“Ma’am, Mr. Fontanilla is here,” my secretary informed me when she entered my office. Napahigit naman ako ng hininga sa narinig dahil sa nalaman at bahagya pa akong napatigil sa pagtipa sa aking keyboard. Nang tumingin ako kay Lance, nakita kong nakakuyom siya ng kaniyang palad na para bang nagtitimpi. “Inform him to wait for a while,” I command. Paglabas niya ng office ko ay agad kong naramdaman ako masamang tingin ni Lance. Matapang ko namang tinapatan iyon pero parang nagsisi ako nang makita ko ang galit sa kaniyang mga mata. “Xianel, huwag mo siyang kausapin,” pigil niya sa akin. “Mag-uusap lang kami. Kung may mangyari man, pipindutin ko kaagad ang alarm ng office,” saad ko pero umiling siya sa akin. “Kung hindi pa kami dumating noon baka napahamak ka na. Tapos gagawin mo ulit iy

