Padabog akong umupo sa aking sofa nang makarating ako sa condo ko. Hindi naman umimik si Lance pagpasok niya sa aking condo. Talagang kina-career niya ang pagiging bodyguard ko. Kaso hindi ako makapag-isip kapag nandito siya. Wala naman sigurong masama kung sasabihin kong bukas na lang niya ako bantayan? Hindi kasi talaga ako mapakali sa sobrang dami ang bumabagabag sa isip ko. “Puwede bang doon ka muna sa condo mo?“ tangkang tanong ko habang nakatitig sa bulaklak na nasa aking harapan. Totoo nga ang sinabi ni Gabriel sa akin kahapon. Manliligaw siya sa akin. Ang malala pa ay binigyan niya ako ng bulaklak kanina sa office ko at siya pa mismo ang nagpunta. Isa pa sa nakakagulat ay isa na rin si Miguel sa bodyguard ko. Nalaman ko lang kanina noong nagpunta siya sa rito sa condo ko para s

