Chapter 10

1407 Words
Tinaasan lang ako ni Klea'ng maharot bago ako irapan at talikudan. Ngumiwi ako. Napatingin ako kay Art ng hawakan n'ya ang kamay ko at makipag holding hands, hinawakan ko din 'yon ng mahigpit. "Let's take a seat." Sabi n'ya bago ako pinaghila ng upuan para maka-upo at pagkatapos naman ay s'ya naman ang umupo. Inakbayan n'ya ako bago hapitin palapit sa kan'ya at ipinatong n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko. "I'm tired." Bulong nito. Kumunot ang noo ko. Nilingon ko ito. "Hmm?" Tanong ko habang nakasilip sa kan'ya. Kinuha n'ya ang kamay ko na naka patong sa lamesa na may hawak na cellphone bago hawakan iyon at paglaruan. "Bakit sumama kapa kung inaantok ka pa?" Kunot noong tanong ko. Tiningala ako nito. "Nah. Akala ko hindi na ako aantukin." Pumungay ang mata nito. Napangiti ako habang naiiling bago isandal ang aking ulo sa ulo n'ya. "Inaantok din ako, pagod ako sa flight." Sabi ko bago takpan ang aking bibig at maghikab. Umalis s'ya sa pagkakasandal sa ulo ko at tinignan ako habang naka kunot ang noo. Maya-maya ay hinawakan n'ya ang ulo ko at unti-unting isinadal sa balikat n'ya. Naramdaman ko na hinalikan n'ya ang tuktok ng ulo kaya naman tinigala ko ito. Hinalikan n'ya ang noo ko bago ako yakapin na ikinataka ko. "Babe!" Napunta ang atensyon ko kay Klea'ng maharot nang maglakad ito palapit sa Section G. May dala itong platito na may nakalagay na cake. Malaglag sana 'yang cake mo! Puta ka! Napatingin sa kan'ya si Spade. Umupo ito sa kandungan ni Spade dahilan para unti-unting kumurba ang aking kilay. Pinulupot din nito ang kan'yang kamay sa bewang ni Klea'ng maharot. May palakol din kaya sila Manang Linda dito? "Look, babe! Binake ko pa 'to for you." Maarteng sabi ni Klea'ng maharot. Lihim akong umirap. Look, babe. Binake ko pa 'to for you nye nye. Daming alam. "Taste it, babe. For sure, you will like it." Ngiting-ngiting sabi ni Klea'ng maharot. Mabilis na tumaas ang kilay ko nang balingan ko nang tingin si Spade. Nakatingin ito sa akin habang dahan-dahan na ngumunguya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Art sa gilid ko kaya tinignan ko ito. Nakatingin ito sa cellphone ko habang naka takip ang kamay sa bibig n'ya. "Pinagtatawanan mo ba ako?" Tanong ko. Mabilis itong lumingon sa akin. Inakbayan n'ya ako bago halikan ang sintido ko. Nakita ko kung paano nagsalubong ang makapal na kilay ni Spade. "No. I'm watching funny videos." Sabi n'ya bago iharap sa akin ang screen ng cell phone ko. Napatango-tango ako. Bakit feeling ko ako ang pinagtatawanan n'ya? "Don't mind me if you heard me laughing, okay?" Tumango-tango ako. "I love you." Thank you. Ahihihihihi. "Masarap ba?" Ngiting-ngiting tanong ni Klea'ng maharot. Ngumisi si Spade bago pasimpleng tumingin sa akin. "I like it." Ngingisi-ngising sabi nito. Umirapa ko. I like it, i like it. Nye nye nye. Nang mapabaling sa akin si Klea'ng maharot ay umalis ito sa kandungan ni Spade at naglakad palapit sa amin. "Hey, Zaina." Sabi nito habang papalapit sa akin. Nagplastic ako nang ngiti sa kan'ya. "Nagbake ako ng cake." Pakialam ko? "Taste it," akala ko sa akin n'ya ibibigay ang kutsara na may lamang cake pero nagulat ako nang bigla n'yang isubo iyon kay Arthur. Mabilis na tumaas ang kilay ko. "Do you like it?" Ngiting-ngiting tanong ni Klea'ng maharot. Tipid na ngumiti si Arthur bago tumango-tango. "Yeah." Lalong nagsalubong ang kilay ko nang biglang isubo ni Klea'ng maharot ang kutsara na ipinangsubo n'ya kay Arthur. Ginagawa n'ya 'yon habang nakatingin kay Arthur na may mapang-akit na tingin. Aba! Aba! Aba! Nalipat ang paningin ko kay Spade na kanina pa nakatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. Nginisian n'ya ako bago kindatan. Sinamaan ko muna ito ng tingin bago irapan. Nabalik ang tingin ko kay Klea'ng maharot nang umupo ito sa tabing bangkuan ni Art at humarap kay Art na ngiting-ngiti. Kumuha na naman ito ng cake bago dahan-dahan na ilapit sa bibig ni Art. Umawang ang bibig ko at tumaas ang kilay ko. Really? Dito n'ya pa nagawang landiin ang boyfriend ko?! Shocks! Unti-unting kumuyom ang kamao ko dahil sa kakatihan ni Klea'ng maharot sa katawan. Umiling si Art. "No, thanks," tanggi ng nagpapaharot kong boyfriend. "My girlfriend will get mad at me." Sabi nito bago hawakan ang naka kuyom kong kamay at nilingon ako. "Ow, sorry." Sabi ni Klea'ng maharot at kunwari pa itong nagulat. Tangina mo! Gagu! "Cr lang ako." Sabi ko bago tumayo ng hindi inaantay ang magiging sagot nila. Dahil alam ko naman ang cr dito sa bahay ni Spade ay mabilis akong naka dating doon. Naka salubong ko pa si Manang Linda. "Manang Linda, may lagari ba kayo dito?" Tanong ko. "Lagari? Wala, bakit? Anong gagawin mo sa lagari?" Ngumiti ako bago umiling-iling. "Wala po. Sige po." Sabi ko bago ito iwanan. Mabilis akong pumasok sa cr at doon naglabas ng inis kay Klea'ng maharot. "Buwisit. Buwisit. Buwisit. Grrr! Nakakainis s'ya." Inis kong sabi sa cr bago inis na nagpipinadyak sa tiles. Huminga muna ako ng malalim bago inayos ang sarili. Kalma, Zaina. Hindi ka papatalo sa maharot na 'yon. Maharot lang 'yon at b***h ka, kaya hindi ka puwedeng matalo. Tumango-tango ako sa aking naisip. Inayos ko muna ang sarili ko bago hawakan ang door knob at buksan. Mabilis akong napaatras ng bumungad sa akin si Spade. Matagal kaming nagkatitigan bago sumungit ang aura ko. Mabilis na tumaas ang kilay ko. "Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong sa kan'ya habang sobrang taas ng kilay ko. Nagpeke ito ng ubo. "I came here to...." Lalong tumaas ang kilay ko. "To ano?" Naiinip kong tanong. "May gusto akong ipakita sa'yo." Sabi n'ya bago hawakan ang kamay ko at hilahin ako. Mabilis kong binawi ang kamay ko dahilan para mapatingin ito sa akin. "Kaya kong maglakad at sumunod sa'yo." Masungit ko sabi. Matagal itong napatitig sa akin bago bumuntong hininga at tumango-tango. "Fine. Let's go." Sabi n'ya bago ako talikudan at magpaunang maglakad. "Fine. Let's go, nye nye." Make face kong sabi bago sumunod sa kan'ya. Napunta kami sa may garden. Naka kunot ang aking noo habang nakatingin sa malapad n'yang likod hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses. "Can i kiss you?" Malanding tanong ni Klea'ng malandi. Oo, malandi na. Hindi na maharot. Pasimple kong sinilip ang kausap n'ya at mabilis na lumambot ang aking ekspresyon ng makita ko kung sino ang kausap n'ya. Arthur.... Seryosong nakatingin sa kan'ya si Art habang nakalagay ang kamay n'ya sa magkabilang bulsa ng slacks n'ya. "I'm sorry, my girlfriend will get mad at me." Seryosong sabi ni Art. "I promised to her that i'll be loyal and faithful to her even she's not around." Lihim akong napangiti. "I love her so much, she's the most precious girl i know, i can't cheat on her. I'm sorry." Sabi ni Arthur bago iwanan na naka nganga si Kle'ng malandi. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Klea'ng malandi bago inis na sumunod kay Art habang pumapadyak-padyak. Hinarap ko si Spade na seryosong naka tingin sa akin. "Bakit ba dinala mo'ko dito?" Mataray kong tanong. Muling kumurba ang aking kilay. "Do you really love him?" Seryosong tanong n'ya, hindi ako nakapag salira. Para akong na pipi sa tanong n'ya. "Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Naka tingin ito sa akin ng seryoso at unti-unting humakbang papalapit sa akin. Aatras sana ako ng mabilis n'yang mahablot ang aking bewang. "Yes." Matapang na sagot nito. Aba! Matapang! "I'm jealous, i'm f*****g jealous when someone talk to you at sa mukhang paa pa." Sabi nito dahilan para maitulak ko si Spade. "Hoy! Anong mukhang paa? Hindi mukhang paa si Arthur!" Dipensa ko. "Hindi ka naman inaano nung tao, ah!" Dagdag ko pa habang salubong ang kilay ko. "Iaano?" Sabi nito. "Bakit s'ya boyfriend mo na," Tumaas ang kilay ko. "Tapos ako ang tagal ka ng mahal hindi mo pa nagiging boyfriend, that's unfair!" Maktol nito. Mabilis na tumaas ang kilay ko. "Hoy! Walang unfair do'n. At isa pa, niloko mo'ko 'diba? Malay ko ba na niloloko mo na naman ako." Masungit kong sabi. Nagsalubong ang kilay nito. "Let's see." Nakangising sabi nito. Mabilis na nangunot ang noo ko. "Anong let's see?" Kunot noong tanong nito. Lalong lumapad ang ngisi nito. Humakbang ito papalapit muli sa akin bago ibaba ang mukha sa gilid ko at ilapit ang kan'yang bibig sa aking tenga. Ramdam ko ang mainit nitong hininga. "Kung sinong unang rurupok." ________________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD