Chapter 11

1815 Words
Tulala akong iniwan ni Spade sa may garden. Mabilis n'ya muna akong hinalikan sa pisngi dahilan para umawang ang bibig ko. H-Hayup! Masama kong tinignan ang dinaanan n'ya kanina bago ako maglakad papasok. Ang tiktik! Naisahan ako! Mabilis akong naglakad papasok at pumunta sa nasa dati kong puwesto. Naabutan ko pa doon na naka upo si Arthur habang ginagamit ang cell phone ko. Mabilis n'yang ibinaba ang cell phone ko nang makita n'ya ako. Nginitian n'ya ako pero hindi ako ngumiti sa kan'ya kaya mabilis na nangunot ang noo n'ya. Umupo ako sa tabi n'ya at mabilis s'yang niyakap na ikinagulat n'ya. "What happend?" Bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala. "Are you okay, babe?" Sabi n'ya bago hagudin ang likod ko pero umiling lang ako habang naka nguso. "Wala," Mabilis kong sagot. "Thankful ako kasi nakilala kita, kasi naging boyfriend kita." Sabi ko. Ang loyal mo. Naramdaman ko na niyakap n'ya din ako. "What happen to you, huh?" Natatawa n'yang tanong. "Nag cr ka lang nagkaganiyan ka na." Umiling lang ako. "Wala nga. Ang suwerte ko sa'yo." Bulong ko dahilan para humigpit ang yakap n'ya sa akin. "I love you." Bulong nito sa tenga ko bago halikan ang aking sintido. "Ang langgam! Ano ba 'yan!" Dinig kong reklamo ni Ethan. "Spade! Itaboy mo nga 'yung mga langgam! Ako'y kinakagat! Ang tamis daw kasi!" Bakas sa boses ni Ethan ang matinding inis. Bakit parang feeling ko kami ni Arthur ang pinariringgan n'ya? Humiwalay na ako kay Art at umayos nang upo, gano'n din ang ginawa n'ya. Nakita ko na naglalakad papalapit si Klea'ng maharot kay Spade na nagpapaharot. Nakabusangot ang mukha ni Klea'ng maharot at mukhang katatapos lang magmaktol nito dahil hindi pumayag si Art na magpahalik. Look like defeated, huh. "Babe," Malungkot na sabi ni Klea'ng makati kay Spade bago umupo sa tabi nito. Nilingon s'ya ni Spade at tinaasan ito nang kilay. "Ano? Hindi ka naka halik?" Tanong ni Spade na nakapag palaki ng mata ni Klea'ng haliparot. Kunwari daw nagulat s'ya. "W-What?" Kunwari nagulat s'ya. "Pfftt!" Pigil ang tawa ko. Nilingon ako ni Klea'ng higad dahilan para isubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Art. "Nako! May uuwi yatang pasaan!" "May bulak sa ilong!" "Bali ang braso at leeg!" "Dumudugo ang ilong!" "May dalawang black eye!" Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila, naka subsob lang ang mukha ko sa dibdib ni Art habang taas-baba ang aking balikat dahil pinipigilan ko ang pagtawa. Tangenang, boyfriend 'yan! Hahahaha! "Hey, are you okay?" Tanong ni Art. Tumango-tango ako habang naka subsob ako sa dibdib n'ya. Ang bango, hmmm. Umalis ako sa dibdib n'ya bago ito ngitian at magthumbs-up. "Okay lang ako, may nilabas lang ako." Kinuha ni Arthur ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. "I promised to you na sasabihin ko ang lahat sa'yo kung kinakailangan," Mabilis na nangunot ang noo ko. "Klea and went to garden," Alam ko na. "She asked to me, if she can kiss me." Mukha itong kinakabahan dahil panay ang kan'yang buntong hininga at humihigpit din ang kapit nito sa kamay ko. "Anong sinabi mo?" "I reject her," Lihim akong napangiti. "I reject her, because i love you. Alam mo naman na mahal kita 'di ba?" Tumango ako. "I can't cheat on you." Nginitian ko ito bago higpitan ang kapit sa kamay n'ya. "Alam ko, that's why you reject her because of me. Because you love me. I know you can't cheat on me because i trust." Ngiting-ngiting sabi ko habang taas-baba ang aking kilay. "Hindi ka galit?" Umiling ako habang naka ngiti. "Hindi mo'ko