"A-Ano?" Gulat kong tanong. "Iyun po ang ipinaki usap ni Lady Hitara kay Empress Dowager Chun." Sagot naman nung isa. "Kapalit ng pag-aaral mo dito ay ang pagpapakasal mo kay Imperial Guard Li Yu." Dagdag pa ng isa sa limang yoonuhk. Napapikit ako ng mariin, bago hilamusin ang aking mukha gamit ang isang kamay. "Hindi n'yo puwedeng gawin sa akin 'to." Sabi ko, pinakakalma ang sarili. "Kung hindi ka magpapakasal kay Imperial Guard Li Yu. Mapipilitan kaming patayin ang pamilya mo at ang buong angkan mo. Pati na rin ang mga taong malalapit sa 'yo." Mabilis na kumuyom ang mga kamao at biglang nawalan ng emosyon ang mukha ko. "Papatayin mo sila? Without knowing na mas mauuna kang mamatay kaysa sa kanila." Unti unti akong tumayo dahilan para umatras sila, hindi rin nakatakas sa akin ang

