Chapter 20

1540 Words
Pigil ang luha ko habang nakatingin sa kabaong ni Amira na tinatabunan na ng lupa. Nahihirapan akong huminga habang tinatabunan ito ng lupa. Tumabi sa akin si Kuya Kairon at Kuya Zenvy bago hagudin ang likod ko. "You can cry, baby sister." Sabi ni Kuya Zenvy pero umiling lang ako. Ayaw kong umiyak. "Oo nga, Xiào mèimèi." Dagdag ni Kuya Kairon pero umiling uli ako. "I know it's hard for you na wala na s'ya. Pero naisip mo ba na magiging masaya si Amira kung malalaman n'yang hindi mo inaalagaan ang sarili mo?" "Oo nga, Xiào mèimèi. I'm sure na magiging malungkot ito kapag nalaman n'ya nagkakagan'yan ka ng dahil sa kan'ya." Ipinatong nilang dalawa ang kanilang ulo sa ulo ko bago ako samahan na panoorin ang pagkawala ng kabaong nito sa aming paningin. I'm sorry, Baby Amira.... --- Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay mabilis kong sinara ang pinto at doon sumandal. Nagsimula ng magbagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Naalala ko ang sulat na binigay sa akin ni Lola Cynthia, mabilis akong tumayo at lumapit sa mga labahin kong damit. Hinanap ko ang pantalon ko at kinapa ang sulat sa loob ng bulsa. Sumandal ako sa gilid ng kama ko at umupo sa sahig. Mabilis kong binuklat iyon at pinasa. Dear Mommy Mommy, I love you. Sana po mabasa mo po ang sulat ko. Mommy, Happy Happy Birthday. Mommy, 'yung gift ko po ay nasa room ko po. Kuhanin n'yo at may surprise doon. Mommy, ang wish ko para sa'yo. Sana po maging happy ka po kay Daddy Spade. Kita ko po kasi na masaya ka kapag kasama s'ya. Mommy, sorry po kung lagi akong pasaway at maingay, ginagawa ko lang po 'yon para mawala ang pagod mo po. Palagi ko po kasing nakikita na pagod na pagod at hirap na hirap ka na. Sana kahit pagpapasaya lang po ay mawala ang pagod mo po dahil sa akin. Mommy, kahit hindi kita tunay na mommy. For me, you are the best mommy in the world. Sana nga po ikaw na lang ang mommy ko dahil ang suwerte suwerte ko sa inyo. Mabait na maganda pa ang mommy ko. Mommy, kung nababasa mo po ito. Sana naka smile ko at 'wag kang sad. Nung nawala ka po sobrang sad ko dahil hindi ka po nakapag celebrate ng birthday mo kasama kami. Mag-isa ka pong nagbirthday. Mommy, nung wala ka. Nalaman ko na may sakit ako. May cancer daw ako sabi ng doctor. Narinig ko po iyon sabi ng doctor kausap si Tito Kairon po. Hindi na daw po magtatagal ang buhay ko dahil nasa stage 4 cancer na daw po ako. I spend more times with you mommy kaya pinilit ko po na umuwi kami ng pilipinas kasi gusto kong ikaw ang huling makikita ko bago ako mamatay, mommy. Gusto kong ikaw ang huling yayakap sa akin. Gusto ko pong ikaw ang huling kahawak ng kamay ko po. Gusto ko po huling ngiti mo po ang makikita ko, 'yung totoong ngiti at hindi peke. Ilang linggo na lang po ang taning ng buhay ko. Sobrang sad ko po dahil sa hindi ko na po kayo makakasama ng matagal. Hindi na po ako mamakapag birthday kasama ka. Hindi na po ako makakapag debut. I cried so much when I heard what is the doctor said. Hindi lang po cancer ang sakit ko dahil may sakit rin po daw ako sa puso. Nagkabutas daw po ang puso ko at palaki daw po iyon ng palaki. Tandang tanda ko po no'n kung paano umiyak si Tito Kairon habang nagmamakawa sa doctor na gawain ang lahat para mabuhay ako. Ang sabi n'ya po magbabayad daw po s'ya kahit magkano basta daw po gawin lang po ang lahat para mabuhay ako, ayaw n'ya daw po kasi kayong masaktan. Dahil araw araw daw po kayong nasasaktan. Kaya mommy. Huwag po kayong magagalit kay Tito Kairon, ha? Kayo po ang lagi n'yang inuuna at ang kapakanan n'yo po. Love na love po kayo ni Tito Kairon. Bago po kami umuwi dito. Nagpakalbo na po ako. Dahil ayaw ko po makita n'yo kung paano po malagas ang buhok ko. Ayaw ko po no'n. Ayaw ko po na makita n'yo kung paano mahulog ang mga hibla ng buhok ko sa sahig. Nagpabili ako ng wig kay Tito Kairon po, 'yung totoong buhok po na ginawang wig. Para po hindi n'yo mapansin. Mommy, it's hard for me to say goodbye to you because I know you will hurt a lot. I keep this for you for a long time because I know, you will cry because of me, and I hate that. I hate seeing you crying because