⚠️Matured Content⚠️ Nang makarating kami sa lokasyon ng Tracking Device ko ay mabilis na nangunot ang noo ko dahil ang bahay na pinuntahan ni Kian ay 'yung secret house na tanging ako lamang ang nakakaalam. Bale kaming dalawa ni Spade ang nakakaalam dahil hindi ko rin alam kung bakit n'ya natunton ang lugar na iyon. Nang makababa ako ng motor ay ang pagbaba rin nila sa kotse. Nagkatinginan panga kaming dalawa bago ibalik sa bahay ang tingin. Marahil ay nagtataka rin s'ya kung bakit dito ko sila dinala. "What's that?" Tanong ni Lucas. Mabilis naman na nagsalita si Flynn. "House." Mabilis na sumama ang tingin ni Lucas kay Flynn habang si Flynn naman ay nakangisi sa kan'ya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang nagpipigil nang tawa. "I'm not talking to you." May bahid ng