hihiwalayan?" Umiling ako. "Tenenenennnnnnn!" "Lamay na this!!" "Marami kaming kape sa bahay!" "May bekery malapit sa amin!" "Ako na bahala sa sugal!" "Ako na sa asukal!" "Balak ko maging engineer kaya ako na bahala sa ataul!!" "May butas butas akong barong sa bahay, baka kas'ya sa patay!!" Gusto ko sanang tumawa sa mga sinabi nila kaso parang si Arthur ang pinariringgan nila kaya h'wag na lang. Pasimple kong tinignan ang mga hunghang at sabay-sabay silang nagsiiwasan nang tingin ng masalubong nila ang mata ko. Si Arthur nga!!! Nagulat ako nang sumigaw si Ethan. "Arthur! Mukha ka daw alipunga!" Sigaw ni Ethan dahilan para magtawanan ang mga hunghang, napapailing naman si Lucas, David, Niko at Jacob habang si Spade naman ay nakangisi lang. Lahat ng nasa loob ng bahay ni Spade ay nakatingin kay Arthur ngayon. Nilingon ko si Arthur at nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang kan'yang kamay. Kinuha ko ang kamay n'ya at hinawakan iyon dahilan para mapatingin s'ya sa akin. Padabog akong tumayo dahilan para mapatingin sa akin ang lahat at matigil sa pagtawa ang lahat. "Art, umalis na tayo. Nakakahiya naman sa mga mukhang garapa dito." Sabi ko bago hilahin si Arthur. "Patay ka Ethan!" "Lalo tuloy nagalit sa atin si Zaina!" "Alipunga!" Salubong ang kilay ko nang lumabas kami ng bahay nila Spade. Agad na bumungad sa akin ang mga batang nagtatakbuhan. Hinanap nang mata ko si Yuwen para sana magpaalam na aalis na kami dahil sa mga garapa na 'yon. Nang hindi ko mahanap ay napabuntong hininga na lang ako habang naiiling. Hinigit ko na si Arthur papuntang gate pero bago pa kami makaalis ay tinawag ako ni Yuwen. "Mommy!" Hinarap ko 'yung tumawag sa akin at mabilis akong ngumiti ng makita ko si Yuwen na tumatakbo papunta sa gawi namin. "Aalis ka na po?" Tanong nito ng makalapit sa amin. Binitawan ko muna ang kamay ni Arthur bago bumaba para pantayan si Yuwen. "Yes, baby. Ginalit ako nung mga kasama ni Kuya Spade mo kaya aalis na kami." Sabi ko habang hinahawi ang maganda nitong buhok. "What did they do?" Nakanguso nitong tanong. Ngumiti ako bago umiling. "Pakisabi sa kuya mo, mukha s'yang langaw." Mabilis na bumaba si Arthur sa sasakyan mula sa driver seat bago umikot papunta sa gawi ko at pagbuksan ako ng pinto. Mabilis akong bumaba at hinarap s'ya. "Thank you," Sabi ko habang nakangiti. "I'll pick you up later." Sabi n'ya bago lumapit sa akin at halikan ang noo ko. "Sige." Sabi ko habang nakangiti. "Take care, Art." Sabi ko nang umupo ito sa driver seat. "By the way may imemeet ako ," Sabi n'ya habang sinisilip ako mula sa bintana ng passenger seat. Medyo bumaba ako para silipin s'ya. "Sino?" "Innah and Billy." Sabi n'ya. Tumango-tango ako habang nakangiti pero nagtataka rin at the same time. "Sige, text me nalang." "I love you," "Thank you." Mahina itong natawa habang naiiling. Binuksan n'ya muna ang makina ng sasakyan n'ya bago bumusina sa akin at paandarin iyon. Hinintay ko muna na mawala ang sasakyan n'ya sa aking paningin bago ako pumasok sa loob ng school. "Hey," Mabilis akong napatigil sa paglalakad nang makita ko si Flynn na naglalakad papalapit sa akin. "Who's that guy?" Tanong n'ya ng makalapit sa akin. "Boyfriend ko," Mabilis kong sagot bago s'ya iwanan doon na nakanganga. "Boyfriend? Akala ko ako ang boyfriend mo?" Sabi n'ya habang sinasabayan n'ya ako maglakad. "Akala mo lang 'yun!" Sabi ko bago pumitik sa hangin. "How about Spade and Lucas and also me?" Kunot noong tanong nito. Nagkibit balikat ako. "Hanap na lang kayo ni Lucas ng bebe, si Spade may bebe na, eh." Sabi