⚠️Matured Content⚠️ Warning: Bawal magbasa ang fetus. Naramdaman ko na lang ang malamig na pader sa likudan ko habang hindi naghihiwalay ang labi namin. Napunta na kami sa may kuweba dito sa water falls. May isang nakausling batong nakita si Spade na medyo malapad. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila papunta doon na ikinataka ko. Nang humarap ako sa kan'ya ay nakangisi s'ya sa akin kaya naman inirapan ko ito. Iniharap n'ya ako sa kan'ya at hinawakan ang baywang ko bago ako iupo doon sa bato. Mas mataas na ako sa kan'ya ng kaunti. Hindi ko na lang iyon pinansin at yumuko na lang ako para mahalikan muli s'ya. Hawak n'ya ang bewang ko habang ako naman ay hawak ang panga n'ya na ngayon ay umiigting na. Umalis ako sa pagkakaupo sa bato bago ko ipulupot ang binti ko sa kan'yang bewang.

