12

1584 Words
Mabilis kong binitawan ang hawak kong card at tumayo, mabilis akong tumuntong sa desk ni Sir Brandon. "What you doing, Everleigh?" Kunot noong tanong ni Sir. "Sir, try to call Arthur right now," Sabi ko nang hindi ito nililingon. Tiningala ko ang kisame bago tumalon pataas dahilan para masira ang isang square ng kisame. "Arthur is in danger now, please call him right now." Sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay sobrang kaba ko na. "Ayaw, hindi sumasagot." Sabi ni Sir. "Call him, again. Please." Sabi ko bago tumalon papasok sa kisame. Napaubo pa ako ng makalanghap ako ng alikabok. Gamit ang maliit na flashlight ay hinanap ko ang isang duffle bag. Nang makita ko ito ay mabilis ko itong hinila at nilaglag sa desk ni Sir. "Ayaw talaga, Everleigh. Naka patay na 'yung phone n'ya." Ang kaba na namumuo sa aking dibdib ay lalong lumakas dahil hindi na n'ya sinasagot ang tawag. Shit! "Teka, ano ba ang nangyayari?" Kunot noong sabi ni Sir bago lumapit sa akin. Nakilapit na rin ang ibang hunghang. Mabilis kong binuksan ang duffle bag at tumambad sa kanila ang mga katana at b***l sa loob nito. "Remember na nasabi ko sa'yo na may death threat ha natatanggap si HAC?" Tumango si Sir. Kumuha ako ng isang b***l at nilagay iyon sa g*n pocket na nakalagay sa hita. "Last year, nagkita kami. Sinabi n'ya sa'kin na may death threat s'yang natatanggap, binigay n'ya sa akin ang kahon na natatanggap n'ya at pagbukas ko ay isang gintong bala ang nakita namin at may isang card doon na naka lagay na I & B. Nagpaalam sa akin kanina si Arthur na may imemeet daw s'ya, I asked who, he answer Innah and Billy dahilan para magsuspetsa ako." Sabi ko bago kumuha ng kutsilyo at ilagay sa hita ko. Napangiti ako nang mahawakan ko ang pinaka paborito kong armas. Shot gun... "Give me your key, Sir Brandon." Sabi ko bago ilahad ang aking kamay. "Sigurado kang pupunta ka mag-isa do'n?" Tanong ni Sir bago ilapag ang susi sa aking palad. Tumango ako. "Kaya ko naman." "Eh, 'yung other Black member?" Umiling ako. "May pinoproblema sila, ayokong dagdag 'yon." Sabi ko bago sila lagpasan. "Mag-iingat ka, Everleigh." Sabi ni Sir Brandon. Humarap ako sa kan'ya at ngumiti. Mabilis akong nagtungo sa parking lot. Mabuti nalang at walang guard ang nagbabantay ngayon kaya mabilis akong nakalabas. Pinainit ko muna ang makina ng sasakyan bago ito paharurutin. Dahil kinabitan ko ng GSP Device ang sasakyan at cell phone ni Arthur ay mabilis ko itong na-track. Liblib ang lugar na ito at kung hindi ako nagkakamali ay dito sa lugar na ito kinidnap ni Depar si HAC. Sa malayo ko ipinarada ang kotse ni Sir Brandon at bumaba na. Kinuha ko ang b***l ko at dahan-dahan na naglakad habang nakayuko. Sumilip ako mula sa halaman. Puro mga naka itim at armadong lalaki ang mga nandito, malalaki rin ang katawan nila. Kaya ko ba? Kaya 'yan. Mula sa aking buhok ay kumuha ako ng throwing needle, sampu ang bantay sa harapan at sampu din sa gilid nito. Sa ikalawang palapag naman sa balkonahe ay may sampu din. Sa ikatlo at ikaapat na palapag ay ganoon din. Kung sa bawat harapan at gilid ng gusali ay may sampu, malamang sa isa pang gilid at likod ay may tigsampu rin na bantay. Mula unang palapag hanggang apat at kinuwenta ko kung ilan lahat ang bantay sa labas. 320... Syete! Andami nila! Kung sa labas pa lang ay may 320 na akong kakalabanin, malamang sa loob ay mas marami pa ang bantay doon. Nagulat ako ng may biglang kamay ang nagtakip sa aking bibig ako itago pababa. Mabilis akong nagpumiglas pero hindi ako bininitawan no'n. Malakas kong siniko ang tagiliran nang taong 'yon, narinig ang pagdaing nito. "s**t!" Mabilis na nangunot ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Bakit ba naniniko ka?" Mabilis kong nilingon ang lalaking 'yon at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko kung sino ang lalaking 'yon. "Ang lakas mong maniko, Zaina." Daing nito. "Kneel...." Banggit ko sa pangalan n'ya. Dahan-dahan n'yang inilipat sa akin ang kan'yang tingin. "Oh? Bakit gan'yan ka makatingin?" Kunot noong tanong nito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kan'yang labi. "Sabi ng haba, eh! Crush mo'ko." Imbis na sumagot ay niyakap ko ito na ikinagulat n'ya. "Hayup ka. Sa'n ka ba nagpipinuntang gago ka?" Tanong ko dito habang naka yakap. Matagal itong hindi sumagot bago ito mahinang natawa. Humiwalay ako sa kan'ya. "Ahhh, 'yun ba? Hehehehe. Nag drop ako sa school dahil may mga taong gustong pumatay sa akin, at isa pa, hinahanap ko ang kakambal ko." Sabi n'ya na nakapag pakunot ng noo ko. Pumatay? Gustong pumatay? Kakambal ni Kneel? May kambal si Kneel? "Pumatay? Sinong gustong pumatay sa'yo?" Kunot noong tanong ko. Ngumiti ito sa akin. "Si Dr.Dyson..." Magsasalita pa sana ako ng muling takpan ni Kneel ang bibig ko at sabay kaming yumuko dahil may dalawang armadong lalaki ang tumigil sa harapan namin at nag-usap. "Ang panget kabonding ni Boss Billy, wala naman ginagawa sa kan'ya 'yung lalaking nasa loob, binubugbog pa n'ya." Sabi nung isa. Binubugbog? Hindi kaya si Arthur ang binubugbog nung Billy? Parang narinig ko na ang pangalan nung Billy. "Kawawa na nga, eh, duguan na." Sabi naman nung isa habang naiiling. Magsasalita pa sana 'yung isa kaso may sumigaw. "Hoy! Kayong dalawa d'yan! Magkukwentuhan na lang ba kayo d'yan!?" Galit na tanong nito. Naiiling na bumalik sa puwesto 'yung dalawang chismoso. "Anong gagawin natin? Binubugbog na nila si Arthur?" Tanong ko. Mabilis na nangunot ang noo ni Kneel. "Kaano-ano mo ba 'yung lalaking nasa loob?" "Boyfriend ko." Mabilis kong sagot. Mabilis na bumagsak ang kan'yang mga balikat at lumungkot ang kan'yang mga mata. Anong nangyari? "Okay ka lang?" Tanong ko. Mabilis itong ngumiti pero pilit. "Hindi mo man lang ako hinintay." Bulong nito. Mabilis na nangunot ang noo ko. "Ano?" Kunot noong tanong ko. Mabilis na ngumiti ito bago umiling-iling. "Wala. Sabi ko iligtas na natin 'yung boyfriend mo." Sabi n'ya bago kabitan nang silencer ang b***l nito. Oww. Kinabitan ko din ng silencer ang b***l ko. "Sa kanan ka, sa kaliwa ako." Sabi ni Kneel. Tumango ako. "Mag-iingat ka," Seryosong sabi nito. "Ikaw din. Mag-iingat ka." Sabi ko. "Kasi mamahalin pa kita." Sabi n'ya bago ako kindatan at iwanan akong laglag panga na nakatingin sa kan'ya. Luh? Gago? Ngumiti muna ako bago naiiling na naglakad papunta sa daan na sinabi ni Kneel. Pambihira. "Syete. Ang dami." Sabi ko nang makita ang mga kalaban. Mabilis akong naalarma maging ang mga kalaban namin ng makarinig kami ng putok ng b***l. Kinasa ko ang b***l ko bago itutok iyon sa mga kalaban at pagbabarilin. Dahil hindi ko naman napatay lahat ay ako naman ang pinaputukan nila. