“Daddy, saan na nga pala ang bodyguard ko?” tanong ko nang makarating ako sa condo ko. “Sinabihan kong pumunta na riyan,” sagot naman ni daddy sa kabilang linya. “Anyway, I’ll end the call now. Make sure to eat your meal, Xianel.” “Yes, Dad. Take care,” I uttered before he ended the call. Agad naman akong dumiretso sa kusina para magluto pero bago pa man ako makapasok ay tumunog na agad ang doorbell. “Baka ayan na iyong bodyguard ko,” sambit ko sa aking sarili at nagmadaling magpunta sa main door para silipin kung sino ang nasa labas pero nang mapansin kong si Lance pala ay agad ko na itong pinagbuksan. “Akala ko naman, iyong bodyguard ko na ang nandito,” bungad ko sa kaniya at saka ngumiti. “Pasok ka.” Tiningnan niya lang ako nang seryoso saka pumasok sa aking condo. Hindi ko alam

