“Are you sure that it was her?” Naalipungatan ako sa aking narinig kaya dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang ay umiinom ako pero may pakialamerong lalaki na tumabi sa akin. “Naninigurado lang ako,” sambit ulit ng boses na medyo pamilyar. Saan ko nga ba narinig iyang boses na iyan? “Yeah,” huling sambit niya kaya napaupo kaagad ako nang wala sa oras. Tiningnan ko ang aking katawan at pinakiramdaman ngunit agad nanlaki ang aking mga mata nang makita kong iba na ang suot ko. “Holysh-t!” malutong kong mura. Nakarinig naman ako ng mga yabag at nang tingnan ko kung sino ang nasa pintuan ay itinuro ko siya. “You! What did you do to me?” “Huh? Ako?” naguguluhan niyang tanong habang itinuturo ang kaniyang sarili.