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno ng ako naman ang mga binabaril nila. Mabilis akong lumabas sa aking pinagtataguan at mabilis na binaril ang natitira pa. Muli akong nagtago sa puno ng mula sa second, third at fourth floor ay may bumaril sa akin. Mabilis akong lumabas sa aking pinagtataguan, babarilin ko na sana ang mga kalaban ng magtumbahan na ito. "Kapag marami akong napatay, let me date you." Napatingin ako sa lalaking pinanggalingan ng boses na iyon. "Flynn... anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Pinagmasdan ko ito. Naka uniform pa s'ya ng university habang may dalawang b***l s'yang hawak. "Saving my love," Sabi n'ya bago ako kindatan. "Mamaya na tayo mag-usap, iligtas muna natin 'yung boyfriend mong hindi naman magtatagal sa mundo." Mabilis kong sinamaan si Flynn dahil sa sinabi n'ya pero umismid lang ito. Hindi na n'ya ako pinansin at naglakad na lang papunta sa kung saan at nakipag barilan. Naiiling na lang ako na nagpalit ng magazine dahil paubos na ang bala ko. Habang paunti ng paunti ang kalaban ay unti-unti akong lumalapit sa lumang building. Nang maubos ko ang bantay sa likod ay nilagay ko ang b***l ko sa g*n pocket na nasa hita ko at tumungtong sa tungtungan doon para makaakyat ako sa second floor ng lumang gusali. Nagtaka pa ako ng wala akong makasalubong na mga kalaban. Naubos? Hanggang sa third floor ay wala, kung meron man ay paisa-isa o dalawa. Mabilis kong sinipa ang pinto na nasa dulong corridor nitong fourth floor. Mabilis kong itinutok sa harapan ang aking b***l ko para kung sakaling may kalaban ay ipuputok ko na lang. Sinuyod ko ang buong silid pero wala akong nakitang tao kahit isa. Aalis na sana ako ng may makita akong isang sapatos sa hindi kalayuan, mabilis akong lumapit doon at ng makalapit ako ay mabilis napaluhod para daluhan si Arthur na duguan at may saksak sa tagiliran. "Arthur," Sabi ko bago buhatin ang kan'yang kalahating katawan. Hinawakan ko ang pisngi n'ya at mahina iyong tinapik-tapik. "Arthur, please, open your eyes." Sabi ko habang kabang-kaba. Mahina itong umungol sa sakit at unti-unting dumilat ang kan'yang mata at ng makita n'ya ako ay ngumiti ito. "Arthur," Sabi ko parang maiiyak na. "Z-Zaina...." Sabi n'ya habang nakangiti. "Hindi ka mamatay, right?" Sabi ko habang unti-unting namumuo ang luha sa aking mata. Muli itong ngumiti bago tumango. "Hindi mo naman ako iiwan 'di ba?" Maging ang aking boses ay basag na. "H-Hindi k-kita i-iwan..... m-mahal k-kita, e-eh." "Puwes. Kung mahal mo'ko. Hindi ka mamamatay. Lalaban ka." Mahina itong umubo. "Hintayin natin sila Flynn, dadalhin kita sa ospital." Sabi ko habang iginagala ang aking paningin sa paligid. Wala na sila I & B? "P-Pakasalan m-mo m-muna a-ako." _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD