Hindi ako nakasagot sa tanong ni Arthur.
Hindi pa ako handang magpakasal.
"Ahh---" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang dumating si Kneel kasama si Flynn.
"Zaina! Halika na! Marami pang paparating! Kailangan na nating makaalis!" Nagmamadaling sabi ni Flynn.
"Teka! Si Arthur! Tulungan n'yo 'ko!" Sabi ko. Mabilis naman na lumapit sa akin si Flynn at tinulungan akong maitayo si Arthur.
Natigil kami sa paglalakad ng may marinig kaming putukan mula sa labas. Lumapit ako sa may bintana at tumingin sa ibaba.
Anong ginagawa nila dito?
"Zaina! Let's go!" Sigaw sa akin ni Flynn. Tumingin muna ako sa bintana bago lumapit sa kanila at tinulungan kong akayin si Arthur.
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Arthur.
Hindi pa ako handang magpakasal.
Natigil kami sa paglalakad ng may marinig kaming putukan mula sa labas. Lumapit ako sa may bintana at tumingin sa ibaba.
Anong ginagawa nila dito?
“Zaina! Let’s go!” Sigaw sa akin ni Flynn. Tumingin muna ako sa bintana bago lumapit sa kanila at tinulungan kong akayin si Arthur. naglalakad kami sa may corridor ay nasa harapan naman namin si Kneel na parang tanga. Bawat likod namin ay mabilis n’yang itututok sa harapan ang b***l n’ya at nagpipiling pang secret agent daw.
“Kneel,” Pagtawag ko dito. Saglit itong lumingon sa akin bago muling ibaling sa unahan ang tingin.
“Yes? Zaina babe?” Sabi nito.
“What the f**k?” Dinig kong sabi ni Arthur, narinig ko naman ang pagsinghap ni Flynn at pag-igting ng panga nito.
“Bakit bigla kang nawala? Saan ka nagpipinuntang tukmol ka?” Tanong ko na nakapag patigil sa kan’ya mula sa galawang secret agent ‘daw’.
Maging si Flynn at Arthur ay nanahimik at mukhang hinihintay rin ang isasagot ni Kneel.
“Mamaya ko sasabihin sa inyo,” Makahulugan n’yang sabi na nakapag pakunot ng noo naming tatlo. “Ang mahalaga ay makaalis na tayo sa panget na lugar na ‘to. Masyadong creepy, eh. Matatakutin pa naman ako.” Sabi n’ya bago muling gumalaw na parang secret agent ‘daw’ sabi n’ya.
Kataka-takang wala na kaming nasasalubong na kalaban hanggang sa makababa na kami ng first floor. Tumahimik na din paligid at wala na kaming nadidinig na putukan mula sa mga bulok nilang b***l.
“Zaina!” Tawag ng isang pamilyar na boses habang tumatakbo papapunta sa aming gawi habang may dala itong b***l.
“Ethan, anong ginagawa n’yo dito?” Tanong ko nang makalapit ito sa amin. Tinignan n’ya si Flynn kaya naman napatingin na ako kay Flynn.
Bumuntong hininga ito bago magsalita. “I’ve call, Smith. Nang makita ko na marami kang kakalabin, hindi na ako nagdalawang isip na tawagan sila.” Buntong hiningang sagot nito. Tinignan ako ni Flynn ng may malamlam na mga mata. “Ayoko kasing makitang masaktan ka, baka hindi ko kayanin.”
Flynn….
“Mahal na mahal kita, eh.” Sabi nito na nakapag patigil sa aming lahat. Nagulat pa nga ako ng may tumulong luha mula sa kaliwa n’yang mata.
“F-Flynn….” Umiwas s’ya nang tingin bago palihim na punasan ang kan’yang mata.
Tumingin muli s’ya sa amin. “No, it’s fine. Basta aagawin kita sa kan’ya.” Sabi n’ya bqgo kami ngisian.
“What the f**k, bro?” May halong inis ang boses ni Arthur bago unti-unting binalingan nang tingin si Flynn na ngayon ay nakangisi na sa amin.
“That’s---- no one can change my mind, I will do everything just to stole your girl from you.” Sabi nito bago alisin ang braso ni Arthur na naka akbay sa kan’ya. Biglang umalis si Flynn dahilan para mapunta ang timbang sa akin ni Arthur.
Mabuti na lang at nandito si Ethan para tulungan ako kay Arthur.
“Kahit naiinis ako sa’yo dahil inagaw mo si Zaina kay Spade, tutulungan pa rin kita kahit mukha kang alipunga.” Masungit na sabi ni Ethan bago irapan si Arthur na ngayon ay naka kunot na ang noo. “Tara na, bilisan n’yo bago pa maubusan ng dugo si Arttttttthhuuuurrrrrr.” Masungit na sabi nito. Kahit naiinis ako sa sinabi n’ya ay mas pinili ko na lang na manahimik at baka masampal ko lang ang matabil na bunganga ng punggok na ito.
“Zaina, okay ka lang.” Sabi ni Lucas bago lumapit sa akin bago akayin si Lucas kapalit ko.
“O-Oo,” Sabi ko. Maglalakad na sana ako nang bigla na lang akong mapaluhod. Unti-unti kong hinawakan ang balakang ko ng may maramdaman akong basa doon. Unti-unti kong tinignan ang aking palad at doon ko lang napagtanto na may tama na pala ako ng b***l.
Sa sobrang manhid ko hindi ko na pala namalayan na may tama na pala ako ng bala ng b***l.
