Napa tingin ako sa cell phone ko ng sunod-sunod itong tumunog. Puro text messages na galing sa Black Society at sa mga hunghang. Binabati nila ako ng Merry Christmas at Happy Birthday.
HCP (Cold):
Happy Birthday and Merry Christmas! Iloveyouu!
HW (Heaven):
Zemiiii! Happy Birthday and Merry Christmas!
LE (Luke):
Happy Birthday and Merry Christmas, hope you'll fine, i'm worried. Please respond to my calls and text messanges.
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng mga text nila. Hinanap ko kung may text ba s'ya pero wala kahit tuldok man lang.
Maybe, he's mad at me.
Anong maybe maybe, galit talaga s'ya, pinaalis na nga n'ya ako at huwag na nga daw ako babalik eh.
Bumuntong hininga ako. Inilapag ko ang cell phone ko sa may side table at kinuha ang cake na nasa side table din.
Nilapag ko sa harapan ko ang cake bago sindihan iyon.
"?Happy Birthday to me, happy birthday to me, happy birthday, happy birthday, happy birthday to me?" Naka pikit kong kanta at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang aking luha bago dumilat. Tipid akong ngumiti bago ihipan ang kandila. "Happy Birthday self." Sabi ko bago buhatin ang cake at ilagay sa mini ref dito sa aking kuwarto. Bumalik ako sa aking kama at humiga bago magkumot at matulog ng may bigat sa aking pakiramdam.
Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cell phone ko. Naka pikit kong kinapa ang cell phone ko sa may side table. Maliit kong dinilat ang aking mata, si Hirein, tumatawag. Kasabay ng pagtawag ni Hirein ay ang sunod-sunod na pagtetext ng buong Black Society member.
I knew it!
Alam na nila na umalis ako. Umalis ako pero hindi nila alam, hindi rin nila alam na may sakit ako. Kahit si Amelia, hindi alam na aalis ako, kaya ngayon ay tinadtad na nila ako ng tawag at text.
Papatayin ko na sana ang cell phone ko ng may makaagaw ng pansin ko. Isang unknown number ang nagtext sa akin. Mabilis ko itong pinindot habang naka kunot ang noo.
09*********:
Mommy?
Hindi ko na sana papansinin iyon ng muli itong magtext.
09*********:
It's me, Yuwen.
Mabilis na nanlaki ang aking mata kasabay nang mabilis kong pagtitipa.
Me:
Yuwen? Ikaw ba talaga 'yan? Paano mo nakuha ang number ko? Bakit alam mo ang number ko? Alam ba ito ng kuya mo?
Kagat-kagat ko ang aking daliri habang inaantay ang reply ng batang ito.
Yuwen:
Tita Klea told me that you left kuya, isn't true, right ,mommy?
Mabilis akong napatitig sa screen ng cell phone ko. Unti-unting tumaas ang kilay ko.
Me:
Kailan n'ya sinabi 'yan, baby Yuwen?
Hindi halata pero naiinis ako sa sinabi ni Klea sa bata, paano nalang kung bigla magalit si Yuwen sa akin?
Sarap n'yang tadtarin, puta!
Yuwen:
Kahapon po. Nagpunta po s'ya dito para alagaan si Kuya Spade.
Mabilis na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Agad akong nagreply.
Me:
Bakit? Anong nangyari sa Kuya Spade mo?
Yuwen:
He's sick, he called you. He crying while calling your name. He said, Zaina baby, i'm sorry, please come back.
Unti-unting nangilid ang luha ko habang paulit-ulit na binabasa ang reply ni Yuwen.
Yuwen:
And Tita Klea said, she'll never come back, Spade. Ako ang nandito pero bakit s'ya ang hinahanap mo?
Me:
Is he already fine?
Tanong ko. Mabilis itong nagreply.
Bakit ba ang bilis magreply ng batang 'to? Ang liit pa lang ng daliri eh.
Yuwen:
No po. He's sick since you left him. He don't eat. He don't drink water. Hindi po s'ya nalabas sa kuwarto n'ya po, kawawa po kuya ko.
Doon na tuluyan na bumagsak ang aking luha. Kasalanan ko 'to.
Yuwen:
Hindi na rin po s'ya pumapasok sa school.
We're worried.
Yuwen:
Mommy, uwi kana.
Yuwen:
Mommy, malapit na birthday ko po. Punta ka po, ha?
Umiyak lang ako ng umiyak at hindi na nakasagot sa mga reply ni Yuwen. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at humagulgol habang yakap-yakap ang aking tuhod.
This is all my fault. I'm sorry.
After a weeks i stayed in China. Finally! I'm going back to the Philippines were i came from.
I celebrated my Birthday, Christmas and New year alone, i'm not happy with that set up but i had no choice, but to celebrate it alone with pain in my chest.
After i celebrate alone the 3 importants day in my life, i went in my bed while hugging my knee and crying while watching the rain. I always remember the day, first day of my life, i remember the day i walked under the pouring rain. Run, and laugh with him. I'm so happy that day couz i'm not scared at thunder and volt anymore, i'm happy that he did that thing even were not so close, you know, were enimies but he's still always in my side where i was need a shoulder who lean on.
"Ma'am, we're here." Mabilis na napunta sa butler ko ang aking atensyon ng magsalita ito. Mabilis ko itong sinamaan ng tingin.
"Panira." Sabi ko bago tumayo at dalihin ang shoulder bag ko.
Pagbaba ko ng eroplano ay agad na sumalubong sa akin ang isang itim na kotse sa hindi kalayuan.
Kung hindi ako nagkakamali ay iyang kotse na 'yan ang gagamitin ko papunta sa bahay ng mga Smith para sa birthday ni Yuwen.
"'Yung regalo na ipinabalot mo ay nasa loob na rin ng kotse mo." Butler Constantino said, i didn't responed.
Hindi ko s'ya pinansin at inilahad ko nalang ang kamay ko para kuhanin ang susi. Mabilis akong naglakad palayo sa kan'ya para pumunta sa kotse. Walang sabi-sabi na umalis ako at pinaandar ang kotse papunta sa bahay n'ya. Bago ako umalis ay tinext ko s'ya.
Me:
On the way.
Sa labas palang ng bahay n'ya ay marami na akong batang nakikita na naglalaro at naghahabulan. Marami ring mga lobo, mesa at bangkuan dito, panigurado ako na dito ginanap ang birthday party ni Yuwen.
Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang isang lalaki na naka halukipkip sa kan'yang kotse. Naka sandal ito sa pintuan ng kan'yang kotse habang nanonood doon sa mga batang naglalaro.
Mabilis akong nagpark at bumaba ng kotse.
"Hoy!" Pagtawag ko dito. Mabilis naman itong napatingin sa akin bago ngumiti. Pumasok muna ako sa loob ng kotse bago kuhanin ang regalo ko para kay Yuwen at pagkatapos ay naglakad ako palapit sa kan'ya.
"Akala ko hindi ka na darating." Naka busangot n'yang sabi bago ako yakapin.
Mahina akong natawa bago ito mahinang itulak. "Hindi puwede na hindi ako darating, birthday ni Yuwen 'to."
"Dapat kasi nagpasundo ka na sa'kin, para hindi ako naghintay ng matagal dito." Naka nguso n'yang sabi dahilan para pisilin ko ang pisngi n'ya.
"Kuyang Guard, i'm back, papasok." Sabi ko kay Kuyang Guard. Pinagkunutan ako nito ng noo.
"Sino ka, Miss?"
"Ako 'to, si Zaina! Grabe ka Kuya, ha." Sabi ko bago ngumuso. Nakalimutan na n'ya ako agad. Parang kaylan lang tinawag n'ya akong baliw.
Mabilis itong pumitik sa hangin ng makilala n'ya ako. Mabilis n'yang binuksan ang gate.
"Pasensya na, hindi agad kita nakilala. Lalo ka kasing gumanda." Pambobola nito. Pabiro kong sinipa ang binti nito pero tumawa ito at mabilis na umilag.
Dumiretso na kami kaagad sa loob dahil wala naman si Yuwen dito sa labas. Mabuti nalang at hindi naka sara ang double door na pintuan na pagmamay-ari n'ya kaya hindi kami nahirapan na pumasok ng kasama ko.
Sa hindi kalayuan sa tabi ng cake ay naka ang naka yukong ulo ni Yuwen ang una kong nakita. Nilalaro-laro nito ang kan'yang daliri.
Tinabihan ako ng kasama ko bago hawakan ang bewang ko.
"Pstttt!" Sitsit ko sa batang nakayuko. Mabilis naman itong nag-angat ng tingin, nanlaki ang kan'yang mata kaya ngumiti ako. "Happy Birthday." I said without making a sound.
"Mommy!" Malakas nitong sigaw bago tumakbo papalapit sa akin. Umupo ako para salubungin ang yakap n'ya.
"Happy Birthday." Bulong ko dito ng yakapin ako ni Yuwen. Mahigpit akong niyakap ni Yuwen kaya naman mahina akong natawa bago ito buhatin.
"You came!" Ngiting-ngiting sabi nito dahilan para matawa ako.
"Syempre naman." He giggled.
"Happy Birthday." Sabi ng lalaki sa aking tabi. Mabilis na nawala ang ngiti ni Yuwen sa labi ng makita ang lalaking nasa tabi ko.
Niyakap ni Yuwen ang leeg ko bago bumulong. "Mommy, who is he?"
"A-Ah... e-eh." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago balingan ang kasama ko. Nginitian n'ya ako bago tumango. "He's Arthur my---"
"Yuwen, who's that?" Mabilis akong bumusangot ng may marinig akong pamilyar na boses pero mabilis na tumaray ang aura ko bago humarap sa babaeng lapastangan.
"Zaina, the bitch." Sabi ko bago ngumisi sa kan'ya. Mabilis na tumaas ang kilay n'ya.
"What the hell are you doing here?" Mataray na tanong nito.
Ibinaba ko si Yuwen bago humarap kay Klea na ngayon ay nakataas parin ang kilay.
"Visiting my..." Binalingan ko muna ng tingin si Yuwen na ngayon ay nakakapit sa binti ko bago ibalik kay Klea ang tingin. "Son." Sabi ko bago muling ngumisi sa kan'ya.
"What?! What son?" Salubong ang kilay na tanong nito.
"Son and Mother, hindi ba malinaw sa'yo?" Nakangisi kong sabi.
"What is going on here?" Tanong ng isang seryoso at pamilyar na boses.
What is going on here? Nye nye nye!
Tumabi ito kay Klea'ng maharot. Mabilis na nagsalubong ang aming tingin. Gaya ng iwan ko s'ya noon, ay ganon parin s'ya ngayon.
Seryoso at walang emosyon.
Tinapatan ko ang tingin n'ya hanggang unti-unting bumaba ang aking paningin sa braso n'ya dahil unti-unting pumulupot ang braso ni Klea'ng maharot doon.
Umismid ako bago naiiling na iiwas ang tingin doon.
May lagari kaya sila Manang Linda dito?
"Babe," malanding pagtawag ni Klea'ng maharot kay Spade. Bago himas-himasin ang braso nito. "Inaagaw n'ya si Baby Yuwen sa atin." Malanding pagsusumbong nito dito.
Lalong humigpit ang kapit ni Yuwen sa binti ko dahilan para mapatingin ako dito.
Nakatingala ito sa akin habang nakanguso, mukha s'yang maiiyak.
"Yuwen," Sabay-sabay kaming napatingin kay Spa---alam n'yo na. Nang tawagin n'ya si Yuwen. "Choose what you want."
Tiningala ako ni Yuwen. "Mommy, Zaina." Ngumiti ako sa kan'ya ng malaki bago pisilin ang pisngi n'ya na ikinalaki ng ngiti n'ya.
Mabilis na nagsalita si Klea'ng maharot. "What?! Baby Yuwen, choose me instead of her, she left your kuya." Galit na sabi ni Klea'ng maharot.
Unti-unting kumurba ang aking kilay. "Atleast ako hindi namburaot," Sabi ko habang nakangisi. "At isa pa, atleast ako bumalik, kesa sa'yo, bumalik nga kasi naubos na 'yung naburaot." Sabi ko bago ngumisi sa kan'ya.
Muling pinulupot ni Klea ang braso n'ya sa braso ni Spade.
Parang ang sarap magtadtad ng lechon ngayon.
"Uhmmm, by the way, before i forgot. Meet my boyfriend, Spade." Pagpapakilala ni Klea kay Spade habang ngiting-ngiti. Ramdam ko ang titig sa akin ni Spade pero hindi ko magawang salubungin ang titig n'ya.
So? Pakialam ko?
Unti-unting sumilay ang ngiti ko. "Congrats." Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.
Ngumiti naman sa akin si Klea'ng maharot. Bumaling ako kay Spade at inilahad ang aking kamay.
"I'm Zemira Zaina Everleigh, nice meeting you." Nakangiti kong sabi. Mabilis na nagsalubong ang kilay n'ya habang nakatingin sa kamay ko. Dahan-dahan ko iyong binaba ng tinitigan n'ya lang iyon.
"Who's that guy beside you?" Tanong ni Klea.
"I'm Arthur Saverda..." Pakilala ni Arthur sa dalawang nasa harapan ko ngayon.
"My boyfriend." Dugtong ko sa sinabi ni Art.
"OMG! Congrats!" Sabi ni Klea'ng maharot bago lumapit sa'kin at yakapin ako.
"Thank you." Lalapit na sana muli si Klea'ng maharot kay Spade ng talikudan s'ya nito at iwanan. Napanganga si Klea.
Pfftt.
Sinundan namin ng tingin kung saan pupunta si Spade, doon ko lang napagtanto na nandito ang buong Section G. Salubong ang kilay ni Spade ng maupo ito sa tabi nina David at Lucas na salubong na din ang kilay.
Okay?
"So, why are you? Nandito ka ba para makipag laro?"
Ngisian ko si Klea'ng maharot.
"I didn't come to play, i came to slay."
______________________________________________________________________________