"Zaina, hey. Wake up." Mabilis na nangunot ang noo ko nang may mahinang tumapik tapik sa pisngi ko. "Bakit dito ka natutulog sa may ilalim ng talon?" Dinig kong sabi ng pamilyar na boses. "Ihhh, antok pa ako." Sabi ko bago umayos nang upo. Narinig ko ang malakas nitong buntong hininga. "Why are sleeping here? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?" Mabilis na nanlaki ang mata ko at bumangon. "Hala!" Sabi ko. Busangot na mukha ni Luke ang nabungaran ko. Hindi ko alam na nakatulog pala ako dito sa ilalim ng puno malapit sa may talon dahil sa sobrang pag-iyak at pagod na rin siguro. Natigilan ako nang may pumasok sa isipan ko. Panaginip! Buti na lang at panaginip lang ang nangyari sa amin ni Spade sa may loob ng kuweba! Akala ko talaga at isusuko ko na ang bataan! Ngumuso ako. "S