“ZAINA! MAY GUDO KA SA LIKOD MO!” Sigaw ni Ethan bago ituro ang likod ko. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay kita ko kung paano nataranta si Ethan bago magpalinga-linga. “SPADE! SPADE! SPADE! SPADE! SI ZAINA! MAY GUDO SA LIKOD!” Tarantang sigaw nito habang nagpapalinga-linga. Nakita ko na biglaang napatakbo ang ibang hunghang sa akin pero wala na akong lakas na makatayo dahil nasisiguro ko na maraming dugo ang nawala sa akin. “ZAINA! HUWAAAAA!” Biglang umatungal si Ethan habang nagpipinadyak.
“Zaina!” Dinig kong sigaw ni David bago lumapit sa akin. Umupo s’ya bago ako ayusin at maramdaman ko ang pagpulupot ng braso n’ya sa hita at likod ko. Binuhat n’ya ‘ko.
“What the hell is happening here?” Boses ng lalaking may kulay ubeng buhok.
“Spade si Zaina. May gudo.” Narinig kong sabi ni Ethan habang umiiyak.
“What the f**k! Where the hell is she?” Narinig ko ang bakas ng pag-aalala sa kan’yang boses. Dahil nahaharangan ako ng mga hunghang ay hindi n’ya ako makita.
“Here.” Sagot ni David at naramdaman ko na lang na naglakad s’ya. Unti-unting nagsara ang mata ko hanggang sa pigura na lang ng tao ang nakikita ko.
“s**t!”
Naramdaman ko na ipinasa ako ni David sa kung sino pero hindi ko na magawang makilatis kung sino ito.
“Damn it! Baby, open your eyes.” Dinig ko sabi ni Spade pero unti-unti na akong nawalan ng malay.
And everything went in black.
Nagising na lang akong ng may maramdaman akong malambot ng bagay na tumama sa noo ko at may kamay na humawak at pumisil sa aking kamay.
Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Nung una ay nanlalabo pa ang aking paningin pero ng tumagal ay nasanay na ako at luminaw na rin ang aking paningin.
Nakita ko ang isang lalaki na may kulay ubeng buhok na nakadukdok sa gilid ng hospital bed habang hawak-hawak ang aking kamay.
Anong ginagawa ng hindi na 'to dito?
"S-Spade..." Mahinang sabi ko bago unti-unting hilahin ang aking kamay mula sa pagkakahawak n'ya.
Mukhang tulog na ang loko dahil malalim ang paghinga nito.
Nang mabitawan na n'ya ang aking kamay ay tumingin ako sa wall clock, pasado alas dos na ng madaling araw.
Napabalik ang tingin ko kay Spade ng marinig ko ang mahinang paghikbi nito.
"Baby, i'm sorry.... i'm really really sorry." Nananaginip ba ito? Narinig ko pa ang sunod-sunod nitong paghikbi dahilan para mangilid ang aking luha at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Spade.....
Unti-unti kong itinaas ang aking kamay para abutin ang kan'yang buhok at mahinhin iyong hinaplos.
Ang sarap mong sabunutan alam mo 'yun? Mas maganda pa at malambot ang buhok mo sa akin, eh!
Ang sarap mong sampalin kasi ang kinis ng mukha mo! Wala man lang pimples?
Ang sarap paduguin ng ilong mo dahil sobrang tangos ng ilong mo!
Pero ang guwapo mo!!!!
Bibitawan ko na sana ang buhok n'ya ng mabilis na hawakan ni Spade ang pulsuhan ko, hihigitin ko sana iyon ng lalo n'yang higpitan ang kapit sa kamay ko.
Anak ng---- gising 'to!
Unti-unti n'yang itinaas ang kan'yang ulo hanggang sa magtama ang paningin namin.
Unti-unti n'yang itinaas ang kamay ko na bago ilagay iyon sa ulo n'ya na ikinakunot ng noo ko.
"Bitaw." Mabilis kong sabi pero walang epekto sa gago dahil seryoso lamang itong nakatingin sa akin.
"I'm sorry," He whispered huskily. "I'm really really sorry, baby. Leaving you is not my intension." Ibinaba n'ya ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa ulo n'ya bago n'ya halikan ang aking kamay ko.
HINDI NGA SABI AKO MARUPOK, EHHHH!
"Please, come back to me."
"Hindi ba, sabi mo 'wag na akong babalik at ayaw mo na akong makita? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kan'ya habang seryoso ang aking mukha at tono.
"Anong magagawa ko?" Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Anong, anong magagawa ko?" Kunot noong tanong ko.
"Marupok ako, pagdating sa'yo?" Sabi n'ya na nakapag patahimik sa akin. Umiwas ako ng tingin.
Sabi ng haba, eh! S'ya ang unang rurupok!
"Hindi kita matiis," Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. "Kasi mahal kita," Mabilis na nangilid ang luha n'ya sa kan'yang mata. "Handa akong maging marupok para sa'yo," Muli n'yang hinalikan ang likod ng palad ko. Inayos n'ya ang palad ko at idinikit doon ang kan'yang palad na ngayon ay basa na ng dahil sa kan'yang luha. "Kahit gumawa ka ng kasalanan, rurupukan ko para sa'yo. Because i love you, you'll always inside my mind and my heart." Sabi n'ya.
Nako! Scam 'yan!
"I can't forget you, napaka hirap mong kalimutan."
"Manahimik ka nga." Sabi ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi n'ya binitawan iyon, bagkus ay lalo lang n'yang hinigpitan ang pagkakahawak doon.
"Baby..." Pagtawag nito.
"Ano?" Inis kong tanong.
"Baka naman gusto mo rin rupukan."
_______________________________________________________________________________