila Lola Cynthia at Tita Lara papunta sa taas habang si Hiro naman ay humarang sa harapan ko. Mabilis na nagsalubong ang kilay ng mga hunghang ng makita nila ang ginawa ni Hiro. "Stay at my back, Zaina." Seryosong sabi nito. Lalong nagsalubong ang kilay ni Spade at Lucas. "Anong ginawa mo?" Kunot noong tanong ko habang nakatingin sa malapad n'yang likod. "Protecting you," Eh? Hindi na ako sumagot. Yumuko at kinapa ang ilalim ng habang upuan na inuupuan ko kanina. Nang makapa ko ang ang paborito kong armas ay umayos ako ng tayo at tinago iyon sa likod ko. "Nasisiraan ka na ba ng bait, Armando?! Ha!" Galit na sabi ni Tito Larro ngunit walang bakas ng pangamba sa boses nito. "Larro, hindi. Hindi ako nasisiraan ng bait." "Kung gano'n. Ipababa mo sa mga tauhan mo ang mga b***l nila. Nandito sila Ina, papatayin mo ba sila?" Salubong na kilay na tanong ni Tito Larro. Wala sa sariling napaatras sila ng paputukin ni Armando ang hawak nitong b***l sa harapan ni Tito Larro. Lalo namang naalerto si Hiro at ang Section G. Nagulat pa nga ako ng makitang nasa harapan ko na sila Lucas, David at Spade at ang iba pa. "Stay at our back, baby. Don't move." Sabi ni Spade. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Hiro sa sinabi ni Spade. "Aalis lang ako kapag nakuha ko si Zaina." Sabi nito. Unti unti akong lumakad paabante para makaharap ko ito. Sa likod ako dumaan kaya hindi nila Spade napansin ang pag-alis ko. "Aalis kayo dito..." Nilabas ko ang pulang shot g*n ko bago iyon ikasa. "O gusto n'yong butasan ko ang isa sa inyo?" Sabi ko bago itapat sa kanila ang aking hawak. Mabilis na nawala ang ngiti ni Armando ng itutok ko dito ang bunganga ng shot g*n. "What the hell!" Sabay na bulaslas ni Spade at Hiro habang nakatingin sa akin. Unti unting sumilay ang isang ngisi sa labi ni Armando. "Wala ka pa rin pinagbago, anak ko." "Hindi kita ama kaya 'wag mo akong tawaging anak." Seryosong sabi ko. "Hindi mo kayang iputok sa akin 'yan, anak ko. Alam kong mahal mo ako." "Kaya ko. At hindi kita mahal. Ang kagaya mo ay hindi dapat minamahal." "Hindi---" "Aalis kayo o patutumbahin ko ang isa sa mga tuta mo." Seryosong sabi ko. Unti unting nawala ang ngisi nito pero agad rin na bumalik. "Alam ko ang sikreto mo. Ang lahat ng sikreto mo." Ngumisi ako. "Kalahati pa lang ng sikreto ko ang nalalaman mo, Armando. Kalahati pa lang. You. Don't. Really. Know. Me." Ngumisi ito. Sumeryoso ako. "Kalahati man ng sikreto mo ang alam ko. Kayang kaya kong sabihin sa harap ng angkan natin kung ano ka." Matagal akong nakatitig sa kan'ya bago unti unting sumilay ang nakakasindak na ngiti ko. Ang demonyong ngiti. Ang mata na may daan daang sikreto ang nakakubli. Ang nakakasindak na ngiti. Mukha na handang pumatay muli ng tao. "Una, mamamatay tao ako." Panimula ko bago itapat sa isang tuta ni Armando ang shot g*n at paputukin ito. Mabilis itong natumba at ang iba naman ay lalong naalerto. "Iyan, ang una kong sikreto." Ngumisi ako. "Kaya kung gusto mong malaman ang kabuuan ng sikreto ko. Sabihin mo lang at sasabihin ko." Lumawak ang ngisi ko. "Kapalit ang buhay mo." Namula ito sa galit at nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito. "Hindi pa tayo tapos, Zaina. Hinding hindi pa." Sabi nito habang naglalakad palayo. "Hindi pa talaga, dahil hihintayin kita." And everything went in black. --- Nagising na lamang ang diwa ko ng may maramdaman akong pumisil sa kamay ko. Kumunot muna ang noo ko bago unti unting idilat ang aking mata. Unang sumalubong sa akin ang puting kisame. Iginala ko ang paningin ko. Nandito ako sa kuwarto ko dito sa mansyon ni Lolo Emmanuel. Napatingin ako sa kamay ko. Hawak ni Spade ang kamay ko habang tulog ito. Nakadikit ang kamay ko sa pisngi nito. Napangisi ako ng may maisip ako. Dahan dahan kong hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya, itinaas ko ang kamay ko at mabilis na pinatik ang kan'yang tainga. "Shit." Mabilis kong binalik sa pisngi n'ya ang kamay ko at pumikit uli ako para magmukhang tulog. Ramdam ko ang titig nito sa akin kaya naman pigil ang tawa ko habang nakapikit. "Okay. Kunwari tulog ka." Sabi nito at narinig ko pa ang matunog nitong pagngisi. "Baby?" Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago pisilin ang ilong ko. Punyawa! Mabilis n'ya akong hinalikan sa noo bago bumalik sa pagkakadukdok sa kama at bumalik sa pagtulog. Mukhang pagod ang loko. Idinilat ko na muli ang mata ko at bumalik mula sa pagkakatitig sa kan'yang maamong mukha. Hahawakan ko na sana ang buhok n'ya ng biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Kuya Kairon. "Gising ka na pala, Xiào mèimèi." Sabi nito. Mabilis kong nilagay sa labi ang aking hintuturo. "Shhhhhhh, natutulog si Ube." Mahinang sabi ko. Binigyan n'ya muna ako ng nakakalokong ngisi at ngiti bago tumango tango. "Bakit ka nandito, Kuya?" Mahinang tanong ko dahil baka magising itong isa na mahimbing ang tulog. "Wala gusto sana kitang kausapin tungkol sa pagdating ni Papa kaso may tulog pala." "Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na." "Eh, paano itong isa? Baka magising?" Tanong n'ya bago ituro si Spade na hawak na ang kamay ko. "Hayaan mo na. Hinaan na lang natin ang boses natin para hindi maabala 'tong isa. Mukhang pagod pa naman." "Nag-aalala ka ba sa kan'ya?" "Kanino?" "D'yan." Nginuso n'ya si Spade. Hindi ako nakasagot. "So nag-aalala ka nga?" Hindi muli ako sumagot. Bahala na. Basta hindi ako sasagot dahil ang cute cute ko. "Hoy. Tinatanong kita." "'Wag ka nga maingay, Kuya." Sabi ko ng lumakas ang boses n'ya. "Natutulog 'yung tao. Istorbo." "So, nag-aalala ka nga." "Bakit naman ako mag-aalala?" "Dahil sa puso n'ya." Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Alam kong alam mo na may sakit s'ya sa puso at kaya ka n'ya iniwan ay dahil kailangan na n'yang magpaopera dahil kung hindi ay maaari s'yang mamatay ano mang oras." Hindi ako nagsalita. "Hindi n'ya sinabi sa'yo na aalis s'ya at kailangan n'yang magpaopera dahil ayaw ka n'yang mag-alala. Ayaw ka n'yang umiyak." "Ano bang alam mo?" "Alam ko na mahal ka n'ya." ______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD