Para akong lantang gulay sa klase ngayon. Wala sa mood. Wala sa sariling pag-iisip pero hindi ako baliw. Lutang. Walang gana. Lahat wala. Tahimik lang ako sa isang tabi at tulala. Hindi naman ako sinisita ni Sir Brandon dahil alam ko naman kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon. Masakit mawalan ng anak.... Break time ngayon at wala akong ganang kumain kaya naman ang ginawa ko na lang ay nagstay na lang ako dito sa class room. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ang mga hunghang pero dapat nandoon na sila sa cafeteria at lumalamon. Nakapangalumbaba lang ako sa aking arm rest ng may biglang pumasok na babae habang umiiyak. Wala sa ayos ang sarili nito. g**o-g**o ang buhok. Nasira na ang make-up nito, pati na rin ang mascara na kumalat na sa kan'yang mukha. Nangunot ang noo ko ng mapa