of me. Because it hurt me so much. Ayaw ko po iiyak ka. Nasasaktan po ako, mommy. Kapag nakikita po kitang umiiyak. Kapag umiiyak po kayo, umiiyak rin po ako. Mommy, 'wag ka na iiyak po, ha? Kasi iiyak rin po ako. Mommy, kahit magsmile ka sa harap nilang lahat I know that is fake. Dahil ang totoong ngiti po ay makikita sa mata hindi sa ngiting nakakurba po sa labi. Mommy, if you reading this now. Please smile. Don't cry. Mommy, sana mo mapatawad mo sila sa mga kasalanan po nila sa'yo. Inamin po sa akin ni Daddy Spade na nagawa n'ya daw po iyon sa inyo 'yon dahil akala n'ya daw po ay katulad kayo nung ex-girlfriend n'ya na niloko at ninakawan sila. Sising sisi na po s'ya sa nagawa n'ya kaya po sana mapatad n'yo na sila pati na po 'yung mga hunghang, ahihihi. Nung una po nagalit ako sa kan'ya no'n kasi po sinaktan at pinaiyak ka n'ya pero ng malaman ko po ang rason n'ya ay nawala po ang galit ko. Mommy, alam ko pong mahal na mahal kayo ni Daddy Spade kahit po nagawa n'ya po iyon. Nakikita ko po 'yon sa paraan n'ya ng pagtingin sa inyo. Titig na may pag-ibig. Mommy ito po ang birthday wish ko po sa inyo since hindi po tayo nagkita nung birthday mo po. Ang wish ko po, sana si Daddy Spade na po ang lalaking magmamahal sa inyo po ng totoo. Sana po maging masaya kayo po kahit patay na po ako at kasama ko po si Papa God sa heaven. Sana po maging always happy na po kayo at hindi na po sad. Good health at 'wag po mawawalan ng pag-asa. Stay positive po. Sana po maging happy ka na po. You are the blessing that I can't replace, Mommy. Mommy, love na love ka po ni Amira. Mamimiss po kita. Baby Amira. Malakas akong napagagulgol habang yakap yakap ang sulat ni Amira para sa akin. Hindi ko alam. Hindi ko alam na may pinagdaraanan rin pala s'ya bukod sa akin. Hindi ko alam na mas malala pala ang sitwasyon n'ya kaysa sa akin. Sorry, baby Amira. Hindi ko alam. Hindi ko alam na may sakit ka rin pala at may taning na ang buhay mo. Kung alam ko lang sana, sana nilubos ko na. Sana nakasama pa kita ng matagal. Sorry. Sorry. Sorry. Napatingin ako sa side table ko. May picture kami ni Amira doon. Kinuha ko iyon at nangingining ang kamay ko habang hinahaplos ang litrato n'ya. Mahal na mahal ka ni Mommy. Niyakap ko ang picture naming dalawa habang tahimik na umiiyak. Patawad. Kung wala ako sa tabi mo nung mga panahon na nahihirapan ka na. Patawad. Biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Spade. Dali dali itong naglakad papunta sa akin. Mabilis ko itong niyakap ng makalapit sa akin. Doon ako humagulgol ng malakas. "A-Amira, h-hindi ko alam na m-may s-sakit s'ya..." Sabi ko bago ko ito tingalain. "Nahihirapan din pala s'ya, Spade. Hindi lang ako ang n-nahihirapan. S-S'ya rin p-pala." Sabi ko bago muling humagulgol sa dibdib n'ya. Isinandal n'ya ako sa dibdib n'ya at niyakap n'ya ako ng mahigpit habang hinihimas ang buhok ko. "A-Ang tanga ko. A-Ang tanga tanga ko. K-Kung alam ko l-lang na m-may s-sakit s'ya. S-Sana hindi n-na lang ako umalis." Putol putol kong sabi habang nahagulgol sa dibdib n'ya. Ipinatong n'ya ang baba n'ya sa ulo ko habang pinatatahan ako. "If I can bring back the time. I do, I will bring the memories when Amira was in your arms. In your side and In your heart. I know it's hard for you to forget her, but you need to let her go. She's a peace now, with god." Lalo akong naiyak sa sinabi n'ya. Tama s'ya kung puwede lang ibalik ang oras ay gagawin ko. Oras para makasama ko s'ya at maparamdam ko na mahal na mahal ko s'ya. I will treat her like i'm her biological mother. I will miss her, so much. I will never forget her. She's part of my life. She's inside my heart. I love you, Amira. "When i'm seeing you crying. I want to bring back the time for you. When your smile is genuine, when your eyes is full of happiness." Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Because it's hard for me seeing you like this, like you really mess your life." "Spade...." Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat n'ya at pagkabasa ng aking balikat. U-Umiiyak s'ya... "Nahihirapan akong nakikita kang ganito." _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD