⚠️Matured Content⚠️ Nabingi yata ako sa sinabi ni Kian dahil nakatulala lang ako sa kan'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa akin. "A-Ano? Nabingi yata ako." Sabi ko. At nagkukunwaring hindi narinig ang kan'yang sinabi. Napabuntong hininga ito. "I. Still. Love. You. My feelings never fades on you." Boom! Para akong sinampal ni Kingkong sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko o sasabihin ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso sa utak ko ang sinabi n'ya. Still loading ang brain ko. Mariin akong pumikit bago umiling iling bago muling dumilat. "Teka lang, ha?" Umayos ako nang upo at kunot noo ko s'yang tinignan. "Ano bang sinasabi mo d'yan?" Bumuntong hininga ito bago lingunin 'yung lima na nasa likudan ko. Oo nga pala, nandito rin sila. Mga seryoso lang sila