ko. Nakita ko kung paano ito ngumiwi. "Ayaw ko sa iba, ikaw ang gusto ko." Sabi n'ya dahilan para matikom ko ang aking bibig. Eh, may boyfriend na nga ako, eh. "Fine." Sabi n'ya matapos ang mahaba naming katahimikan. Kunot noo ko s'yang nilingon. "Kapag sinaktan ka ng pinili mo, hayaan mo akong agawin ka sa kan'ya." Sabi n'ya dahilan para maiwan akong tulala sa papalayo n'yang katawan. Siraulo ba 'yon? Mabilis na nanahimik ang lahat ng nasa loob nang pumasok ako sa class room ng may seryosong mukha. Lahat sila ay naka tingin sa akin pero kahit isa sa kanila ay wala akong tinitignan. Napatingin sa akin si Sir Brandon na nandito na rin pala. Napatingin ako sa may mesa n'ya ng may makita akong maliit na itim na kahon habang may ribbon sa pula na naka tali doon. "Everleigh!" Galit ang tono ng boses nito kaya mabilis na nangunot ang noo nito. Problema nito? "Saan ka nagpipinuntang bata ka?" Lalo namang nangunot ang noo ko. What? "Alam mo bang hanap kami ng hanap sa'yo?" Huh? "Ang tagal mong nawala." Me? "Saan ka pumunta?" Sa china. "Anong ginawa mo sa pinuntahan mo?" Nagpaopera. "Sagot!" Nagulat ako nang sumigaw ito. Grabe naman. "Paano ako sasagot kung sunod-sunod ang tanong mo?" May inis sa boses ko habang nakatingin sa kan'ya. "Una, wala kayong pakialam kung saan ako nagpunta. Pangalawa, hinahanap n'yo pala ako. Pangatlo, hindi ako matagal na nawala. Pang apat, nagpunta ako sa china." Inis kong sabi bago ito irapan. "Anong ginawa mo sa China?" Kunot noong tanong nito. "Nagpaopera." "Succesful naman ba?" "Oo." Umayos ito ng tayo. "Paano mo nga pala sinelebrate ang birthday mo, christmas at new year?" Kunot noong tanong nito. "Natulog lang ako, 'yun lang." Sabi ko bago ito lagpasan. Akala ko nga last year ang pinaka masayang araw na magbibirthday ako 'yun pala, iyun ang pinaka malungkot. Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol sa tatlon espesyal na araw sa buhay ko. Mabilis akong umupo sa upuan ko. Hindi pa nag-iinit ang p***t ko sa upuan ay may nilapag si Sir sa harapan ko. Ito 'yung box na nakita ko sa table n'ya kanina. Kunot noo akong nag-angat ng tingin sa kan'ya. "May nagpapabigay sa'yo." Sabi ni Sir na ikinakunot ng noo ko. "Kanino galing?" Tanong ko bago ibaling sa itim na kahon ang paningin. Nagkibit balikat si Sir. "I don't know, nakita ko lang 'yan sa ibabaw ng desk ko kanina, may naka sulat d'yan na para sa'yo daw 'yan." "Sir, baka palaka laman nito, ah!" Sabi ko na nakapag pakabog ng dibdib ko. Agad akong binatukan ni Sir. "Aray naman, sir!" Sabi ko habang sapo-sapo ang ulo. "Hindi 'yan palaka, ang liit-liit n'yan, eh." Oo nga, eh, paano kung baby frog laman nito? "Eh, paano---" "Bubuksan mo o ako ang magbubukas n'yan?" May pagbabanta sa boses nito. Unti-unti kong hinawakan ang ribbon na pula bago iyon higitin dahilan para maalis ito sa kahon. Sabay ko naman na hinawakan ang takip at dahan-dahan na itinaas ang takip no'n. Agad na sumalubong sa akin ang hugis bala ng b***l na ang kulay nito ay kulay ginto. Golden bullet. Dahan-dahan kong hinawakan ang gintong bala at itinaas ito hanggang sa aking mukha. "Gold bullet?" Kunot noong tanong ni Sir Brandon. "Megano'n?" Kunot noong sabi nito. Binalik ko ang tingin ko sa kahon bago iyon halungkatin. Mabilis kong nakita ang isang card na hind rin kalakihan. Mabilis ko iyon na kinuha at binasa ang naka sulat. From: I & B. "I & B?" Kunot noong sabi ko habang inaalala kung sino ang I & B. "I & B. I & B. I---" Napatigil ako ng may maalala ako. Innah & Billy..... _______________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD