Pagkatapos ng klase, nagpunta kaagad ako sa office ni Gabriel. Hindi ko nga lang sigurado kung nandito siya sa campus dahil buong araw ko naman siyang hindi nakasalamuha. Habang papalapit ako sa office ni Gabriel, napansin kong may pumasok na babae roon na nakasuot ng maikling dress. Fitted iyon at hindi ko masiguro kung student ba iyon dito sa campus. Kasabay naman ng pagpasok ng babaeng iyon, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bag kaya agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang nag-text. From: Gabriel We can’t meet today. May gagawin lang ako. Napaangat ang aking kilay sa nabasa. Hindi ko alam kung bakit biglaan siyang nag-text ng ganito at kung bakit may pumasok na babae sa office niya. Dahil medyo alam ko na ang pasikot-sikot sa office niya, hindi ako duma

